Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng masidhing pagkirot. Huminga akong malalim habang unti unting pinapakalma ang sarili.
Nasaan ako?
Inilibot ko ang aking paningin sa silid na aking kinaroroonan.
Hospital!
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa hospital bed ng mapagtanto ang nangyari kanina.
Sakto namang pumasok ang dalawa kong kuya na batid sa mukha ang labis na pag alaala.
"Kuya Lojan! Kuya Shahad!" masaya kong bati.
Akma naman akong tatayo ngunit sinaway ako ni Kuya Lojan kaya wala na akong magawa kundi makuntentong maupo na lamang sa dulo ng kama.
Lumapit naman silang dalawa sa akin at duon ko lamang napansin ang lalaking kasama nilang pumasok sa silid.
Ito ang lalaking may ari ng sasakyang pumarada sa harapan ng mall! Anak ng pitumpung puting kuting!
Anong ginagawa nito dito?
Napatingin rin sila kuya sa direksyong tinitingnan ko. Tumingin ako sa kanilang dalawa na tila ba nagsasabing " sino ang hinayupak na anak ng butiking hindi tuli na yan" look.
" A-ahmm. Bunso, siya ang nagdala sa'yo rito sa hospital". paliwanag ni kuya Lojan.
" Yeah, I am the one who bring you here, lang- miss". Z-Zachary M-Montreal. Zachary Montreal". pakilala pa nito sa hindi malamang dahilan ay tila nag aalangan pa itong sabihin ang buong pangalan.
Zachary Montreal? Bakit tila familiar sa akin? Parang normal ko ng naririnig araw- araw ang pangalan na iyon.
Ah. Sumagi sa isipan ko na ito nga pala ang may ari ng AA Mall na itinayo sa bayan. Gusto kong piktusan ang sarili ko sa inasta ko sa lalaking kaharap. Nakakahiya ka, Almera! Parang gusto ko na lamang lumubog mula sa kinauupuan ko at lamunin ng lupa!
" Maupo po kayo, Mr Montreal" alok ko sabay turo sa sofa sa gilid malapit sa aking kama.
"Maraming salamat nga po pala sa pagdala sa akin dito, at humihingi po ako ng dispensa sa inasal ko kanina" pagpapatuloy ko pa. Nakakahiya talaga!
" It's okay miss...."
" Almera Dimakita, sir. Pwede rin pong Almera na lang sir." pagpapakilala ko pa.
" A-Almera Dimakita?" parang hindi makapaniwalang anas nito at tumingin pa kina Kuya na tila ba naghihingi ng paliwanag.
Bakit parang kilala niya ako basi sa kung paano niya ako tingnan? Naguguluhan man sa nakikita ko kung paano ito tumingin sakin na tila inaarok ang kasuluksulukan ng aking kaluluwa. Hindi ko maiwasang mapatanong. Anong koneksyon ko kay Mr Zachary Montreal?
Sa mga sumunod na sandali ay sila kuya Lojan at Kuya Shahad na lamang ang nag uusap kasama si Mr Montreal na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay madalas kong nahuhuling sumusulyap sa akin at kahit mahuli ko man na tumingin ay hindi man lamang iti umiiwas ng tingin.
Habang magkatagpo ang aming mga mata hindi ko maiwasang huwag itong titigan pa. Nakakahipnotismo ang mga mapupungay nitong mga mata. Pero nababanaag ang lungkot at pangungulila sa mga matang iyon. Hindi ko alam kung bakit tila may kutsilyong tumarak sa aking dibdib habang nakatitig sa mga walang buhay na matang iyon.
Saglit pa ay tatlong magkakasunod na katok sa labas ng pinto ang umagaw sa aming atensyon.
Isang medyo may edad ng lalaki ang pumasok at batang lalaking marahil ay nasa walong taong gulang na.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...