TBB-28

3.4K 91 11
                                    


ZACHARY's P.O.V.

Bang! Bang! Bang!

Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa bahaging iyon ng resort. Halos hindi ako makagalaw ng sa paglingon ko ay ang nakahandusay na katawan ni Avery ang aking nasaksihan. 

Nanginginig ang aking buong kalamnan dahil sa ginawa ni Cathyrine. Halos umakyat lahat ng dugo ko sa katawan at pakiramdam ko ay sasabog na ako!

Bumalik lamang ako sa huwisyo ng tapikin ako ni Benjie habang buhat-buhat si Franchescka at hawak naman si Alexius. Habang si Cathyrine naman ay pinoposasan na ng mga awtoridad.

Agad kong dinaluhan ang aking asawa na ngayon ay nahihirapan ng huminga.

"God! Langga, please. Open your eyes!"

"Damn it! Avery, huwag na huwag kang magkakamaling pumikit at iwan kami!"

"Please,langga. Huwag kang bumitaw" nagpapanic kong sambit. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin at sasabihin ng mga sandaling iyon.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hanging lalanghapin at kinakapos na ako ng hininga. Ang lakas ng kalabog ng aking dibdib dahil sa kalagayan ni Avery.

"Langga, please. Mahal na mahal kita. Lumaban ka para sa amin ng mga anak natin. Please, listen to me" patuloy kong pagsusumamo sa babaeng ang katawan ay nababalot na ng sariling dugo.

Sinalo niya ang mga balang dapat ay nakapuntirya sa mga anak niya!.

Naramdaman ko ang paghigpit niya ng kapit sa aking mga kamay at sa mahinang tinig narinig ko ang mga salitang walong taon kong araw- araw pinapangarap marinig mula sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Zachary. Mahal na mahal kita, palangga ko" kasabay ng mga huling kataga at ang pagluwag ng pagkakapit nito sa akin.

"No! Avery!!!" malakas kong sigaw kasabay ng  pagdating ng mga nagmamadaling doctor.

Nakita ko pa ang pag iling ng mga doctor bago ako panawan ng ulirat.

Hindi ko kinaya ang sakit. Hindi ko kinayang makitang tuluyan akong iwan ng babaeng pinakamamahal ko.

Hindi pamilyar na silid na nababalot ng puting disenyo ang kinamulatan ko pagbukas ng aking mga mata. Sandali ko pang sinanay ang aking paningin sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Nasaan ako?

"Sir, mabuti at gising na kayo" ani ng isang boses kaya napakurap-kurap ako at iginala ang paningin para hanapin ang pinagmulan ng boses. Alanganin akong ngumiti sa lalaking nakaupo sa sofa ng silid na bakas ang pag aalala at kawalan ng tulog base na rin sa anyo nito.

"Maraming salamat, Benjie" na tango lamang ang isinagot.

Bigla kong naalala ang mag iina ko!

"Nasaan ang mga bata? Kumusta na si Avery? Okay lang ba sila?" sunod-sunod kong tanong at ng akma akong babangon at agad ako nitong pinigilan.

"Ligtas ang mga bata,sir. Si maam Avery naman po ay..." halos hindi ito makatingin sa akin.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang lagay ng asawa ko!" hindi ko mapigilang pagtaasan ng boses.

"Tang ina, sabihin mo sa akin!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong bumangon at agad tinungo ang pinto.

Agad akong pinigilan ni Benjie."Sir, hindi pa po kayo magaling" ngunit sinamaan ko lamang ito ng tingin na agad naman itong napayuko.

Naknang pusang bakla, asawa ko pinag uusapan dito, uunahin ko pa ba sarili ko?!!

Wala akong sinayang na sandali at agad kong pinuntahan ang information desk at tinanong ang numero ng silid ni Avery at daig pa si The flash na sumugod papasok.

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon