Vaniza
"Our first date."
Pagkatapos naming kumain ay agad na din kaming umalis papuntang Nemo's island.
Well, para sakin, 'yung date na sinasabi niya is nothing special naman. Oo, medyo nawala na ang sakit na naramdaman ko para kela Kieth, pero..hindi ko parin makalimutan ang lahat ng 'yun. I'm confused, bakit sa'kin pa? At bakit sa kanya pa?
"Vaniza, come on! Bilisan mo dyan!" Sigaw ni Kyle sa baba.
Naghanda kasi kami para maligo sa dagat. Balita ko rin kasi ay sobrang worth it ang bayad para sa resort na 'yun, dahil sobrang ganda nito.
"Andyan na, maghintay ka!" Sigaw ko rin.
Napaka-mainipin kasi!
Pagkababa ko ay kitang-kita ko naman na ready na siya.
"Ano, Tara na?" Untag ko.
"Yeah, but I have something to tell you."
Kumunot ang noo ko. "Ano naman?"
"Make sure na pagkatapos nito ay hindi ka mainlove sakin!" Aniya.
"Ha! Ako? Mainlove?" Hindi makapaniwala ko'ng sabi. "At sayo pa? Naku Kyle, 'wag masyadong mag-d-daydream ah? Dahil, sure na sure ako. 100% hinding-hindi ako mainlove sa'yo!" Ani ko.
"Talaga lang, ah. Sa tingin ko kasi, ngayun pa lang. Inlove ka na sa'kin, eh!"
"Ang hangin mo, Kyle. Tara na nga!" Irap ko rito at nauna ng maglakad.
Sobrang bilib sa sarili!
-*-
Pagkarating namin sa beach resort ay hindi ko na pinalampas ang bawat oras. Nagsout agad ako ng two piece, hindi ko maiwasang ma-excite.
"Ready?" Tanong ni Kyle.
"Uhm! Tara na?"
Bandang hapon na at naging kulay kahel na ang langit, 'yun din ang maganda dahil hindi mahirap para sa'kin ang magbabad ngayun sa dagat.
"Ang ganda dito, Kyle!" Sigaw ko.
"Yeah!" Pagsang-ayon niya.
"Wahh! Lahat nalang ata ng bagay dito sa lugar na 'to gusto ko!" Ani ko. Umupo ako sa buhangin at ninamnam ko ang bawat preskong hangin na dumampi sa pisnge ko, na sinabayan din ng alon.
"Ang fresh pa ng hangin! Ngayun tuloy, nagsisisi na ako kung bakit sinumpa ko ang lugar na 'to--ouch!" Nilingon ko kung nasaan galing ang buhangin na tumama sa'kin. Nakita ko naman si Kyle na tumatawa. "Tumigil ka Kyle! Masakit 'yan, ah!"
"Itigil mo na kasi ang pag-d-drama mo! Hindi naman bagay sa'yo ang pagiging artista!"
"Sinasabi mo bang...sinasabi mo bang pangit ako? Ha!" Sigaw ko at tumayo.
"Galing 'yan sa'yo, hindi sa'kin."
"Kahit na! Parang sinabi mo narin sa'kin na--aray! Ano ba! Itigil mo na kasi 'yan. Nakakasakit ka na, Kyle!"
"Masakit?" Pang-aasar niya.
"Ah ganu'n?" Sigaw ko at kumuha ako ng buhangin tsaka siya pinagbabato.
Ang kumag, hindi naman nagpatalo. Kumuha rin siya at bumato.
"Yahhh! Tumigil ka!" Sigaw ko at napilitang tumakbo.
Ba't ba hindi siya nagpatalo?
Lumipas ang oras ay napahiga nalang ako sa buhangin habang hinihingal.
BINABASA MO ANG
My Badboy's Tutor [COMPLETED]
RomanceIsang babaeng spoiled brat kung tawagin, at dahil sa kanyang pagiging spoiled ay kumuha ang kanyang daddy ng kanyang Tutor. Pero paano nga ba kung ang magiging Tutor niya ay isang badboy sa kanilang paaralan. At hindi lang basta-basta na badboy dahi...