Chapter 15

292 23 0
                                    

Vaniza's POV.

"Kyle," mahinang sambit ko.

Kasalukuyan kaming naglakad papunta sa restaurant na tinuro ko. Medyo mahaba ang araw na magkasama kami kaya kahit na palagi kaming kumain ng kung ano-ano, nakaramdam parin ako ng gutom.

"Hmm?" He asked.

"'yung sinabi mo na.." tumingin ako sa mata niya. Sakto naman na tumingin rin siya sakin, pero agad ding binaling ang paningin sa daan. "Kung sakaling ma-inlove ako sa'yo, anong gagawin mo?"

Saglit siyang napahinto pero agad ding nagpatuloy sa paglakad. "That's not gonna be happen, Vaniza. I know you, mahal mo si Keith, at hindi ka madaling ma-fall sa kahit kanino." Aniya.

Tinabingi ko ang ulo ko. "Paano nga? Paano kung sa ginawa mo nitong nakaraan ay unti-unti na palang nahulog ang loob ko sa'yo?" Pilit ko pa sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko'ng gawin. Sabi ko naman sa'yo, pigilan mo. Dahil, may mga problema pa akong dapat asikasuhin."

"Pero kung magustuhan nga kita, Kyle. Magugustuhan mo rin kaya ako?"

Hindi siya umimik. Napahinto rin siya sa paglakad. Ngunit, bago pa siya makapag-salita ay inunahan ko na.

"'wag kang mag-alala, wala akong balak na gustuhin ka." Aniko at nagpatiuna ng maglakad.

Tss. Bakit ba ako nakaramdam ng ganito? Wala akong naramdaman sa kanya, kaya hindi dapat ako makaramdam ng sakit.

'Vaniza, stop. Mahal mo pa si Keith, at hindi si Kyle.' kumbinsi ko sa sarili ko.

Nitong nakaraan, imbes na maging emosyonal ako dahil sa nangyari kela ate ay hindi ko nagawa. Dahil, andyan palagi si Kyle para paghilumin ang sakit na naramdaman ko. Kaya, paano ko iiwas ang sarili kong mahulog sa kanya? Siya ang palaging nasa tabi ko---crap that Vaniza, Wala kang feelings sa kanya, okay!

"Vaniza!" Napahinto ako sa paglakad at nilingon siya.

Nakapamulsa siya at kita ko sa kanyang mata ang lito.

"A-ano 'yun?" Sagot ko sa kanya.

"May feelings ka na ba sa'kin?" Parang biglang kumabog ng malakas ang puso ko. Meron nga ba? Hindi pa ako sigurado.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong ko.

"Nothing. Nakalampas na tayo sa restaurant, tara't bumalik na." Aniya.

Napakurap pa ako ng ilang beses bago tumango. "Uhm.."

Pagkapasok namin sa restaurant ay siya na ang tumuro kung saan kami uupo. Walang imik lang akong sumunod sa kanya.

Feelings? Hindi ako sigurado sa sagot na 'yan. Dahil, hindi ko rin naman sigurado ang kakaibang pakiramdam 'pag kasama ko si Kyle.

Pero, kung meron nga. Prefer ko na sa sarili ko na maging heart broken ulit.

Ano kayang naging kasalanan ko para maging heart broken lagi? Always nalang.

"Hey." Untag niya sa'kin dahilan para matauhan ako.

"H-ha?"

"You're out of nowhere. Kumain ka na para magkalaman ka rin." Ngumiti lang ako sa kanya ng pilit.

Hanggang sa nakauwi kami ay ganu'n parin.

Agad akong sumampa sa sofa at in-off ko na ang lights gamit ang remote.

Hindi ko maiwasan na isipin ang mga araw na magkasama kami ni Kyle. Hindi man kami magkasundo, pero bigla nalang dumating ang araw na hindi namin namalayan na unti-unti na pala kaming nagkaayos.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon