DAS1 | CHAPTER 28

3.5K 177 5
                                    

DANGEROUS ALPHA SERIES 1
Lucien Bradford [BL]

CHAPTER TWENTY EIGHT

DUMUNGAW si Zane sa labas ng kotse ni Lucien nang huminto ito sa harap ng isang mataas na gusali na siyang nagpanganga sa kaniya. Hindi siya makapaniwala dahil sa sobrang taas nito.

“Lucien, where are we?” Tanong ni Zane sa katabi na ang buong atensyon ay nakatuon sa phone na hawak. “Lucien...”

Dahan dahang umangat ang kamay ni Zane nang hindi siya marinig ng binata. Kinalabit niya ang kamay ng binata na mabilis na tinago ang hawak na phone.

“Yes honey?” Bumaling si Lucien kay Zane at ningitian ito.

“Nasaan tayo? Wala ka bang balak na bumaba? I thought we're already here dahil tumigil na ang kotse.”

“Yeah, nandito na tayo. That is my company at dito tayo ngayon matutulog. I have penthouse on the top of this. Just wait for a little bit minutes. Okay?”

Tumango si Zane bilang kaniyang tugon at humilig sa upuan saka itinuon ang atensyon sa labas ng kotse. Tinitigan ang mga taong naglalakad sa labas.

Maya't maya ay naalala ni Zane si Vaughnn. Yeah. Until now, he tries to remember who that guy is. Gusto niya itong makita at makausap tungkol sa kaniyang nawawalang kuya. Baka may alam ito kaya humihiling siya na makita ito at makausap.

Sa mga albums na meron siya, wala siyang nakuhang idea kung sino ang binatang iyon. Sa lahat ng pictures ng kuya niya noong bata ito kasama ang mga kaibigan, walang nakita si Zane.

“Lucien, kaibigan mo si Vaughnn diba? Alam mo ba kung nasaan bahay niya? Or do you have his number.” Bumuntong hininga si Zane at tumingin kay Lucien na nakatingin sa kaniya. “I want to talk to him about my brother.”

“None of us know where he is right now. Remember what he said nang magkahiwa hiwalay tayo. There's no point of giving you his number also.” Ani ni Lucien saka inalis ang seatbelt ni Zane at inilapit ang mukha para maangkin ang labi ng Omega.

Napapikit naman si Zane nang lumapit ang mukha ni Lucien at hinalikan siya. Ewan ba niya, pero parang may sariling utak ang labi niya na tinugon ang halik na iyon, ngunit hindi naman iyon nagtagal.

The hell with this guy. What does he plans to do this late? It's already eight at kanina pa siya nagugutom dahil sa kaunti lang ang nakain niya nang umalis sila. Hindi naman sinabi sa kaniya ng binata ang gagawin nila dahil sa ang sabi lang nito at lalabas sila.

“Let's go?”

Nang tumango si Zane, mabilis na lumabas si Lucien ng kotse at umikot patungo sa kabila para pagbuksan si Zane ng pinto.

This guy. How many times does he have to make his heart beats fast?

Nang mabuksan na ang pinto, agad na lumabas si Zane at may ngiti sa labi na inabot ang kamay ni Lucien na nakalahad. Ang ngiti sa labi na nakaukit sa mukha ng binata ay siyang naghawa kay Zane kaya napangiti rin ito.

Hell goodness. Please heart, keep calm and beat normally.

Nang makapasok sila ng building, nagulat nalang bigla si Zane nang biglang tumunog ang phone ni Lucien. Well. Sino ba namang hindi magugulat? Eh sobrang dilim ng paligid at tahimik. Nang nakalabas kanina si Zane sa pinto ng kotse, nahuli ng paningin niya mismo ang pagpatay ng ilaw ng buong building. Mukhang may balak ang binata.

A surprise?

Naiwan na nakatayo si Zane sa madilim na lugar dahil sa nagpaalam si Lucien na sasagutin lang nito ang tawag sa labas. Sinabihan narin siya ng binata na mauna nang pumunta sa taas at hintayin nalang si Lucien doon.

☑️DANGEROUS ALPHA 1: Fall On Cinderella's Trap [𝖡𝖫][𝖢𝖮𝖬𝖯𝖫𝖤𝖳𝖤𝖣]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon