Ilang linggo matapos ang tagpong iyon, ay pinipilit kong umaktong normal lalo na kapag nakikita ko silang magkasama.
Hindi nga dito natutulog ang impaktang iyon, pero halos dito na ito sa mansyon namamalagi na tila bagang takot na anumang oras ay agawin ko si Zachary. Oh, scratch that, walang aagawin dahil akin naman talaga si Zachary.
' Talaga ba, Avery?'. kutya ng demonyitang utak ko.
Ipinilig ko ang aking ulo, dahil nagsisimula na naman akong magiging paranoid sa kakaisip ng sitwasyon namin.
Kung paanong biglang naging cold ang asawa ko ay siya namang naging mas malapit kami ni Alexius sa isat isa. Siya yung nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako, yung yayakapin ako ng maliliit niyang braso kapag nakita niya akong nag iisa. Ang sweet ng baby boy ko.
Minsan hindi ko maiwasang sundutin ng konsensya lalo na kapag naalala ko kung gaano ko kasama tratuhin ang anak ko na alam kong habang buhay kong babaunin sa aking konsensya at araw araw kong pinagsisihan ang malaking pagkakamali kong iyon. Kaya ngayon, pinipilit kong makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa anak ko at kay Zachary. Sa kahit anong paraan, mabuo ko lang ang aking pamilya.
Ugong mg humintong sasakyan ang nagpahinto sa lumilipad kong diwa.Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatulala sa kawalan. Ito ang madalas na nangyayari sa akin, andami kong iniisip at mga katanungan na hindi ko din mabigyan ng tamang kasagutan.
Sinipat ko ang pambisig kong relos. Ala una ng madaling araw.
Napapansin kong napapadalas na late ang pag uwe ng asawa ko. Kung ano ang pinagkakaabalahan at hindi ko din alam sa dahilang halos hindi na kami magpang abot ni Zachary dito sa bahay.
Uuwe siyang madaling araw at maagang nagigising na minsan sabi pa ni Yaya Tina ay hindi man lang kumakain ng almusal o ni humigop ng mainit na kape.
'Ganoon na ba siya ka busy kay Cathyrine? Buong araw ba silang magkasama? Kaya ba madalas siyang nasa labas para malaya nilang magawa ang mga nais nila?'. Sa mga ideyang pumasok sa isipan ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng selos. May karapatan naman siguro ako, ano?
Nagseselos ako. Nasasaktan ako. Syempre, mahal na mahal ko ang asawa ko. Sobrang mahal na mahal kahit nagmumukha na akong tanga at desperada, mahalaga lagi ko pa rin siyang nakikita kahit hindi na ako ang kasama.
Inipon ko lahat ng hangin ko sa katawan at humingang malalim.
' Kalma self'. 'Inhale'. 'Exhale'... at ng pakiramdam ko okay na ako ay taas noo akong bumaba ng hagdan ng may nakapaskil na malaki at matamis na ngiti sa aking labi para salubungin ang pinakamamahal at pinakagwapo kong asawa.
Saktong nasa baba na ako ng bumukas naman ang main door at pasuray suray na pumasok ang lalaking sasalubungin ko.
"Z-Zach". Nauutal kong tawag. Kinakabahan ako at may pagdadalawang isip kung lalapitan ko ba o hindi.
Tumingin siya sa gawi ko. Bahagya pang nagulat, marahil ay hindi inaasahang madadatnan ako na naghihintay sa kanya sa ganuong oras.
" Oh, my wife ". Halos namumungay na ang mga matang wika nito.
Naglakad ito papalapit sa akin. Sa bawat hakbang nito ay siya namang paghuhurumentado ng puso ko. Sa hindi ko malamang rason , ay nakakaramdam ako ng kasiyahan. Marahil kasi first time ko itong gawin.
Hindi ko magawang ikurap ang aking mga mata, nakatitig lamang sa lalaking pasuray suray pang papalapit sa'kin.
Hindi kabawasan sa kagandahang lalaki nito ang magulo niyang itsura. Nakakalaglag panty pa din ang kagwapuhan ng asawa ko kahit sa ganuong huwisyo. Ang halos nagpupumutok nitong mga masel na humahakab sa suot nito. Napakatikas ng aking asawa. Walang tapon , mula dulo ng mga daliri sa paa hanggang sa dulo ng mga buhok nito. Isang karangalan na maging asawa ng isang Zachary Montreal.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...