Chapter 11

346 24 1
                                    

Vaniza

"Kuya, kayo na po ba?" Tanong ng Isa sa mga bata.

Nagpipila kasi sila para sa mga ibibigay ni Kyle sa kanila. Tinulungan ko lang si Kyle para madaling matapos.

"Oh, yeah."

Napa 'ow!' naman ang mga bata, animo'y amaze na amaze sila sa narinig.

Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapangiti.

'tss, tumigil ka Vaniza. Nakakarindi ka na!' untag ko sa sarili at nagpatuloy na sa pag-bigay sa kanila ng rice.

Nabalitaan ko rin na buwan-buwan na bumisita si Kyle dito at magdala ng kahit anong pwede i-regalo sa mga bata.

"Eh, paano po si ate Karen?" Tanong ng Isa sa kanila na ikinatigil ko.

Karen, who?

Tss, none of my business.

"Oo nga po, kuya. Hindi na po ba siya dadalaw dito?"

"Kuya, namimiss na namin siya. Kailan po ulit kayo magkasamang dadalaw dito?"

Puro pagtatanong ang naririnig ko sa kanila. Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

-*-

"Vaniza, I have something to tell you." Ani Kyle sa kalagitnaan ng aming paglalakad.

Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya ng may pagtatanong.

"Hmm?"

"Kung uuwi na tayo sa inyo, be sure na may rules kang dapat sundin." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Rules? Bakit?"

"That's part of our deal. You need to avoid Keith para hindi na babalik ang feelings mo sa kanya."

"Pero--"

"You need to." Aniya.

Napatango nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kyle, how about your dad?"

"Why?"

"Kapag nalaman niya na nandito ako, siguradong magalit siya. Knowing your dad, simula pa noon..." Saglit akong tumigil sa pagsasalita nu'ng maalala ko kung gaano ka strict ang daddy niya sa'kin. "..ayaw na ayaw niyang mapalapit ako sa'yo." Aniko.

"Don't worry, hindi niya malalaman." Sagot niya.

Napangiti naman ako at tumango. Since then, magkaibigan na kami nina Keith, Kyle, ate, and me. Pero, si Kyle ang unang umalis. Umalis siya dito sa pilipinas, dahil 'yun ang gusto ng daddy niya. Bumalik lang siya nu'ng tumuntong na siyang high school. Pero nagbago na ang lahat sa kanya, naging badboy na siya at same time playboy. Lahat ng natitipuhan niya ay nililigawan niya, kaya nabansagan din siyang heartbreaker sa school.

"Nga pala, sino si Karen?" Curious ko'ng tanong sa kanya.

"Hmm, s-shes my friend back then. Nu'ng umalis ako dito, siya ang naging close ko du'n sa Canada."

"Oh? So, bakit hindi mo siya pinakilala sa'kin nu'ng bumalik kayo dito? Ni hindi mo nga pinaalam sa'kin na nandito pala siya." Pag-po-pout ko. Gusto ko lang naman na makilala siya. At para din malaman ko kung ano ang ugali meron siya.

"Saglit lang kasi siya dito sa pinas, at wala ng time para pupunta kahit saan." Aniya. Napatango ako sa kanyang sinabi pero agad ding kumunot ang noo ko.

"Eh 'di sana, ako nalang ang pinapunta mo---"

"We're here. Pumasok ka na para matulog, I know you're tired. Bukas na ang balik natin sa Manila."

My Badboy's Tutor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon