TBB-17

3.4K 93 18
                                    

Zachary's P.O.V

......"Isang buwan na lamang ang hihintayin natin, sir. Matatapos na ang AA Mall sa Upi". huling mga salitang napakinggan ko mula kay Benjie, ang aking sekretarya na siyang nangangasiwa ng aking mga tinatayong negosyo na malayo sa siyudad.

Malaki ang tiwala ko sa lalaki dahil dati na rin itong sekretarya ni Daddy bago pa man naipasa sa akin ang pamamahala ng kompanyang Montreal Group of Companies. Bukod sa ayaw ko sa malayong biyahe, ay hindi ako maaring mawala ng matagal sa kadahilanang ayaw ko maiwan sa bahay ang aking unico hijo, si Alexius.

Magmula ng biglaang nawala na lamang ang mommy nito, ang aking pinakamamahal na asawang si Avery Anne ay halos ayaw ko ng mawalay sa aking paningin si Alexius, natatakot akong pati siya ay iiwan din ako. Hindi ko na kakayanin pa.

" Benjie, may balita na ba sa pinapahanap ko?" sa halip na magkomento sa pinag uusapan naming negosyo ay hindi ko mapigilang magtanong sa kung may panibagong update na ba sa kinaroroonan ni Avery.

" Wala pa po sir eh." mabilis namang sagot nito.

"Sir, apat na taon niyo na pong pinapahanap si Maam Avery, halos nalibot na po ang buong Pilipinas wala pa rin tayong balita sa kanya, baka siya nga po talaga yong babaeng inilibing natin sir" mahabang litanya ng aking sekretarya.

Napahilot ako sa aking sentido.

May punto ang lalaking kaharap ko.

Apat na taon ko ng pinapagalugad ang bawat sulok ng Pilipinas pero wala pa rin akong mahanap na lead na maaring makapag bigay linaw at pag asa na maaring buhay pa nga ang aking asawa. Napapikit ako. Hindi ko kayang isipin na ganuon na lamang kabilis mawala sakin ang kaisa isang babaeng minahal ko ng labis labis.

Kung nagawa ko man siyang saktan noon, parang sobra- sobrang karma naman at parusa yung ibinalik sa akin. Parang pinatay na rin ako sa sakit.

"Hindi pa rin ako susuko,Benjie. Handa akong ubusin lahat ng meron ako, maging sa kahuli hulihang sentimo ng mga bilyones ko kung kapalit nun ay ang pagtatagpo namin ng asawa ko..ng ina ng anak ko" buong tatag kong wika habang nakatunghay sa walong taong gulang kong anak.

Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi ko pa rin kayang  tanggapin na ang katawan nga ni Avery ang inilibing namin apat na taon na ang nakakaraan.

Nararamdaman  kong buhay pa siya. Babalik pa siya sa amin ng anak namin. Bubuoin  pa namin  ang sinimulan naming pamilya.

Apat na taong kong pinanabikang masilayan  muli ang maganda kong asawa. Walang sandaling hindi ko siya naiisip. Bawat sandaling nasa piling ko pa siya at paulit-ulit pumapasok sa'king balintataw. 

Parang pinipiga ang aking dibdib sa bawat sandaling sumasagi sa'king isipan ang malamig na bangkay ng babaeng iniulat  sa'kin  ng isa sa aking mga imbestigador. Hindi kayang iproseso ng aking isipan na ang babaeng iyon ay ang asawa ko. Wala akong ibang emosyon ng mga sandaling iyon kundi sakit at pagsisisi.

Walang kapantay at kamatayang sakit na naputol  lamang ang aming pagsasama  na hindi man lamang naayos  ang aming gusot.

Pagsisisi dahil ako ang dahilan, ang punot dulo  ng lahat ng nangyayari saming  pamilya. Ako ang nagdala sa kanya  sa ganitong sitwasyon. Ako ang rason kung bakit naranasan ni Avery ang magdusa  at masaktan ng sobra.

Tama nga siya. Marahil isa akong demonyo.

Isang kasuklam  suklam na tao.

Nakakahiyang ipakilalang asawa at ama.

Isang "rapist".

Pero nagmahal lang ako. Naging desperado.

Oo. Mali. Sa maling paraan ko ipinakita ang pagmamahal ko. Pero walang mali kapag desperado kang gawin ang isang bagay makuha mo lamang ang taong mahal na mahal mo.

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon