"Yes I do, father" limang salitang nanuot hanggang sa kaliit-liitang himaymay ng aking mga kalamnan.
Mabilis kong pinahiran ang mga luhang nag-uunahang dumadaloy sa aking magkabilang pisngi habang nakatayo sa bukana ng simbahan, habang nakatitig sa dalawang magkaparehang benibendisyunan ng seremonya ng matrimonya.
Ako sana ang andiyan at hindi ang babaeng 'yan. Ako ang nauna, ako ang minahal, kami ang nagmamahalan pero hindi na puwede.. dahil may asawa at anak na ako.
Nagtatagis ang mga bagang na naikuyom ko ang aking mga kamao ng muli ko na namang ma alala ang nakaraan.
Paano ko nga ba makakalimutan kung araw araw kong nakikita at nakakasalamuha ang bangungot at bunga ng bangungot kong kahapon.
Ilang taon pa man ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa akin ang lahat. Parang kahapon lang nangyari ang mga bagay na siyang dahilan ng galit at poot kong nararamdaman ngayon.
Ayoko ng masaksihan pa kung gaano kasaya si Dylan sa kasal niya ngayon. Si Dylan ay long time boyfriend at fiancee ko na mapasa hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin.
Masaya kami noon, magkasama kaming bumuo ng mga pangarap namin, maging ng bubuuin naming pamilya. Okay na kami sana kami. Sa tagal naming magkarelasyon halos kilalang-kilala na namin ang isat- isa. Nasanay na kami sa presensya ng bawat isa. Tanggap rin kami ng pareho ng aming mga pamilya kaya kumpyansa kaming kami na hanggang dulo.
Sobrang saya ko noong nag propose si Dylan sa akin. Ako na yata ang pinaka masayang babae sa balat ng lupa noong oras na iyon. Walang pagsidlan ang aking saya, hindi ko maihalintulad sa salita yung nararamdaman ko that moment.
Ni sa panaginip hindi sumagi sa isipan kong hahantong kami sa ganito.
Masaya na siya, samantalang ako, ito miserable at nakakulong sa impyerno kong buhay!
Oo impyerno!! Paano magiging langit ang buhay ko kung ang asawa ko ay ang taong naging dahilan kung bakit ako nasasaktan at nagdurusa sa ngayon? At ang masakit, araw araw may isang taong pilit nagpapa alala sa akin sa nakaraan- ang aking anak. Ang anak ng demonyo!
Huminga akong malalim at muling pinunasan ang nagmamalisbis na mga luha sa aking mga mata. Napahawak ako sa aking dibdib, andoon pa din ang sakit, andoon pa din ang pangungulilala at paghihinayang sa pagmamahalang winakasan sa isang masalimuot na paraan.
Minsan kinukwestiyon ko na ang Diyos kung bakit hinayaan niyang mangyari sa akin ang lahat ng ito. Tinalikuran ako ng taong minahal ko ng anim na taon.
Sino bang tangang lalaking magpapakasal sa babaeng nabuntis ng iba? Isang himala na lamang marahil.
Pumasok na ako sa sasakyan at pina andar na ito. Ilang saglit pa ay nasa harap na siya ng Montreal Mansion, bumusina pa siya ng tumapat sa guard house.
Matapos maipasok ang sasakyan sa garahe ay mabilis na siyang pumasok sa loob ng kabahayan.
Nakailang hakbang pa lamang siya sa entrada mg pinto ng makarinig siya ng isang bagay na nabasag.
Mabibilis ang hakbang na tinalunton ko ang direksyon ng tunog. Alam ko na kung sino na naman ang may gawa!
Mula sa kinatatayuan ko tanaw ko ang isang batang lalaking na nasa tatlong taon, nakayuko ito at halata ang takot.
Aba dapat lang matakot siya!
Humakbang ako palapit na may mga nanlilisik na mga mata.
Hinila ko ang batang lalaki.
" Ano na namang kademonyohan ang pinaggagawa mo huh??!!" pasigaw kong tanong.
" H-hindi ko po sinasadya mommy, I'm sorry" nakayuko nitong sagot.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...