TBB-8

3.5K 83 8
                                    


Mahigit dalawang linggo na magmula nang magka engkwentro kami ni Neri at araw din na nagka ayos na kami ni Alexius. Pero wala pa din si Zachary. Mag iisang buwan na ito sa Singapore.

Napasandal ako sa aking swivel chair sa opisina at marahang hinilot ang aking sentido. Mariing ipinikit ang mata at pilit iwinawaksi ang mga negatibong iniisip. Ayokong guluhin ang aking isipan sa mga bagay bagay na walang pruweba.

Tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at tiningnan ang caller. Napangiti ako. Timing talaga at kailangan ko din ng kausap. Sinagot ko ang kanyang tawag.

" Bitch".. bungad ko.

" Shuta lang!! Wala lang man ba good morning or hindi kaya kamusta ka?" ngalngal na sagot ng isa sa mga bestfriend ko, si Cris.

" Duh.." at inikot ang aking mata na tila nasa harap ko lang ito. " Ano na namang kailangan mo?".

" Labas tayo mamayang gabi" aya nito.

Inikot ikot ko ang ballpen na hawak ko sa aking mga daliri. Gusto ko ding magrelaks kahit saglit. At magandang ideya nga ang sumama sa mga bruhildang ito.

" Okay " sagot ko nalang.

"Tsee! Kunwari pang nag aalanganin eh alam ko namang miss mo na lumabas ilang linggo ka na ding hindi nakakagala ah." at agad nitong pinatay ang tawag.

Walang hiya talaga itong mga kaibigan kong ito. Yung tatawagan ka tapos sa huli bababaan ka ng tawag. Tsk.

Tinapos ko na lamang ang mga papeles kong kinakailangan matapos agad. Pinirmahan ang dapat pirmahan at kung ano ano pang mga dokumentong kinakailangang ireview at busisiin.

Ganuon ko tinapos ang aking maghapon. Sinipat ko ang pambisig kong relos. Pasado alas syete na pala ng gabi. Masyado ko atang isinubsob sa trabaho ang isip ko kaya nawala ang atensyon ko sa oras.

Tatlong katok sa pinto ang narinig ko kasabay ng pagsungaw ng ulo ni Clarie ang aking sekretarya.

"Ma'am , dinner niyo po" imporma nito sabay taas ng hawak nitong pagkaing naka plastic na may tatak ng kilalang restaurant.

" Okay. Thank you Carie..mag dinner ka na din" wika ko sa kanya.

" Opo ma'am " magalang naman na sagot nito.

" Ahm Clarie, after kong mag dinner..mag a out na ako ligpitin mo nalang ang mga gamit at umuwe ka na rin okay" paalam ko dito. Mga eight thirty kami magkikitang magkakaibigan gaya ng usapan.

" Okay po ma'am " at umalis na ito sa loob ng opisina at bumalik sa table nito.

Ako naman ay pilit tinatapos ang pagkain dahil alam kong mapapalaban ako sa alak mamaya kaya kinakailangang may laman ang aking tiyan kahit papaano.

Limang minuto makalipas ang alas otso ng gabi at tapos na akong kumain. Sandali lamang akong nag  retouch at lumabas na ng opisina.

Habang nasa elevator,  kinuha ko ang aking cellphone at tinext  si Yaya Tina.  Baka sakaling hanapin ako ni Alexius  or hindi kaya ay hintayin bago matulog. Hindi ko na hinintay na makapag reply pa ito. Isinilid ko na sa aking dalawang pouch ang aking cellphone.

Ilang saglit pa ay huminto  na ang elevator at bumukas, taas noo akong naglakad papuntang parking lot, kinuha ko ang susi sa aking bag at binuksan ang aking kotse.

Ilang sandali pa ay binabaybay na ng aking sasakyan ang daan patungong  Happy Midnight,  isang kilalang bar sa lungsod.

Iniopen ko ang stereo para kahit papano at hindi mabagot  sa  biyahe. Pumainlang ang kantang  " Binalewala".

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon