DAS1 | CHAPTER 5

5.6K 270 13
                                    

DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]

CHAPTER FIVE

NAGPUMIGLAS si Zane nang may biglang nagtakip sa kaniyang bibig at pilit narin siyang inaalis ang nakapulupot sa kaniyang bewang. Patuloy lang sa pagtibok ng mabilis ang puso niya dahil sa sobrang kaba.

Ngunit maya maya ay tumigil siya pagpumiglas nang maging pamilyar sa kaniya ang amoy ng pheromone.

"Don't shout." Natigilan bigla si Zane nang marinig niya ang pamilyar na boses iyon, kaya naman tumigil siya sa pagpumiglas at hinawakan ang pulsuhan ng Alpha na nakayakap sa kaniya.

"S-Skylar." Agad na sambit ni Zane nang mapakawalan ang bibig niya at kumalas sa yakap ang kasama niya. "What are you doing here?"

Nakahinga ng maluwag si Zane nang makita niya ang mukha ni Skylar na nakangiti.

"I'll tell you later kapag makaalis tayo dito. That bastard is on heat at baka kung anong mangyari sa iyo." Ani ni Skylar saka hinawakan ang pulsuhan ni Zane at hinila patungo sa nakabukas na bintana.

Mukhang alam na ni Zane kung saan dumaan ang mokong na ito papasok sa kwarto niya. Ang tanong lang ay kung ano ang ginagawa nito rito sa ganitong oras.

Nang makatalon si Skylar, agad na inihanda nito ang sarili para saluhin si Zane na mukhang nagdadalawang isip kung tatalon ba o hindi. May kataasan kasi ito kaya medyo nahihirapan at natatakot siya sa ganoon.

"I'll catch you, trust me. Just jump." Ani ni Skylar.

Thinking doubles, Zane couldn't help but to gulp because of fear. He is actually afraid of heights kaya ganoon. Pero nang bumukas ang pinto ng kwarto niya, itinulak ni Zane ang sarili at inihanda ang paglapag siya sa lupa. Mabuti nalang ay nakaabang sa kaniya si Skylar kaya maayos ang kalagayan niya at walang nangyari na masama sa kaniya.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Zane habang naglalakad silang dalawa ni Skylar patungo sa bahay ng binata.

"Mag-isa lang ako sa bahay dahil may business trip sina mom at dad. At dahil sa hindi ako makatulog at makita kong bukas ang ilaw sa inyo, napagpasiyahan kung pumunta sa inyo. Remember that you told us about new people in your house. Nakita kita mula sa labas na naglilinis ng sala, at amoy na amoy ko rin ang mga pheromones na maghahalo sa paligid." Paliwanag ni Skylar habang ginagabayan si Zane na naglalakad sa tulay na gawa sa bamboo.

"Nilinis ko lang naman ang kalat ng dalawang walang hiya sa bahay. Wala si Dad dahil sa may pinuntahan ito. And to tell you this, anlakas ng loob nila na manood ng p*rn sa sala at magdala ng isang Omega na pinagsaluhan ng dalawa." Ani ni Zane habang tinititigan si Skylar na binukbuksan ang pinto ng bahay nila.

"Omega? What are talking about? Tanging sa iyo lang ang naamoy ko kanina nang pumasok ako sa kwarto mo."

"Seriously? Sa lakas ng amoy nila, hindi mo alam na may isang Omega roon?" Takang napatitig si Zane kay Skylar.

"Habang nasa isang puno ako kanina malapit sa inyo, pansin ko ang dalawang alpha na mukhang lasing na lumabas ng bahay niyo at sinalubong ang isang Beta na naglalagay ng perfume." Ani ni Skylar habang hinuhubad ang suot na jacket. "Hindi na muna ako lumapit at nagtaka pa nga ako kung sino ang mga ito dahil sa mga walang saplot ang mga iyon. And I thought hindi niyo bahay iyon. When the lights are out, I walk towards the gate at nakita ang bote ng perfume. That perfume is the one of the most expensive perfume. Binibili ng mga mayayamang beta para magkaroon sila ng amoy ng isang Omega o di kaya ay Alpha para makapang-akit din ang mga ito." Mahabang lahad ni Skylar.

Natahimik naman si Zane at hindi na ibinuka ang bibig dahil sa kaniyang iniisip sa ngayon. Nagdadalawang isip siya kung babalik ba siya bukas sa bahay nila o dito nalang muna siya kina Skylar hangga't hindi pa umuuwi ang Dad niya. Ano nalang kaya ang mangyayari kung maaabutan ang Beta na iyon kasama ang dalawang Alpha na magiging stepbrothers niya.

☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon