Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Avery Anne habang nakatayong nakatanaw sa malawak at maingay na syudad.Katulad ng buhay ko ang syudad na ito; siksikan, magulo, mausok. Yung tipong kinakailangan mong makipag balyahan para makausad. Idagdag pa ang tila walang hanggang traffic na aabutin ka ng isang sentenaryo bago makarating sa iyong destinasyon.
Yung traffic sa buhay ko na tila abutin ng ilang daang taon bago makaalis. Kailan ko kaya maabot ang aking destinasyon- kaligayahan at kapayaan. Dahil mapasa hanggang ngayon ay binabalot pa din ako ng karimlan ng aking nakaraan.
Ilang buwan na din magmula ng ipamukha sa akin ng aking mga kaibigan kung gaano ako kawalang kwentang asawa at ina.
Hindi mawala wala sa isipan ko ang sinabi ni Chris. Lagi along binabagabag nito.
Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Oo aminado naman akong nabulag ako ng galit ko kay Zachary to the point na pati ang anak namin ay kinamumuhian ko. Ang hirap lang kasi, alam mo yun,; minsan iniisip ko kung nagkataong hindi ako nagpakalasing nuong birthday ni Neri aabot ba ako sa ganitong sitwasyon? O kung nagahasa nga ako pero hindi ako nabuntis magiging kami pa din kaya ni Duncan? Papakasalan niya pa din ba ako kahit marumi na ako? Yung sa araw araw andaming what if's sa buhay ko na nakakadagdag sa galit ko sa aking asawa.
Zachary Montreal. My husband.
Kung itsura lang naman ang pag uusapan aasahan mong sa ratings na 10 ay hindi ka magdadalawang isip bigyan ng 20. Mula buhok hanggang dulo ng daliri sa mga paa ay napakaperpekto.
Teka nga!! Bakit ngayon ko lang naappreciate ang asawa ko?.
"Tsk!! Syempre galit mo sa kanya to the 9th power diba?!!!" sita ng demon side ko.
Zachary is wellknown ruthless multi- billionaire. Namamayagpag sa larangan ng negosyo sa edad na bente otso. Nagmamay ari ng airlines, ibat ibang plantasyon at kumpanya.
Kung tutuusin after siya nitong pwersahin at kahit pa nagbunga ang kalapastangan niya ng gabing iyon pwede namang hindi siya nito panagutan o kahit sustentuhan na lamang ang anak nila.Sa loob ng apat na taong pagsasama nila ay hindi niya ito nakitaan ng kagaspangan ng ugali o ng kung anupaman. Sa kabila ng napakalamig niyang pagtrato ay hindi pa rin ito nagbabago.
Napabuga ako sa hangin. Paano ko sisimulan ang magpaka ina at maging asawa? I don't know. Wala akong alam. Wala akong ideya. Sa apat na taon ni hindi pa nga kami nakapag usap ng maayos ni Zachary.
Tumingala ako at humugot ng hangin.
I want to fix our marriage. Our family. Ayoko kong mawala ang mag ama ko.
I still don't know papaano simulan.
Like,
"Zachy, sorry sa mga nangyari at mga nagawa ko in the past year I hope mapapatawad mo pa ako. I want us to start anew. Ikaw, ako si Alexius bilang pamilya ". Shet! parang ang awkward! After four years ng kasamaan ko sa kanila ganoong linyahan lang sasabihin ko.. ? Baka pagtawanan lang ako ng asawa ko.
Alingawngaw ng telepono ang gumising sa naglalakbay na diwa ng dalaga.
Kinuha ko ang telepono at tiningnan kung sino ang tumawag.
" Yaya, napatawag ka?" bungad ko.
"M- ma'am A-avery, nandito po ako sa eskwelahan ni Alexius , ma'am mag tatatlong oras na po ako dito hindi ko po siya mahagilap ma'am ". utal utal na salita ng yaya ni Alexius marahil ay dulot ng takot at pag alala.
Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib.
" Alam na ba ito ni Zachary yaya?" Usisa ko. Asan na kaya ang lalaking iyon at tila walang pakialam sa kung ano ang nangyayari sa anak nito.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...