Chapter 22

235 19 1
                                    

Vaniza's POV.

"Anak, bumaba ka na kasi. Kagabi ka pa hindi kumakain, baka mapano ka na." Ani mommy.

Yeap, kahapon nangyari ang mga bagay-bagay. Agad rin naman kaming umalis, nagtaka pa si Venice kung bakit ambilis, e hindi pa nga raw kami nakapag-bonding.

Itinuklob ko ang mukha ko sa unan. "I'm not hungry, mom. Mauna na kayo." Walang gana kong sagot.

Ayaw kong harapin si mommy, lalo na't sigurado akong malaki ang eyebags ko ngayun.

"Vaniza, if about parin Ito sa issue ninyo ni Kyle, just accept the fact okay? 'wag mong hayaan ang sarili mo na magutom dahil lang sa isyu na 'yun." Naramdaman ko ang paglubog ng kama, senyales na umupo si mommy ro'n. "Vaniza, pagsubok lang ninyo 'yan. And I'm sure, malampasan niyo ang lahat ng 'yun." Dagdag pa ni mommy at hinaplos ang aking buhok.

Umiling ako. "No mom! My birthday will be tommorow, and im excited of it. Gusto kong palayain si Kyle sa araw mismo ng birthday ko. I have already my plan, ikakasal na siya, at wala narin naman akong magawa doon, lalo na't si Tito Kevin ang may gusto. I don't want to be selfish anymore," ani ko. Umupo ako paharap kay mommy. Hindi ko na inalintana ang buhok ko na sobrang kusot, at ang namamaga kong mata dahil sa kakaiyak.

"Good girl. I know you do it well, Vaniza. Alam kong tama ang decision mo dahil naniwala ako sa lahat ng mga bagay na ginawa mo."

Naging malamlam ang pagtingin ko sa kanya. naalala ko ulit 'yung mga panahong palaging mababa ang tingin nila sakin, sobrang sakit ng mga panahon na 'yun. Pakiramdam ko, ni Isa wala akong karamay.

"You do, mom?" Mangiyak-ngiyak kong wika.

"Yes, I do."

"Pero bakit noon? Bakit mababa ang tingin mo sakin? Bakit si ate palagi ang...ang ikinumpara mo sa'kin?"

"'cause I want you to be brave, Vaniza." Hinawakan niya ang kamay ko. "And you do it, narunong kang tumayo ng mag-isa mo, at nakaya mo lahat ng sakit. Naranasan ko na ang mga sakit na naransan mo nitong nakaraan, Vaniza. Pero, maling-mali akong pinaranas ko rin sa'yo ang naramdaman ko dati. Dahil wala kang kasalanan, mabait, matulungin at malakas ka. Hindi mo deserve ang masaktan." Dagdag pa nito.

Walang pasabing yumakap ako kay mommy. Matagal ko ng hinintay ang pagkakataon na'to. Ang pakiramdam na mayroon akong Ina na mapagsabihan sa lahat ng mga hinanaing ko, at ngayun natupad na.

"Uhmm, mommy! Pinaiyak mo 'ko!"

"That's what we called, tears of joy, Anak." Gamit ang paghawak ni mommy sakin, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Tingnan mo nga ang itsura ng anak ko! Dahil sa sobrang better sa pag-ibig, hindi na porma ng tao ang mukha!" Anito habang sinuri ang buo kong mukha. "Maligo at magtoothbrush kana, dahil ipaghain kita ng masarap mong ulam." Anito at tumayo.

Tumango naman ako nang may ngiti sa labi, "I love you, mom. And thank you. Thank you for everything that you've given to me, I love you so much, mommy! You're the best mom ever in the world!" Naiiyak kong wika.

"I love you too. Sige na, bumaba ka nalang pagakatapos mo sa lahat."

"Uhm..."

Excited akong bumaba sa kama. Kahit na heartbroken ako kay Kyle, unti-unti namang nabuo ang pamilya namin. Kaya kahit na nasaktan ako ni Kyle, hindi ko parin magawang magmukmuk, lalo na't unti-unti ng natupad ang pinangarap kong maging masaya ang pamilya namin.

Bago ako bumaba, inayos ko muna ang kama. Lahat ng mga kailangang ayusin ay ginawa ko na. Sobrang fresh ng pakiramdam!

"Ate!" Sigaw ni Venice.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon