Chapter 9

342 26 2
                                    

[Date]

Vaniza

"Morning." Bati agad ni Kyle ang nakapag-pagising sa'kin.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Muntikan pa akong mahulog nang makita kung gaano kalapit ang mukha niya sa'kin.

"L-lumayo ka nga Kyle!"

"Why babe," alam niyo 'yung boses ng bagong gising, husky? Oh, 'yun. Ganyan na ganyan ang boses niya.

"Tsk." Untag ko at umayos na ng upo.

Nakita ko naman siyang ngumiti at tumayo. "Breakfast's ready. Kumain ka na babe, dahil maaga tayong aalis ngayun." Aniya.

"Mabuti naman. Dahil hindi ako makakatagal dito sa islang 'to." Ani ko.

Nang matapos na kaming kumain, Gaya nga ng sabi niya. Maaga kaming umalis. Ni hindi na kami pumunta sa bahay niya.

Nang makarating kami sa bahay ay agad na akong pumasok at nadatnan ko si dad sa sofa na busy kakabasa ng dyaryo habang may hawak na kape.

"How's your trip, Vaniza." Untag niya.

Napairap nalang ako sa kawalan. Naalala ko lang ulit ang pang-aalipin ni Kyle sa'kin.

"Trip ba kamo, Dad?"

"Yeah. How is it."

"Para sa'kin hindi 'yun trip Dad. Para sa'kin bangungot 'yun. At isinusumpa ko, ayaw ko ng bumalik sa lugar na 'yun." Bakas sa boses ko ang irita.

Talagang ayaw ko ng bumalik dun, kahit na anong ganda ang meron dun pero kung pagbubunutin lang din naman ako ng damong ligaw, e di 'wag na!

"No, Vaniza. Every week na kayong pumunta ni Kyle dun."

"Pero dad--"

"And if I say so, just do it."

"Dad! Paano ang pagiging tutor ni Kyle sa'kin? Alam mo ba, dad... ginawa niya akong alipin dun. Kahit ayaw ko'ng maghugas, pinilit niya ako. And one thing dad, pagbubunutin pa sana niya ako ng damo." Parang bata na sumbong ko kay Dad. Dapat lang na maawa si dad sa'kin para hindi na ako makakabalik du'n.

"Good." Anong good?

"Dad, hindi mo man lang ba sabihin na hindi na matuloy ang pagbalik ko dun?"

"Vaniza, that's what I mean. Gusto ko'ng pumunta ka dun para magtrabaho. Napag-isip-isip ko kasi, na kung bagsak ka parin sa next semester mo, palagi kang babalik sa lugar na 'yun. Work with Kyle, but the difference is..he is your boss." Ani dad.

I can't believe this.

"Dad, ayaw ko."

"Then, ipasa mo ang next sem. You don't want to work on that place, so do your job as a student." Ani dad at tumayo na.

Padabog naman akong umakyat sa taas.

"Grabe, bakit ba nagawa sa'kin ni dad 'to? Hindi ba siya naawa na pagbunutin ng damo ang anak niya?"

Pabagsak akong humiga sa kama. Bahala na si Batman sa grades ko, Basta! Ayaw kong pumasok ngayun.

Lumipas ang ilang oras ay nagising ako dahil sa ingay sa labas.

"Ang ingay..."

Bumangon ako galing sa pagkakahiga at kinusot ko pa ang mata ko para maaninag kung ano ang meron sa labas.

Nang maaninag ko kung ano 'yun ay parang luluwa ang dalawa ko'ng mata.

"Bahay ba namin 'to?" Hindi makapaniwala ko'ng tanong.

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon