DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]CHAPTER FIFTEEN
NATAPOS na ni Zane ang mga ipinapagawa sa kaniya ni Lucien nandito siya ngayon sa salas, nakaupo at nakahilig sa pang-isahang sofa nagpapahinga dahil sa kaunting pagod na nararamdaman matapos niyang labhan ng mano mano ang damit ng binata na iyon. Pinadryer na niya iyon para mabilis na matuyo ang mga ito at inilagay lahat sa laundry basket. Mamaya nalang niya titiklupin ang mga iyon dahil sa pagod pa siya.
Bukas nalang daw pupunta dito si Mike, ang Omega na nakilala niya nang tawagan niya si Clarissa, dahil may pinagawa raw sa kaniya kaya hindi ito nakapunta.
Dahil sa alas dose palang naman, mamaya na niya gagawin ang pagtiklop ng mga damit. He will just rest for a while saka niya gagawin iyon. Ang sabi lang naman sa kaniya ay lalabhan ang mga damit at magluluto ng para sa hapunan. Tutal malinis naman ang paligid, hindi na siya hahawak ng panlinis at bukas nalang niya gagawin.
Habang nakahilig si Zane, pilit niyang inaalala ang mga nangyari noon. Hindi parin siya titigil hangga't hindi niya nahahanap ang mahalagang bagay na iyon. That was a customized necklace na ang Tito niya mismo ang gumawa na ibinigay sa kuya niya na ibinigay ng kuya niya sa kaniya. May pangalan niya na nakalagay sa loob ng kwintas na iyon kaya malalaman na sa kaniya iyon.
Hinawi ni Zane ang mahabang buhok niya at hinawakan ang earring na nakakabit sa tainga niya. Kapartner ng kwintas na iyon ang earring na suot niya at ito narin mismo ang nagsisilbing susi para mabuksan iyon.
Maya't maya nagulat si Zane nang biglang tumunog ang doorbell kaya naman mabilis na tumayo siya at naglakad patungo roon para pagbuksan ito. At nang buksan niya ito, natigilan siya nang makitang girlfriend ito ni Lucien na si Alexandria na may nakakamatay na tingin sa mga Mata. Ibang iba ang kaharap niya ngayon kesa sa kaharap nito ang pamilya ni Lucien.
“What are you doing here? At bakit nakakapit sa iyo ang pheromones ng boyfriend ko? Did you...?”
Tumikhim si Zane para maputol ang pagsasalita nito. “Before you jump in a wrong conclusion, let me explain. First, pumasok na muna kayo, and by the way wala po dito si Sir Lucien. I'm his house cleaner here.” Niluwagan niya ang pinto para makapasok ang babae na mukhang kakagatin siya. “Kumapit lang naman sa akin ang amoy niya dahil sa nilabhan ko lahat ng damit niya. May gusto po kayo na inomin? Ihahanda ko po para sayo.”
“I don't want anything. Nandito lang naman ako para sana ayain siya na lumabas kami. I have booked a hotel for us at nakapagpareserve na ako sa isang restaurant.” Ani nito saka tumayo, na ikinaatras ni Zane. “Did he ever tell you about the Omega he's been looking for?”
“Malaki po ang galit sa akin ni Lucien at grabe ang pinapagawa niya sa akin. So ibig sabihin ay wala siyang sinabi, sino ba naman ako para pagsabihan niya tungkol sa bagay na iyan.” Ani ni Zane na ikinangisi ng dalaga.
“I like the way you talk, parang antaas ng ranko mo kesa sa akin. And to tell you this, I'm warning you. Don't be so intimate to him dahil akin siya. Looking pretty to seduce him?” She tsked and held Zane's hair, na ikinagulat naman ni Zane. “Hindi mo alam kung ano ako magalit, kaya wag na wag mo siyang lalandiin. Akin siya.”
Napapikit si Zane dahil sa sakit nang mahila ang buhok niya. “Wala po akong balak na agawin siya sa iyo. I'm sure nga na nasabi na niya sa iyo ang dahilan kung bakit gusto ni Lucien na mapasailalim niya ako.” Aniya habang iniinda ang sakit dahil sa hindi parin nabibitawan ang buhok niya.
Hindi makapaniwala si Zane sa babaeng ito at may isang kumuha ng atensyon niya. Pero hindi na iyon inisip ni Zane at nanatili na siyang tahimik matapos niyang sabihin iyon.
BINABASA MO ANG
☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]
Romance𝖣𝖠𝖭𝖦𝖤𝖱𝖮𝖴𝖲 𝖠𝖫𝖯𝖧𝖠 1: 𝖥𝖠𝖫𝖫 𝖮𝖭 𝖢𝖨𝖭𝖣𝖤𝖱𝖤𝖫𝖫𝖠'𝖲 𝖳𝖱𝖠𝖯 | 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 𝖡𝗈𝗈𝗄 1 𝗖 𝗢 𝗠 𝗣 𝗟 𝗘 𝗧 𝗘 𝗗 𝖲𝖸𝖭𝖮𝖯𝖲𝖨𝖲: Lucien Augustus Bradford, a hot bachelor who fell on beautiful Cinderella's trap. A Cinderel...