TBB-7

3.6K 93 9
                                    

Kulang kulang kinse minutos ay namataan ko na ang isa sa mga sasakyan na pagmamay - ari ni Zachary, marahil ito na ang susundo sa amin.

Nang makatapat sa amin ay agad na bumaba si Mang Gerry at ng makita ako ay hindi maitago ang sobrang pagkagulat.

" G- good afternoon maam Avery" . magalang pa na bati nito sa akin.

" Good afternoon din Mang Gerry, mabuti at dumating na kayo tara na po at nang makapagpahinga na si Alexius " tugon ko at ngumiti. Anduon pa din ang sobrang gulat sa mukha nito dahil sa aking pag ngiti. Nakakatawang isipin na halos ganuon ang reaction at magiging reactions ng mga taong nasa paligid ko dahil sa aking pagbabago.

Binuhat ko na si Alexius na nagpatianod naman kaya pumasok na kami sa sasakyan kasunod si Yaya Tina at si Mang Gerry naman ay minaobra na ang sasakyan.

Hindi ko hinayaang umupo si Alexius sa upuan bagkus ay kinandong ko ito habang niyayakap ko pa din. Isinandal ko pa ang likod nito sa dibdib ko para maging komportable sakaling makatulog man.

" Ma'am, ako na po ang kakarga kay Alexius, baka po mahirapan kayo" presinta ni Yaya.

" It's okay Yaya, gusto kong mapalapit sa anak ko ..gusto kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko lalo na bilang ina, kaya okay lang apat na taon ko ding tinikis ang anak kong ito " paliwanag ko .

Nakangiti namang nakatunghay na lamang si Yaya sa aming mag ina. Mag ina..sounds good. Ang sarap sa pakiramdam.

" Mang Gerry " tawag ko sa aming driver.

" Yes ma'am " tumingin pa ito sa salamin .

" Gusto ko lang po magpasalamat sa ligtas na paghatid sundo kay Alexius sa school at minsan pagsusundo din kay Z - Zachary kapag lasing " sinsero kong bigkas.

" Wala po iyon ma'am.. at thank you din dahil ngayon okay na kayo ng anak niyo lagi ka niyang kinukwento sa amin eh" masaya pang tugon nito.

" K-kinukwento?" kinakabahan kong usisa. Wala naman akong natatandaang masayang alaala binigay kay Alexius.

" Lagi ka niyang binibida sa amin, ikaw daw ang darna ng buhay niya" natatawa pang pagkukwento nito." Ikaw daw ang first crush niyan at first and only girlfriend niya at pinaka byutiful mommy in the whole wide world"..nakangiti pa nitong dugtong." Ultimo nga pagngiti mo sa kanya kinukwento pa niya, mahal na mahal ka niya ma'am at salamat dahil maayos na kayong dalawa. "

Tumulo muli ang mga luha sa aking mga mata. Tiningnan ko ang aking anak na ngayon ay mahimbing ng natutulog habang nakasandal sa akin.Hinaplos ko ang kanyang maliit na pisngi. Hindi ko aakalaing sa kabila ng lahat positibo pa din ang tingin niya sa akin at hindi ako itinuring na masamang ina. Tumingala ako para pigilan ang nagbabadya kong mga luha.

Naging tahimik na lamang ang sunod na mga sandali sa amin. At ilang sandali pa ay tanaw ko na ang malaking gate ng mansion ni Zachary na binuksan ng isang kasambahay . Sumaludo pa ang gwardiya ng dumaan ang sasakyan at ng makita ako ay yumukod pa ito nagbigay galang.

Pagkahinto ng sasakyan sa  garahe ay naunang bumaba si Yaya Tina  at pinagbuksan ang pinto sa bahagi ko. Kalong  si Alexius ay bumaba  na din ako at pumasok na kami sa loob ng bahay. Kita ko pa ang gulat  sa lahat ng mukha ng mga kasama sa bahay.

Sino bang hindi magugulat? Eh halos kahapon lang abot langit pa ang pagkamuhi   at galit ko sa batang buhat buhat ko.

Hindi ko na lamang sila pinansin  at umakyat na ako sa taas kasunod naman  si Yaya.  Binuksan niya ang pinto ng silid ni Alexius. Tumambol  ng malakas ang aking dibdib. Ito ang unang pagkakataong  pumasok ako sa silid ng anak ko.  Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at inilang hakbang  ang kanyang kama. Dahan dahan ko itong inihiga  sa kanyang kama  at inayos  ang kumot. Hinaplos ko pa ang kanyang pisngi at dahan dahang  hinalikan sa noo.

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon