TBB-16

3.6K 78 11
                                    

Malamig na samyo ng hangin ang nanunuot sa aking balat habang nakatanaw sa malayo. Mga huni ng kulisap sa paligid ang pumupuno sa tahimik kong gabi. Mga naglilipanang alitaptap na siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid at ang mga bituin at buwan na siyang tumatanglaw at nagbibigay buhay sa malungkot at bawat gabi kong puno ng pighati at pangungulila sa mga alaalang hindi ko matandaan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala sa kalawakan habang ninanamnam ang katahimikan at kapayapaan ng gabi na sa akin ay namamayani. Gusto kong namnamin ang bawat segundo at mga sandali nito. Ang sarap sa pakiramdam. Nakakagaan at naghahatid ng walang kapantay na kapayapaan.

Maraming mga senaryo at imahe ang madalas lumilitaw sa aking isipan pero agad namang nawawala. May mga pagkakataong parang may hinahanap akong tao pero hindi ko alam kung sino o kung anuman ang koneksyon ko sa mga ito pero isa lang ang sigurado nangungulila ang puso ko sa kanila.

Totoo nga marahil ang kasabihan, maaring makalimutan ng isipan natin pero hindi ang puso dahil sa bawat sandali ramdam ko na may kulang pa sakin. May mali pa na kailangan kong itama.

" Almera, anak. Pumasok ka na. Masyado ng malalim ang gabi at baka mapuyat ka". Boses ni Nana Krizzel ang pumukaw sa lumilipad kong diwa.

Napangiti ako. Marami mang kulang sakin, marami mang mali sakin.. andiyan naman ang pamilya ni Nana na siyang tumanggap sakin ng buo habang nangangapa pa ko sa pagkatao ko.

" Opo, Nana. Susunod na po ako".

Pumasok na ako sa bahay at isinara ang bintanang gawa sa kawayan.

Nadatnan kong nasa payak naming sala sila habang nakasalampak  ng upo  sa  kawayang  sahig habang nanunuod ng aksyon-drama sa telebisyon.

" Mama". Malambing na salubong sa'kin ni Franchescka Alexie ang tatlong taon kong anak. Mabilis kong ibinuka  ang aking mga braso para salubungin ito ng yakap.

Napangiti ako habang nasa  bisig ko ito. Ang batang  ito ang pumapawi  sa  aking kahungkagan at nagbibigay kulay sa malungkot kong mga sandali.

Wala man akong maalala sa kung sino ang ama ni Chescka,  pero habang nakikita ko ang itsura ng anak ko araw-araw parang pamilyar  sakin ang hilatsa  nito.

Mula sa itim at tuwid nitong buhok, matangos na ilong at katamtamang kapal ng kilay at mapupulang labi , idagdag pa ang kulay nitong napakakinis at napakaputi  na hindi mo iisiping  nakatira ito sa liblib na baryo  sa gitna ng mga bukirin.

Sa murang edad ng anak ko ay nakakakitaan ko na ng gandang walang kapantay...marahil ay  mala Adonis rin ang ama nito, hindi naman sa binababa ko ang  aking  sarili pero sa tuwing haharap  kaming dalawa sa salamin ay sadyang pinapamukhang  hindi talaga ito nagmana sakin.

" Mama, sad ka  naman po. Gusto mo po kiss kita ng maraming maraming maraming maraming marami sa cheeks po para hindi ka na po sad" malungkot na sambit ng batang babaeng  kayakap ko habang nakatitig sakin.

At heto na naman ang hindi ko maipaliwanag na pakiramdam sa tuwing  nakikipag eye to eye contact  ako sa anak ko. Pakiramdam  ko ibang tao ang nakikita ko pero hindi ko kilala o hindi ko maalala. Sadyang iba ang reaksyon ng aking katawan lalo na ng aking puso sa tuwing  nakikita ko ang berde nitong mga mata.

" Okay lang si mama baby, pero parang gusto ko parin yung maraming maraming maraming  maraming  marami  mong kiss" natatawa kong sambit habang inuulit- ulit binibigkas  ang maraming marami.

Agad naman itong yumakap pang lalo sakin at agad  pinugpog ang aking pisngi  ng halik.

Ang sarap sa pakiramdam. Nangungulila  man ang puso ko sa mga taong wala akong ideya kung sino... pero kahit papano napupunan naman ni Chescka ang mga iyon.

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon