" Nana, alis na po kami" paalam ko sabay halik sa pisngi ni Nana Krizzel kasabay sila Kuya Lojan at Kuya Shahad.
Sasabay kasi ako sa kanila papuntang bayan. Papasok sila ng trabaho bilang sekyu ng AA MALL, ako naman ay maglalako ng nilutong ulam at kakanin malapit sa gusali.
" Hala, sige na at sumulong na kayo at ng hindi pa masyadong mainit bumiyahe" pagtataboy pa ni Nana.
" At Almera, anak. Ingat ka okay? Kapag hindi mo na kaya ang init sa paglalako, kahit hindi pa ubos uwe ka na at baka mapaano ka" bakas ang pag aalala sa mukha ng ginang habang nagpapa alala sa dalaga.
" Opo, Nana. Ikaw na po muna bahalang tumingin tingin kay Cheska" bilin ko pa.
Ipinagbilin ko na lamang dahil tulog pa ang bata at ayoko namang bulabugin ang tulog nito.
" Ako ng bahala. Hala na" at pinipilit pa kaming itulak palabas ng bahay.
Kaya nagpatianod na lamang kami sa pagtutulak ni Nana.
Ilang sandali pa ay naglalakad na kaming tatlo patungo sa sakayan ng traysikel patungong bayan.
Tinulungan naman ako nina Kuya sa aking dala dalang mga paninda. Bitbit ni kuya Lojan ang basket ng aking mga panindang ulam habang si Kuya Shahad naman ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga kakanin.
Bitbit ko ang aking tubig habang nakasunod sa magkakapatid.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Ang swerte ko talaga sa dalawang ito. Sobra- sobra yung pagmamahal nila at pag aalaga sa akin at kay Cheska.
Kung mayaman lang ako, sila ang unang una kong bibigyan ng tulong. Lalo na kapag nakikita ko si Nana at Tata. Sobrang bait nila.
'Yung sa kabila ng kahirapan, patuloy pa rin silang nagiging positibo sa buhay. Sa kabila ng isang kahig isang tukang uri ng pamumuhay, masaya pa rin sila. Buo pa rin silang magkakasama.
Lumalaban ng magkasama sa lahat ng hamon sa buhay. Isang ordinaryong pamilya pero sagana sa pagmamahal at respeto sa isat isa at sa kapwa na siyang hindi kayang bilhin ng pera.
Lalo na sila Kuya. Kung tutuusin, nasa marrying stage na sila. Nasa tamang edad na para bumuo ng pamilya. Tamang edad para bumukod at mabuhay para sa sarili but they choose to stay with their parents.
Sobrang nakakahanga, sobrang ideal kind of man. Sila ang uri ng lalaki na alam mong magiging mabuting padre de pamilya, asawa at ama. Magalang at may respeto sa kapwa at sobrang mahal ang mga magulang.
" Bunso, laway mo tumutulo na" boses ng Kuya Shahad ko ang pumukaw sa naglalakbay ko na namang diwa.
Inirapan ko na lamang ito at nauna ng sumakay sa traysikel na hindi ko namalayang nasa terminal na pala kami.
Tumawa na lamang sila sa inasta ko sa kanila. Nasanay na silang asarin ako kapag nakakakuha ng pagkakataon. At ako naman ay sasagot ng irap o hindi kaya ay pa belat.
Ilang sandali pang binabaybay namin ang lubak lubak na kalsada mula sa baranggay Sabaken patungo sa bayan.
Huminto ang traysikel at inabot naman ni kuya Lojan ang bayad naming tatlo at tuluyan na nga kaming bumaba. Bitbit pa rin nina kuya ang aking mga paninda ay binagtas na namin ang kahabaan ng sementadong kalsada papunta s nag iisang mall sa bayan.
Malayo pa lang ay kitang kita ko na ang isang napakalaking gusali na talaga namang luluwa ang iyong mga mata sa sobrang laki at sa ganda ng desinyo.
Grabe!! Sobrang yaman siguro ng may ari nito.
" Kuya Lojan, grave ang laki ng mall na iyan! Sobrang yaman siguro ng may ari niyan" namamangha ko pa ring bigkas.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...