DAS1 | CHAPTER 3

7.2K 302 10
                                    

DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]

CHAPTER THREE

SIX YEARS AGO...

“ZANE!”

Agad na inalis ni Zane ang libro na nakatakip sa mukha niya nang marinig niya ang sigaw ng ama na tinatawag siya.

Mabilis na isinara niya ang libro at bumangon mula sa pagkakahiga sa isang duyan na nasa ilalim ng isang kahoy sa likuran ng kanilang bahay na may kalakihan naman.

Nang maayos na ang sarili niya, agad na pumasok na siya sa loob dahil sa mukhang kanina pa siya hinahanap ng kaniyang ama. Tanging sila nalang ang natitirang magkasama dahil sa maagang namaalam na ang kaniyang Ina, at mahigit ilang taon nang nawawala ang kaniyang nakakatandang kapatid.

“Pa, aalis kayo ngayon?” Tanong ni Zane nang makapasok siya at nakita ang ama na nakapormal na bihis at mukhang may pupuntahan ito.

May kalakihan ang bahay naman nila at may kaya rin. May sarili kasing company ang ama niya at maayos niya itong napapatakbo.

“Aalis ako ngayon anak papunta sa siyudad. Kailangan ko kasi na sunduin ang...” Tumikhim muna ito saka tinitigan ng maayos Ang anak. “Ang iyong...”

“Ang girlfriend mo na magiging stepmother, madrasta, pangalawang Ina ko.” Pagputol ni Zane sa sasabihin ng ama na mukhang natigilan naman. Matagal nang alam ni Zane ang tungkol sa bagay na ito, at ang hinihintay nalang niya ay sabihin ito ng kaniyang ama sa kaniya.

Alam narin ni Zane na magpapakasal na ang dalawa sa susunod na linggo. At mukhang sa susunod na linggo pa ito balak sabihin sa kaniya ng ama. Hindi manlang nasabi sa kaniya ang bagay na ito at hindi manlang rin hiningi ang approval niya sa bagay na ito.

“Anak, pasensiya ka na kung hindi ko ito nasabi sa iyo ng maaga. Balak ko kasi na...”

“Okay lang sa akin iyan, Pa. As long as you're happy with her, hindi na ako magrereklamo pa.” Bumuntong hininga si Zane saka umupo sa upuan kaharap ang mga pagkain na inihanda ng ama para sa kaniya. “May anak na ba siya?”

Tumikhim ang ama bago sumagot. “May dalawa siyang anak na... Alpha. Pero wag kang mag-alala, sasabihan ko sila na maging mabuti sa iyo at alagaan ka dahil sa isa kang omega.” Ani nito.

“Wala akong problema kung Alpha man ang mga ito o Omega. Ang akin lang ay sana hindi sila mga bully at huwag nilang pagpapantasyahan ako. Ganoon naman lahat ng Alpha, may makita lang na Omega...” Hindi na naipagpatuloy ni Zane ang kaniyang pagsasalita dahil sa baka magkatotoo ang bagay na iyon.

“They will treat you as a little brother dahil sa magpapakasal na kami sa susunod na linggo. Kaya naman siguro ay malabo na pagpantasyahan at saktan ka nila. They will be your big brothers.” May ngiti sa labi na sambit ng ama.

“Step-brothers.” Ani ni Zane na may diin saka ipinagpatuloy ang pagsubo ng pagkain. “Hindi ko naman sila kadugo.” Aniya.

May kaunting inis lang siya na nararamdaman dahil sa inilihim sa kaniya ito ng ama. At sa tuwing itatanong ni Zane ang tungkol sa ganitong bagay, syempre dahil sa kaniyang napapansin, iniiwasan ng ama ang ganoong topiko at kung minsan ay nagsisinungaling ito sa kaniya. Isa sa house rules nila ay wag magsisinungaling, tapos nagsisinungaling ang ama nito sa kaniya, kaya naiinis siya.

Nang makaalis na ang ama niya, nagmadali si Zane na tapusin ang kain, sunod ay kaniyang hinugasan ang pinagkainan at nagsimulang maglinis ng bahay. He likes doing house chores, at hindi lang gusto, syempre para narin malinis palagi ang bahay nila.

☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon