Maagang nagising si Avery kinabukan.
Uminat inat pa ako para tuluyang gisingin ang aking diwa.
Sinulyapan ko ang relong nakapatong sa lamesita. It's 5 o'clock in the morning.
Tumayo na lamang ako, inayos ang pinaghigaan at tumungo sa banyo.
Inisa isa kong tinanggal ang damit na isinuot at pinihit ang gripo ng dutsa at pumailalim. Ninamnam ang maligamgam na tubig na bumabagsak sa aking katawan.
Ipinikit ko pa ang aking mga mata at unti unting sinabon ang aking katawan.
Sa kalagitnaan ng aking pagliligo at biglang lumitaw sa aking balintataw ang kasalan kahapon.
I smiled bitterly.
Happy na si Duncan maybe it's time na din for me to move on and accept the fact na imposible pang maipagpatuloy ang aming nakaraan.
Naipikit ko pa ng mariin ang aking mga mata ng sumagi sa isipan ko ang sagutan namin ni Zachary kagabi.
Hindi ko maintindihan kung bakit nagtiis pa itong makisama sa akin sa loob ng apat na taon. At ang masaklap pinakasalan pa ako!
Puwede naman nitong gampanan mag isa ang responsibilidad sa anak nito kahit walang asawa, kung mag asawa nga ba ang tawag sa set up nila.
They sleep in different room, mag isa ako sa kwarto at magkasama naman ang mag ama.
Ang daming what if's sa utak ko ngayon, pero ayokong ientertain, galit at kinamumuhian ko parin silang mag ama.!
Bumuntong hininga na lamang ako ng marahas at pilit iniwaglit ang mga demonyo sa aking isipan.
Masyado pang maaga para simulan ang aking umaga ng puno ng galit at poot.
Ilang saglit pa ay tapos na ako sa pagliligo. Isinuot ko na lamang ang aking pink na roba at binalot ng tuwalya ang aking buhok at lumabas na ng banyo.
Kinuha ko na sa aking closet ang aking susuotin. Matapos maisuot ang napiling damit ay sinimulan ko na ring maglagay ng makeup.
Ilang sandali pa ay tapos na ako., kinuha ko ang aking bag at nilagay ang aking cellphone at charger.
Isang beses pa akong humarap sa salamin para masiguradong presentable na at maayos ang aking itsura.
Bumaba na ako para mag almusal. Maagang nagigising ang mga kasambahay kaya alam kong nakaready na ang pagkain.
Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong nagtatawanan sa kwarto ng mag ama. Hindi ako tsismosa pero dala ng kuryusidad ay pumihit ako at tinungo ang pinto ng mga ito.
Madalas ko silang nakikitang naglalaro pero sa tuwing nakikita nila ako, lalo na ni Alexius ay mabilis silang humihinto.
"Waahhhhh!! Daddyyy!!!" dinig kong tili ni Alexius mula sa silid.
"Run baby! Maaabutan ka na ni daddy!!" hingal na boses naman ni Zachary ang sunod kong naulinigan.
Habang palapit ako ng palapit ay mas lalo pang palakas ng palakas ang boses ng mag ama na tila hinihingal marahil sa kanina pa ito naglalaro.
Nasa tapat na ako ng pinto ng silid ng mag ama at bahagya itong naka awang, out of curiosity sinilip ko sila.
Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang nanikip ang aking dibdib sa tanawing aking nasilayan.Hinihingal na tumatakbo si Alexius habang hinahabol ni Zachary, at ng maabutan ay sabay pang pagtawanan ng malakas ang dalawa at mas sumidhi pa ang kirot na aking nararamdaman ng masaya at nakangiting hinalikan ng bata ang ama nito na ginantihan naman ni Zachary ng pagpisil sa ilong nito at paghalik sa noo. Ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang malungkot na anyo ng binata pagkatapos halikan ang anak.
Bago pa man siya tuluyang kainin ng konsensya ay malalaki ang mga hakbang na tinahak na niya ang daan pababa papunta sa hapag.
Mabilisan lamang ang aking ginawang pag kain, lalo na at dinig ko ang mga pababang yapak mula sa hagdan at kahit hindi ko man lingunin ay alam ko na kung sino.
Bago pa tuluyang masira ang aking araw ay mabilis na akong tumayo at kinuha ang aking bag. Bitbit ang susi ay mabilis ko ng tinungo ang garahe, sumakay ng kotse at mabilis pa sa alas kwatrong pinasibad ang sasakyan.
At dahil maaga siyang pumasok ay nakaiwas siya sa nakakastress na traffic, kaya mabilis siyang nakarating sa opisina.
She has her own flower shop and boutique. Kahit asawa siya ng isang Zachary Montreal ay hindi siya humihingi ni piso sa lalaki. Noon pa man ay iniinsist na nitong hindi niya na kinakailangang magtrabaho because he can provide for them.
Syempre tumanggi ako!
Bakit ako tatanggap ng tulong sa taong demonyo? Sa taong sumira sa buhay ko at naging dahilan kung bakit nasadlak ako sa ganito? Kahit gagapang ako sa hirap nungkang hihingi ako ng tulong sa kanya!.
Taas noong pumasok ako sa opisina, na agad namang sinalubong at binati ng mga empleyado.
As usual, meron na namang bouquet of roses sa aking table. Kung hindi ako nagkakamali simula ng maitayo ko ang aking munting negosyo ay araw araw na akong nakakatanggap ng bouquet mula sa taong hindi ko alam kung sino. Basta ipinapadeliver na lamang sa aking shop. Ni card ay wala akong nakikitang nakalagay. Magtatatlong taon na din itong mystery sender ng bouquet. Hindi pa ba ito magsasawa? Masyado na akong nahihiwagaan sa kung sinumang poncio pilato ito.
" Good morning ma'am, pasensya na po tulad po ng dati idineliver lang po iyan dito kanina, eh sa iyo naman po naka address kaya nilagay na namin sa table mo". depensang wika ni Liezel ang aking sekretarya, napansin marahil ang pagtitig ko dito.
"It's okay Liez, hindi ko pa nga din alam mapasa hanggang ngayon kung sino nagpapadala sa akin niyan eh.. sa katunayan naging favourite ko n itong red roses" sagot ko sa aking sekretarya at dinampot ang bungkos ng pulang rosas sa aking mesa at sinamyo. Nakakagaan ng pakiramdam ang preskong amoy nito.
"Kung sinuman ka man, thank you so much hindi mo lang alam kung paano napapaginhawa ng mga rosas na ito ang aking pakiramdam." piping usal ko habang patuloy pa ring inaamoy ang roses.
10-13-2020
09:04 pm
Muscat,OmanThank you for reading.
Please don't forget to vote and leave your comment/s after.God bless and stay safe everyone!-^Ehnna-^✍
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...