Chapter 6

450 27 1
                                    

Vaniza

SABADO na at ngayun ang araw na pinakaayaw ko sa lahat. Dahil ngayun na magsisimula ang pag-tutor ni Kyle sa'kin.

Maaga akong nagising, hind sa excited kundi sa pangigigil. Nag-ayos ako ng kunti at agad ng lumabas. Habang naglakad pababa ay te-next ko narin si Kyle. Kailangan ako ang mag-decide kung saan kami pupunta.

To: Kyle
Sa coffee shop nalang tayo mag-aral.

Si-nent ko na rin sa kanya ang address.

"Vaniza, saan ka pupunta?" Tanong ni Dad.

Saglit ko siyang binalingan ng tingin at pinagpatuloy ko rin ang pag-sintas ng sapatos ko.

"Sa coffee shop dad."

"With?"

"Kyle. Don't worry dad, hindi ako maglalakwatsa. Bye dad!" Sabi ko at hinalikan siya sa pisnge bago tuluyang lumabas ng bahay.

Pagkarating sa coffee shop na pagtagpuan namin ni Kyle ay agad ko ng kinuha ang mga books at notebooks. Walang masyadong tao dito kaya free lang na mag-study. Halos lahat din ng customer ay mga estudyante.

"One hot vanilla latte, please." Sabi ko sa isang waiter. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at binasa ang text message na galing kay Kyle.

From: Kyle
Papunta na.

Napapikit ako sa inis nang mabasa ko ang kanyang message. Akala ko pa naman kanina siya pa ang naunang dumating dito. Pero ang ending, ako parin.

"Here's your order ma'am."

"Thank you." Bumalik na agad ako sa bandang dulo na inupuan ko kanina nang matanggap ko ang order ko'ng vanilla latte. Ito ang Isa sa mga favorite ko.

Lumipas na ang ilang oras pero wala parin si Kyle.

"Asan na ba ang gagong 'yun." Mahina ko'ng bigkas. Nagsimula na akong na-bored. At kapag makaramdam ako ng ganito. Bar agad ang maisipan ko'ng puntahan.

"Uy, sorry. Late ba?" Inis ko'ng tiningnan siya. Pero baliwala lang 'yun sa kanya at agad na tumabi sa'kin.

"Ay hindi."

"Mabuti naman--"

"Dahil sobrang late ka na! Alam mo bang kanina pa ako naghintay sa'yo dito?" Irita ko'ng sabi sa kanya.

"Sana all, hinintay!" Pasiring ko siyang tiningnan dahilan para tumahimik siya.

"Vanilla, stands for Vaniza. Huwaw! Kaya pala favorite ko ang vanilla latte, dahil kapareha ng pangalan mo."

"Tumigil ka nga. Ano bang pinunta mo dito Kyle, ang maglandi o mag-tutor?"

"Maglandi--"

"Sige, ituloy mo. Kukutungan talaga kitang hayop ka!"

"Ang init naman agad ng ulo mo, Vaniza. Pero nu'ng pinasok mo 'ko sa cr, grabe ang titig mo sa katawan ko. Parang--"

"Kyle!" May pagbabanta ko'ng tawag sa kanya.

"Okay sige, let's start."

Gaya ng sabi niya. Lumipas ang mga oras na naging seryoso siya sa pagturo.

Hindi ko maintanggi na magaling si Kyle magturo. Dahil lang ng mga tinuro niya sa'kin ay nakuha ko. Kahit math, hindi niyatinantanan hanggang sa makuha ko.

"Okay na siguro 'yun." Aniya.

Tumango naman ako. "Okay." Sabi ko at akmang tatayo pero agad niya akong pinigilan. "Ano?" Inis kong tanong.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon