Medyo tumahan na si Alexius sa pag iyak ngunit ako at si Yaya Tina ay patuloy pa ring umiiyak na tila hindi na yata nauubusan ng luha ang aming mga mata.
Naninikip pa din ang aking dibdib dahil sa sinabi ng aking anak. Hindi ko lubos maatim na kung paanong sa kanyang murang edad at ganuon na ang kanyang naisip. Ganoon na ba ako ka walang kwentang ina?God! Napahilamos ako sa aking mukha na patuloy pa din sa pagmamalisbis ang aking walang kaubusang luha.
Ganoon na ba ako kasama na tila mas gugustuhin pa ng anak ko ang mamatay?
Para maging masaya na ako? Para hindi na ako magalit sa daddy niya? Fuck!! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nangyari nga iyon kay Alexius dahil lang sa kagustuhang maging malaya na ako sa sakit mula sa bangungot kong kahapon.
Mas lalo pang lumakas ang aking hagulgol , hindi ko na kayang pigilan. Kahit lumuha pa man ako ng dugo ngayon hindi ko na maibabalik ang nakaraan, ang lahat lahat! Andami kong nasayang na panahon dahil pinangibabaw ko ang aking poot, pagkamuhi at galit kay Zachary to the point na pati si Alexius na walang ka alam alam sa nangyari sa amin ng kanyang ama ay sobra sobrang apektado.
Hilam man ng luha ang aking mga mata, tiningnan ko ang aking anak na sumisinghot singhot pa din at sobrang mapula ang mga matang namumugto na sa kakaiyak.
"B-baby?" naiilang man at garalgal ang aking boses ay tinatawag ko parin ito. Medyo nagulat pa siya at napanganga dahil sa pagtawag ko sa kanya ng sa kauna unahang pagkakataon.
Ramdam ko ang kasiyahan sa mukha ng aking anak. Mabilis niya akong niyakap gamit ang kanyang maliliit na braso.
"M- mommy? Hindi na po kayo galit sa akin?" inosenteng tanong pa nito.
Umiling ako kasabay ng pagpunas ko sa kanyang mga luha.
Itinaas din nito ang malilit na kamay at inilapit sa aking mukha. Kasabay ng pagpunas ng kanyang mga maliliit na daliri sa aking mga mata ay ang hindi ko na napigilang emosyon. Niyakap ko ito ng mahigpit kasabay ng paglakas pa ng aking hagulgol. Dinig ko din ang walang patid na iyak ni Yaya Tina sa aming tabi.
Labis labis na kirot sa aking puso ang aking naramdaman habang nakayakap kay Alexius.
Ito ang unang pagkakataong niyakap ko siya. Ramdam ko pa din ang paghikbi nito ngunit nanatili pa din itong nakayapos sa akin.
Ito pala ang pakiramdam ng isang ina habang yakap ang anak? Apat na taon kong ipinagkait sa sarili ko yun! At higit lalong apat na taon kong tinikis at sinisisi ang aking anak, at sa loob ng mga taong iyon ay araw araw itong nangungulila sa yakap at pagmamahal ng isang ina.
Inilayo ko saglit si Alexius sa akin. Gamit ang aking mga kamay hinawakan ko ang kanyang maliit at inosenteng mukha. God! Ngayon ko lang natingnan mg maayos ang aking anak, ng normal na tingin at hindi gamit ang mga nanlilisik kong mga mata.
My son is handsome. Napangiti ako sa habang nakatingin pa din sa kanya habang nakatingala pa din ito sa akin na tila naguguluhan sa aking ina akto. Ngayon ko lang napagmasdang maigi at napag aralan ang kanyang itsura. Walang mintis ang pagiging dugong Montreal ni Alexius. Mula sa kulay tsokolate nitong mga mata, matangos na ilong , makapal na kilay at mapupulang labi ay nakikinita ko ang batang Zachary. Napairap ako sa kawalan ng marealize na wala man lang namana sa akin ang anak ko. Matris lang yata tanging naiambag ko.
"Hindi na galit si Mommy baby" nakangiti kong sagot sa kanya.
" Sorry sa lahat ng mga nagawa ni mommy sa iyo huh? " wika ko na punong puno ng pagsisisi.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...