WARNING:THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE, VULGAR WORDS AND THEMES THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS.
No!
Halos hindi ako makagalaw sa presensyang bumulaga sa akin. Hindi ko maarok ang tamang salitang gagamitin sa pagsasalarawan ng aking nararamdaman ng mga oras na iyon!
"Long time, no see Avery" wika na nito na sa hindi ko maipaliwanag na rason ay tila tumayo ang aking mga balahibo. Nakakapangilabot ang hatid ng kanyang boses.
Napahawak ako sa aking ulo ng maramdaman ang biglang pananakit nito habang nakatitig pa rin sa panauhing hindi man kilala ng isipan ko pero ganun na lamang ang pagkabog ng aking dibdib.
"S-sino ka?" tanong ko ng makabawi sa pagkabigla. Nakita ko ang panandaliang pagdaan ng pagkamanghang emosyon sa kaniyang mga mata. Ngunit, saglit lamang ay bumalik itong muli sa mala tigreng pagtitig.
Titig na naghahatid ng nakakapangilabot na pakiramdam. Hindi ko alam pero hindi ko alam paano ipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.
"Nakalimutan mo na pa pala ang mukhang ito?" sagot nito sa paraang nang uuyam sabay turo sa sarili.
"Kung totoo ngang nakalimutan mo ako, puwes magpapakilala ako. Pero pwede bang papasukin mo muna ako?" wika nito na bahagya pa siyang binangga para makapasok sa cottage pero agad kong hinarang ito.
"Huwag kang basta-basta papasok lalo na kung walang pahintulot mg may ari." mariin kong wika. Bastos na kung bastos! Anong karapatan nitong basta na lamang kakatok sa silid ng may silid, at sisteng biglang papasok na akala mo siya ang umuukopa!
Hinarap ako nito ng may nanlilisik na mga mata. Pero wala na akong pakialam. Sinimulan niya puwes sasabayan ko siya!
Hindi ko napaghandaan ang biglang paghablot nito sa akin. Napaigik ako ng maramdaman ang sakit at hapdi dahil sa mahaba nitong kuko na bumaon sa aking balat.
Letseng impaktang ito! Kamag anak ba ito ni wolverine? Nagngingitngit kong sambit habang pilit nilalabanan ang hapdi.
"Huwag kang bastos sa bisita mo, Avery" mariin nitong wika habang hawak pa rin ang aking braso. Patalim ng patalim ang kanyang paraan ng pagtitig habang pahigpit ng pahigpit naman ang pagkakahawak niya sa braso ko. "Sadya ngang nakalimutan mo na ako. Puwes magpapakilala ako para maalala mo." At mas lalo pang diniinan ang pagkakahawak sa akin. Pakiramdam ko ay mapuputol na ang aking braso anumang sandali.
"Ako si Cathyrine Buenavista, ang babaeng unang minahal ng lalaking inagaw mo. Ako ang babaeng unang pinangakuan niya ng kasal. Ako ang babaeng kasabay niyang nangarap para sa bubuuin naming bukas..." tumigil ito saglit, tinanggal ang pagkakahawak sa aking braso..."pero inagaw mo, dahil isa kang put*!!" malakas nitong sambit ng may panggigigil kasabay ng pagdapo ng nakakangilong sampal sa aking pisngi! Halos tumabingi ang aking mukha sa lakas ng pagkasampal nito.
Hindi ko alam kung alin ang una kong dadaluhan; ang braso kong halos pinutol na nito sa diin ng pagkakahawak o ang pisngi kong halos umikot ng 360° dahil sa sampal niyang pinadapo!
Hindi pa ako nakakahuma sa pangyayari dahil halos natuod ako sa aking kinatatayuan. Hindi ako makagalaw sa bilis ng mga pangyayari. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang sunod-sunod na pagdapo ng mga palad nito sa aking pisngi!
Sampal, sabunot, sipa, tadyak... paulit-ulit.
"A-Avery!!!" rinig ko pa ang nag aalalang sigaw ni Zachary.
"Cathyrine, what the hell are you doing here!?"dumagundong ang boses nitong tanong sa babae.
Sa nanlalabong paningin ay nakita ko kung paanong sampalin ni Zachary si Cathyrine! Napasinghap ako dahil sa nasaksihan! Kitang-kita ko rin ang paglitid ng mga ugat nito sa kanyang leeg, ang pagdilim ng kanyang mukha na tanda lamang ng galit na nararamdaman nito.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...