Kyle's POV.
Wala na masyadong tao pagdating ko sa kinaroroonan nina Vien. Nakatingin ako sa malayo habang pinagmasdan ko si Vaniza na tahimik natulog kaharap ni Vein.
Sana ganun lang din katahimik ang relasyon namin, 'yung walang gulo. Katulad ng ibang relasyon na nagpatuloy panghabang-buhay.
Napa-iling pa ako bago nilapitan sila. "Vien," untag ko sa kanya.
Agad naman siyang napalingon sakin, malamya na rin ang kanyang mata dala ng kalasingan.
"Kyle, mabuti at nandito ka na. Ikaw nalang magdala nito kay Vaniza,"
"Vien,"
"Kung mahal mo siya, gawin ko kung ano ang tama, Kyle. I already know what you feel, kahit noon pa. So please, don't let my cousin's broke her heart just for you."
I frowned. I'm confused why Vien speaks like that, si Vaniza ang bumitaw at nagsabi ng mga masasakit na salita, then why should I stay?
Matapos niyang sabihin ang mga katagang 'yun ay kinuha na niya ang kanyang bag tsaka umalis.
I let out a heavy sigh before facing the sleeping Vaniza. Umupo ako sa kanyang harapan, inayos ko din ang kanyang buhok, inipit ko Ito sa kanyang tenga.
"I love you, Vaniza. Kung sana hindi ka sumuko, ganun parin sana tayo." Marahan kong hinaplos ang kanyang pisnge. "Hopefully in the next life, we will be destined for each other. Te quero."
Vaniza's POV.
"Ang ulo ko! Ang sakittt!" Pasigaw kong wika, sobrang sakit naman kasi talaga.
Agad na nanlaki ang mata ko nang maalalang nasobrahan ako sa pag-inom.
"Oh my god!" Mahina kong anas. Napasabunot narin ako sa sarili kong buhok. "Ganun na ba ako kahina para magpakalasing?"
"I love you, Vaniza. Kung sana hindi ka sumuko, ganun parin sana tayo."
Biglang pumasok sa isip ko ang mga katagang 'di ko sure. Tsk! Nanaginip siguro ako!
"Hopefully in the next life, we will be destined for each other. Te quero."
Biglang kumirot ang aking dibdib sa huling pumasok saking isipan. Naramdaman ko rin ang pagsisimulang pangilid ng luha saking mata.
Kung si Kyle man 'yun, at totoo ang lahat. Sana matupad ang sinabi niya, Sana sa next life kami na ang nakatadhana para sa isa't Isa. Sana nga...
"Mabuti at gising ka na, Vaniza!" Untag ni Vien sa hamba ng pinto.
Inayos ko muna saglit ang sarili ko, kinuha ko rin ang towel na nasa table.
"Hoy! Saan ka pupunta? Maliligo ka?"
"Uhm," pagtango ko.
"No, hindi ka pwedeng maligo!"
"Bakit?" Takang tanong ko, tsk!
"May hang-over ka pa, aba! Hoy!" Hindi ko na siya pinakinggan at agad na pumasok sa CR.
Kung totoo man ang lahat na pumasok sa isip ko kanina, dapat na ba akong magsisi dahil sa pagsisinungaling ko sa kanya?
Hindi! Dapat hindi ako magsisi, mahal siya ni Karen, kaya wala dapat akong pagsisihan. Isa pa, ayaw kong maging kontrabida ulit sa kanilang kasal!
Kaya mo 'to, Vaniza. Kakayanin mo dapat!
Pagkababa ko, nagtaka ako nang may makitang hindi familiar na tao sa labas.
BINABASA MO ANG
My Badboy's Tutor [COMPLETED]
RomanceIsang babaeng spoiled brat kung tawagin, at dahil sa kanyang pagiging spoiled ay kumuha ang kanyang daddy ng kanyang Tutor. Pero paano nga ba kung ang magiging Tutor niya ay isang badboy sa kanilang paaralan. At hindi lang basta-basta na badboy dahi...