Ramdam ko na ang epekto ng alak sa aking sistema. Nahihilo na ako at pasuraysuray na kaya nagpasya na akong magpaalam sa mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa Montreal Hotel dahil dito ginanap ang birthday party ng isa sa mga kaibigan ko, si Neri Montreal.
Lumapit ako sa mga kaibigan kong halata na rin na may mga tama na rin ng alak.
Masaya pang naghaharutan habang sumasayaw ang mga kaibigan ko, si Imee, Maricris, Abigail, Cherilyn at Neri.
"Girls, puwede bang magpahinga muna ako sa suit natin? Umiiba na kasi ang pakiramdam ko." paalam ko sa mga ito. At pumayag naman sila.
Pagkasara ng pinto ng kwarto ay hindi na ako nag abalang buksan pa ang ilaw, binuksan ko na lamang ang lampshade sa side table.
Dahil medyo nahihilo ay gusto kong matulog nalang, ngunit bago ko pa man naipikit ang aking mga mata, may matitipunong braso ang humila sa akin at mabilis akong kinaubabawan at mabilis na nilakumos at sinunggaban ng halik ang aking mga labi.
Pinilit kong kumawala sa lalaki, ngunit sadyang malakas ito kumpara sa akin.
Pinailaliman pa nito ang paghalik sa akin sa kabila ng aking pagpupumiglas. Nagsimula na ring maglakbay ang mga kamay nito sa aking kabuuan.
Sinubukan kong muling kumawala, ngunit muli na naman akong nabigo.
"P- please parang awa mo na, pakiusap huwag mong gawin sa akin ito" umiiyak kong pagmamakaawa ngunit tila bingi na ito sa pakiusap ko.
Nawalang bigla ang epekto ng alak sa aking sistema, ang tangi ko nalang iniisip ay makawala sa nag-uumpisang bangungot ng aking buhay.
Ang gabing dapat ay puno ng kasiyahan dahil kaarawan ng aking kaibigan ay siya din palang gabi ng bangungot sa buhay ko, ang gabi kung saan ikakaguho ng mundo ko.
Bago pa man ako mawalan ng malay, nakita ko pa ang mukha ng lalaki. Ang lalaking kahuli-hulihang taong pag-iisipan ko ng masama!
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...