DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]CHAPTER TEN
HINDI ALAM ni Zane kung ano ang gagawin niya dahil sa kakaibang hangin na namamagitan sa dalawang Alpha na kasama niya ngayon. Grabe ang tensyon na namamagitan sa kanila. Ang alam lang niya ay pinagtitinginan na sila ngayon ng mga bisita.
“I'm warning you Lucien. Alisin mo iyang kamay mo kay Zane.” May pagbabanta sa tono ng boses na sambit ni Skylar saka tumingin kay Zane.
“Why would I do that? Sino ka para utusan ako? As you can see, hindi inaalis ng PARTNER mo ang kamay ko sa kaniya.” Lucien smirks and pulls Zane closer. “We have business to do, but before that... Can I have a dance with you Ms. Rodriguez?”
“He is my partner, not yours!” Inis na sigaw ni Skylar dahilan para magulat si Zane at napaatras nang wala sa oras.
Naapakan pa niya ang gown na suot niya at muntik na siyang matumba, but thankfully hawak siya ng mabuti ni Lucien na malapad ang ngiti sa labi.
Hindi maipaliwanag ni Zane ang nararamdaman niya tungo kay Skylar dahil sa nakita niya. At hindi rin niya alam ang gagawin niya sa Alpha na nakapulupot ang braso sa kaniyang bewang. Walang tigil ang pagtibok ng puso niya mg sobrang bilis dahil sa kaba na nararamdaman.
“Lucien, remember you have your fiancée. Bakit hindi nalang iyon ang ayain mo?! Zane, wag kang maniniwala sa lokong iyan at sasama dahil may masamang balak iyan.” Ani ni Skylar saka humakbang papalapit, ngunit napatigil naman nang balingan niya si Zane na mukhang takot.
Yes. Zane is scared of Skylar because of its tone and action. Bakit grabe nalang ang galit nito, sa ganitong sitwasyon lamang? May nagawa ba siya na mali at ginagawa ang lahat para mapaniwala siyang walang nangyari?
“I don't have fiancée now. At alam mo kung ano ang dahilan kung bakit binawi ko ito. I have my good side too, at gusto kong protektahan ang magandang Omega na ito mula sa iyo.” Ani ni Lucien na walang kaemo emosyon ang boses habang nakatingin kay Skylar na parang natulos sa kinatatayuan.
This is making Zane curious. Tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila? At bakit di nalang nila sabihin ito para malaman na niya at makapag-isip kung paano tatapusin ang sitwasyon na ito.
Dahil sa nakakatakot na titig sa kaniya ni Skylar, umangat ang kamay ni Zane at humawak sa bewang ni Lucien na biglang ngumisi. Nagulat naman si Zane nang biglang pumulupot pa ang isang braso ni Lucien sa kaniya.
“You see, this Omega is getting scared of you and looks confused. Why don't you tell the reason why you're in that look and why I call off the wedding and took my engagement ring from Alexandria?” Ani ni Lucien saka nag-smirk. “Can't tell?”
Binigyan ni Zane ng nagtatanong na tingin si Skylar na mukhang nagdadalawang isip kung magsasalita ba o hindi. Nakakuyom pa ang mga kamao nito at ang atensyon ay kay Lucien. Parang may balak ito na suntukin ang binata.
“Zane, I...”
“Start the music!” Biglang sigaw ni Lucien saka tiningnan si Skylar. “Better make up your mind and make sure that Ms. Rodriguez won't hate you after hearing the main cause of this mess. Enjoy the party.”
Magsasalita pa sana si Zane para tanungin si Skylar manlang para malaman niya ito, ngunit hindi na natuloy nang biglang hatakin siya ni Lucien patungo sa gitna ng center platform at sumayaw. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya dahil sa parang hindi maganda at malaki ang nagawang mali ni Skylar na ginawa. Kasama na roon ang cancelled na wedding.
‘Did something happen between Lucien's fiancée and Skylar?’ Iyan ang pumasok na katanungan sa isip ni Zane habang sumasayaw silang dalawa ni Lucien. Ang atensyon niya ay sa dibdib ng binata habang nag-iisip.
BINABASA MO ANG
☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]
Romance𝖣𝖠𝖭𝖦𝖤𝖱𝖮𝖴𝖲 𝖠𝖫𝖯𝖧𝖠 1: 𝖥𝖠𝖫𝖫 𝖮𝖭 𝖢𝖨𝖭𝖣𝖤𝖱𝖤𝖫𝖫𝖠'𝖲 𝖳𝖱𝖠𝖯 | 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 𝖡𝗈𝗈𝗄 1 𝗖 𝗢 𝗠 𝗣 𝗟 𝗘 𝗧 𝗘 𝗗 𝖲𝖸𝖭𝖮𝖯𝖲𝖨𝖲: Lucien Augustus Bradford, a hot bachelor who fell on beautiful Cinderella's trap. A Cinderel...