DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]CHAPTER SIX
“FINALLY, you're awake.” Iyan agad ang bumungad sa pandinig ni Zane habang dahan dahang nagmumulat ang mga mata niya. Bumungad narin sa kaniya ang sakit ng ulo kaya wala sa oras na napasapo siya roon habang inaalalayan siya ng kung sino para makaupo.
“J-Josh?” Napakurap kurap siya upang masiguro nga niya na tama ito. Medyo malabo pa kasi ang paningin niya dahil sa hilo.
Dahil sa unti unting pumapasok sa isip niya ang mga pangyayari na kasama na roon ang pamamaalam ng kaniyang ama, napakagat sa labi si Zane at wala sa isip na niyakap ng mahigpit si Josh.
“Condolence for your dad.” Ani ni Josh habang hinahagod ang likuran ni Zane, na alam niyang umiiyak sa ngayon dahil sa patak ng luha na nararamdaman niya na dumampi sa likuran niya. “We're still here for you.”
Suminghot si Zane at pinunasan ang mga luha. “N-Nasaan ako?”
“Nandito ka ngayon sa bahay namin ni Rodney. You fainted in front of our house due to Lucien's pheromones. Nagulat nga ako nang maamoy ko iyon mula dito sa loob.” Paliwanag ni Josh saka binigyan si Zane ng baso ng tubig.
“L-Lucien?” Nagtatakang napatitig si Zane kay Josh. Maya't maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang nag-aalalang si Skylar kasama si Rodney na may dalang tray.
“Zane, finally you're awake.” Ani ni Skylar saka naupo sa tabi ni Zane sa kabilang bahagi ng kama. Kaya naman napapagitnaan si Zane nina Josh at Skylar.
“Lucien is my cousin's friend. Pumunta sila kanina dito para sabihan kami ni Josh na maghanda dahil sa susunod na linggo ay aalis kami.” Sagot ni Rodney, dahilan para matigilan si Zane at nagtatanong ang mga Mata na tinitigan si Josh.
Isa isa na ba siyang iiwan ng mga ito? Mula sa kaniyang pamilya, hanggang sa ngayon, ang mga kaibigan na naman siya ang isa isang iiwan sa kaniya.
“Don't be sad, idiot. Aalis kami para pumunta sa bahay ng pinsan ni Rodney para magpasukat ng damit para sa dadaluhan na party.” Ani ni Josh na may ngiti sa labi.
“Party?” Tumaas ang isang kilay ni Zane habang nakatitig kay Rodney na nagkibit balikat lang.
“Matagal pa iyon. Magpapasukat lang naman kami.” Sagot ni Josh saka binigay ang Plato na may pagkain kay Zane.
Medyo nakahinga ng maluwag si Zane nang marinig iyon. Dalawa na sa kaibigan niya ang umalis at hindi na niya muling makikita. At tanging ang tatlo nalang na ito ang meron siya. He doesn't have any connections to his cousins, aunts and uncles, kaya naman wala siyang ibang pwedeng hingan ng tulong kundi ang mga matatalik na kaibigan na palaging nandiyan para sa kaniya.
Kailangan din niya ngayon na magtiis na muna sa kamay ng walang hiyang babae na iyon at sa Alpha nitong anak dahil wala naman siyang ibang pwedeng tirhan na muna hangga't hindi pa niya nakukuha ang Mana niya. Hindi naman siya pwedeng manatili araw araw sa bahay ng kaniyang mga kaibigan, dahil may sariling bahay naman siya, na ngayon ay hawak na ng iba. Mukhang magiging alipin na siya mula ngayon sa sarili niyang bahay. Wala naman siyang tapang para kalabanin ang isang Alpha at Beta. Yep. That woman is Beta, kahit na ganoon, matanda iyon kaya kailangan niyang katakutan din at respetuhin.
Nag-usap usap silang apat hanggang matamaan na nga ng ilang oras ito bago sila magkakahiwa hiwalay at magsiuwian na. Medyo okay narin ang pakiramdam niya dahil sa masayang pag-uusap nilang magkakaibigan na siyang ginawa ang lahat upang lumakas ang loob ni Zane at tanggapin na hindi na niya makakasama ang kaniyang namayapang ama.
BINABASA MO ANG
☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]
Romans𝖣𝖠𝖭𝖦𝖤𝖱𝖮𝖴𝖲 𝖠𝖫𝖯𝖧𝖠 1: 𝖥𝖠𝖫𝖫 𝖮𝖭 𝖢𝖨𝖭𝖣𝖤𝖱𝖤𝖫𝖫𝖠'𝖲 𝖳𝖱𝖠𝖯 | 𝖲𝖾𝗋𝗂𝖾𝗌 𝖡𝗈𝗈𝗄 1 𝗖 𝗢 𝗠 𝗣 𝗟 𝗘 𝗧 𝗘 𝗗 𝖲𝖸𝖭𝖮𝖯𝖲𝖨𝖲: Lucien Augustus Bradford, a hot bachelor who fell on beautiful Cinderella's trap. A Cinderel...