DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]CHAPTER EIGHT
TAHIMIK na nakatayo si Zane sa labas ng bahay ni Aries. Ang buong akala niya ay hindi na siya muling makikita ang loko loko niyang kaibigan na hindi manlang nagpaaalam sa kaniya nang umalis ito kasama ang kaniyang kambal.
Dito na siya ngayon namamalagi nang bilhin ng Dominant Alpha na iyon ang lahat ng ari arian na para sa kaniya. Sa ngayon, hindi parin ginagalaw ni Zane ang pera na nakuha niya at hindi manlang siya makatapak sa bahay nila ng kaniyang ama.
"Tumawag na sa akin si Skylar, pupunta kayo ngayon sa mall para bumili ng masusuot mo sa party." Ani ni Aries habang sinusuot ang jacket niya. "Mauuna na ako, kailangan ko pang puntahan si Jenny para malaman kung okay na ang kalagayan niya. Expect us at the party."
"Segi, wag mo na akong alalahanin. Tawagan mo nalang ako kung okay na ang pakiramdam niya. And I'm hoping to see you guys at the party." Ani ni Zane saka umupo sa isang bench na nasa lilim ng isang puno.
Dahil sa party na gaganapin, makikita muli ni Zane ang dalawang kambal na kaibigan niya dahil kagaya niya ay invited din ang mga ito. Ngunit dahil sa isang aksidente, dinala si Jenny sa hospital at binabantayan ito ngayon ng kaniyang kambal na si Aries at ang Ina nito. Hindi naman malala ang natamong sugat ng dalagitang iyon. Maarten lang talaga kaya nag-eemote ngayon iyon sa hospital, dahil sa kaunting sugat sa binti.
It's been two weeks since that day kung saan masinsinan na nag-usap silang dalawa ni Lucien. Parang may balak pa nga ito na bawian siya ng buhay dahil sa tindi ng galit nito. Kapag hindi raw si Zane pupunta, kagaya ng sabi nito, magiging impyerno ang buhay niya.
Wala na siyang alam kung ano ang nangyari sa Ginang na iyon at kay Kohen, well, bakit pa nga ba niya iisipin ang mga iyon. Hindi naman niya kadugo ang mga iyon at pera lang ang habol para mabawi nila ang anak nila na iwan ba niya kung anong ginawa sa isang iyon, kaya ginagawa ng Ginang ang lahat para makaipon. Kapag hindi raw ang mga ito nakabayad ng kalahating bilyon sa deadline na ibinigay, papatayin daw ang anak nito.
Nakausap na ni Zane ang ama ni Lucien tungkol sa mga bagay na pinag-usapan nila ng attorney ng Papa niya. Ngunit nabigo siya na makumbinsi ito dahil sa pagpasok ni Lucien sa usapan nila. Ang sabi ng ama ni Lucien ay si Lucien dapat ang kausapin ni Zane tungkol sa bagay na iyon dahil si Lucien na mismo ang may hawak ng lahat lahat niyang ari arian. Parang nakahinga naman ng maluwag si Zane nang mapalitan niya ang tumatakbo sa isip ng binata.
Maibabalik sa kaniya ang bahay nila kapag dumalo si Zane sa party at kausapin ang Ina ni Lucien. At kapag maging okay na ang Ina nito at mapilit na kalimutan ang nakaraan, hindi na siya guguluhin pa ni Lucien.
Hindi nga ba?
Ang ipinagkatataka lang ni Zane ay kung ano ang nagawang kasalanan ng kaniyang Ina, at ganoon nalang kalaki ang galit ni Lucien sa kaniya. Natatakot naman siyang itanong ito sa binata o di kaya sa Ama nito, kaya napagpasiyahan nalang ni Zane na ang Ina ni Lucien ang kakausapin niya.
"The party starts at 5, good thing nandoon sina Skylar, Josh at Rodney." Bumuntong hininga si Zane at pumasok sa bahay ni Aries at nagbihis ng damit panlakad. Sa guest room siya ngayon muna namamalagi dito sa bahay ni Aries, at tanging mga damit lang ang dala ni Zane. Alangan namang bitbitin niya lahat ng gamit na mayroon siya sa bahay nila.
If he succeed on this mission of him, maibabalik sa kaniya at bahay at hindi narin niya kailangan na ibalik ang pera na naibigay sa kaniya. Bahay lang nila ang maibabalik sa kaniya, habang ang ibang ari arian ay tuluyan na ngang napailalim sa pangalan ni Lucien. Kasama na ang Villa nila sa Negros.
BINABASA MO ANG
☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]
Romance𝖣𝖠𝖭𝖦𝖤𝖱𝖮𝖴𝖲 𝖠𝖫𝖯𝖧𝖠 1: 𝖥𝖠𝖫𝖫 𝖮𝖭 𝖢𝖨𝖭𝖣𝖤𝖱𝖤𝖫𝖫𝖠'𝖲 𝖳𝖱𝖠𝖯 | 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 𝖡𝗈𝗈𝗄 1 𝗖 𝗢 𝗠 𝗣 𝗟 𝗘 𝗧 𝗘 𝗗 𝖲𝖸𝖭𝖮𝖯𝖲𝖨𝖲: Lucien Augustus Bradford, a hot bachelor who fell on beautiful Cinderella's trap. A Cinderel...