Mabilis pa sa pinakamabilis na salitang nilisan nilang magkakaibigan ang Happy Midnight. Hindi naman nagpa awat ang kanyang mga bitches na mga kaibigan. Sinamahan pa rin siya ng mga ito.
Lulan ng kotse ng kaibigang si Chris, binabaybay na nila ang daan pauwe sa mansyon ng asawa. Ito na din ang nagpresintang magmaneho at hindi na rin siya pinayagang magmaneho sa lagay niya ngayon.
Sa backseat niya na piniling umupo katabi si Mitch at katabi naman ni Chris si Che. Pagpasok pa lamang ng sasakyan ay ramdam na ang tensyon sa atmospera. Walang gustong mag bitaw ng salita para basagin ang tila pinaglalamayang katahimikan.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko at pinili na lamang idako sa labas ng sasakyan ang aking atensyon. Andaming mga eksena ang pumapasok at gumagambala sa aking guni guni. Samut saring emosyong hindi ko mapangalanan ang sumusundot sa aking puso at konsensya. Hindi ko alam. Wala akong ideya kung bakit ganito na lamang ang kabang nararamdaman ko.
Andaming what if's akong nakikinita.
'What if sumusuko na si Zachary? '
'What if napagod na ito sa uri ng relasyong meron kami kaya nakipagrelasyon na ito sa ex niya?'
' What if iiwan niya na ako dahil mayroon ng nagpapasaya sa kanya?'
Halos manikip ang aking dibdib sa mga eksenang dumadalaw sa aking isipan.
Hindi ko kaya.
Huli na ba ako?
Tuluyan na ba akong ipinagpalit?
"Ave, message mo na lang ang Yaya ni Alexius para aware siyang darating tayo" untag ni Mitch na siyang nagpabalik sa lumilipad kong diwa.
Dali dali kong kinuha ang aking cellphone sa pouch kong hawak. Pagkabukas ko pa lamang ay tumambad na ang napakaraming misscalled ni Yaya. Maya maya pa ay isa isa ng nag pa pop ang mga messages nitong pinadala.
Yaya Tina:
'Ma'am Avery, 7pm po magsisimula ang birthday party ni Alexius'.
'Ma'am, naka set na po lahat. Pinapatanong ni Alexius kung anong oras ka daw po darating maam.'
Sunod sunod ang mga mensaheng natanggap ko. Ang oras ng mga replied at ilang minuto lamang ng imessage ko si Yaya. Sana hinintay ko pala ang reply nito eh di sana anduon ako sa pagsisimula ng party ni Alexius. Pang 4th birthday na nitong wala man lang ang presensya ko.
Naramdaman ko na naman ang paninikip ng aking dibdib. Sa apat na taon hindi man lang naranasan ng anak ko ang magdiwang ng kaarawan na buo at magkasama ang kanyang magulang. May kung anong uri ng patalim ang tila humihiwa sa aking dibdib.
Iniscroll ko pa ang mga mensaheng galing kay Yaya.
Yaya Tina:
' Ma'am, makakahabol pa po ba kayo maam? Magsisimula na po kasi at hinahanap na din po kayo ni Alexius '.Nakaramdam ako ng galit para sa sarili ko. Bakit sobrang selfish ko? Bakit yung sakit lang na nararamdaman ko ang iniisip ko? Bakit hindi ko naisip ang mga taong nasa paligid ko na apektado at nasasaktan din sa mga nangyayari sa amin, lalong lalo na ang anak ko. Isang musmos na dahil sa pagiging makasarili ng ina nito at inang nagpalamon sa galit at poot mula sa bangungot na kahapon ay hindi man lang naranasan ng munting paslit ang magkaroon ng masayang pamilya na binubuklod ng respeto at pagmamahalan. Paslit na naipit sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang.
Tumingala ako para pigilan ang panunubig ng aking mga mata. Sa loob ng napakahabang panahong pinili kong maging manhid at matigas, ngayon na yata ako sinisingil ng aking mga maling nagawa.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...