"Langga" malamyos na boses at mabibining haplos ang nagpamulat sa akin. Medyo nahihilo pa ako at unti-unting sinasanay ang sarili sa kadiliman ng paligid, hanggang sa unti-unti ko ng naaaninag ang liwanag. Nanlaki pa ang aking mga mata sa unang tanawing bumungad sa akin.Holy shit!
Jesus!
Ikinurap kurap ko pa ang aking mga mata, sinampal sampal ko pa ang magkabila kong pisngi para patunayang hindi nga ako dinadaya lang ng aking imahinasyon.
At ng marealize na totoo nga ang lahat. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako nag passed out.
Shuta ka, Montreal! After four months yun pa ang eksenang mabubungaran ng mahal mo? Nakakahiya.
Itinaas ko ang aking mga kamay at ipinalandas sa kanyang makinis na pisngi kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Hindi ko na mapigilan ang mapahagulgol. She's real. Bumalik siya sa amin. Bumalik siya sa akin!
"Langga!" tanging salitang namutawi sa aking mga labi kasabay ng mahigpit kong pagyakap sa kanya.
"Thank you dahil bumalik ka. Thank you dahil hindi mo kami iniwan. Thank you so much, langga. Sobrang mahal na mahal kita na halos ikabaliw ko ang nangyari sa iyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung tuluyan mo na kaming iniwan. I love you so much langga, my wifey" madamdamin kong wika habang patuloy pa rin sa pag iyak.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos nito sa likod ko na tila pa isa akong paslit na pinapatahan nito. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kapayapaan. Matagal kong pinanabikang mayakap siya ng ganito kahigpit.
"Thank you rin dahil hindi mo ako sinukuan sa kabila ng lahat. I am sorry for everything, Zachy." mahinang saad nito. Bakas pa sa mukha nito at boses ang pagiging mahina.
"Walang kang dapat ihingi ng tawad, dahil hindi ka pa man nagkakamali ay napatawad na kita. Mahal na maha kita, langga." wika ko habang nakatitig sa kanyang mga mata na tila hinahalukay maging ang kanyang kaluluwa.
Kinuha ko ang kanyang mga kamay at dinala sa aking labi. Mabibining halik ang aking ipinagkaloob habang nakatitig pa rin rito.
"Mahal na mahal na mahal kita, Avery Anne Cruz- Montreal. Ikaw at ikaw lang ang babaeng minahal ko ng sobra at mamahalin ko pa ng higit pa sa mga ipinagdarasal mo" and I kiss her lips. May pag iingat. Mabini at punong -puno ng respeto at pagmamahal.
Inaya ko siyang mahiga muli pagkatapos niyang kumain. Tumagilid ako ng higa sa kanyang tabi habang ang mga braso ay nakapulupot sa kanyang balingkinitang katawan.
Kinintalan ko ng mabibining halik ang braso nito patungo sa kanyang balikat habang ang mga braso ko ay pahigpit ang pagkakahawak sa kanyang baywang.
"Langga, don't tell me gagawaan mo ng kapatid ang mga anak mo na made in Hospital?" pabirong wika pa ni Avery dahil alam na nitong naglulumikot na naman ako.
"Kung papayag ka, why not?"
"Ewan ko sayo. Kakagising ko nga lang kung ano-ano na naman pumapasok sa kukute mo. Baka puwedeng pahinga muna ako bago sumabak sa gyera?"
Hindi ko mapigilang matawa sa biro nito.
Hinalikan ko ito sa sentido. "Pahinga ka muna. Tabi tayo matutulog."
Ngumiti lamang ito sabay tango. Ngiti na alam kong totoo. Ngiti na alam kong para lang sa akin. Ngiti na alam kong tanda ng bago naming simula pagkatapos ng sakit at mga samut- saring problemang aming dinanas.
"Rest now, langga" wika ko at kinabig ko siya papalapit sa akin. Idinantay ko ang kanyang ulo sa aking mga bisig, ramdam ko ang init na nagmumula sa aming katawan. Umaalab. Lumalagablab. Punong puno ng pananabik at pagmamahal. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin at pagsusumiksik nito sa aking katawan.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...