Ngayong araw ang labas ni Avery sa hospital kaya nagprisinta na akong ako ang susundo. Iniwan ko na lamang si Alexius sa penthouse dahil ayaw ko ring istorbuhin ang tulog nito. Andoon rin naman si Benjie kaya kampante na ako bukod pa sa mahigpit na seguridad sa buong gusali.
Habang daan, hindi ako mapakali. Alam mo iyong pakiramdam na aakyat ka ng ligaw sa babaeng napupusuan mo? Tapos alam mong may istriktong magulang at may mga barakong kapatid? Higit pa roon yong kabang nararamdaman ko habang papalapit ako sa hospital.
Medyo malayo pa ako sa mismong entrance ng gusali ay tanaw ko na ang babaeng pinakamamahal ko kasama ang dalawa nitong itinuturing na kapatid. Pero sa dalawang iyon ay mainit ang dugo ko kay Lojan dahil madalas ko itong nahuhuling nakatitig kay Avery at alam ko ang kahulugan ng mga titig na iyon.
Dahil ganuon paraan ko titigan ang asawa ko. Ang babaeng nagtataglay ng aking apelido. Ang babaeng bukod tanging pinapangarap kong maging ina ng mga anak ko. Ang ina ni Alexius.
Lulan na kami ng kotse ko at tinatahak ang daan papuntang penthouse. Ipinaalam ko namang nais ni Alexius na magkaroon ng oras para sa kanilang mag ina na kahit sa ganuong paraan lamang ay mapalapit silang muli makalipas ang mahigit apat na taon.
Hindi ko mapigilang hindi mapasulyap sa katabi ko habang kalong si Alexius. Mukhang hindi lamang nito iniinda ang bigat ng anak namin.
Anak namin. Ang sarap sa pakiramdam.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at ginanap ang kanyang kamay. Nakakaliyong elektrisidad ang aking naramdaman ng magdikit ang aming mga palad. Hindi ko maiwasang dampian ito ng pinong halik.
" I love you. I always do." Buong puso kong bigkas habang matamang nakatitig sa kaniya at kay Alexius na masayang nakatunghay sa amin.
Hindi ko na pinakawalan pa ang kamay nito. Na tila ba kapag binitawan ko ay maglalaho na rin ito sa paningin ko. Sa buhay ko.
Hanggang sa natanaw ko na ang kubo na tinitirahan nila. Nauna na akong bumaba at mabilis na pinagbuksan ng pinto ang mag ina ko. Kuntudo alalay pa ako kay Avery na hanggat maari ay ni galos ay ayaw kong maranasan niya.
Andami niya ng sakit at pait na dinanas. Nang magtagpo ang landas namin ay pinangako kong lahat gagawin ko maprotektahan lamang ito at ang aming mga anak. Hindi ko pa man alam ang kung ano ang totoong nangyari sa kaniya, malakas ang pakiramdam kong pinahirapan siya ng husto kaya umabot sa puntong nawalan na siya ng memorya.
"Maaammmaaaa!!!" matinis na sigaw ng batang babae ang umagaw sa lumilipad kong isipan habang si Avery naman ay muntikan pang mabuwal kong hindi ko naagapang saluhin.
"Namiss kita ng sobra mama!. Sabi nina Tito Lojan at Tito Shahad ay hindi ka raw po okay, pero ngayon mama, okay ka na po ba?" rinig kong tuloy na tuloy na usisa ng batang makulit na dumaluhong kay Avery.
Wait!. Mama? Si Avery?
May bagong pamilya na si Avery?
No! It can't be!!
Kaya hindi ko napigilan at tumikhim ako para kuhanin ang atensyon nilang 'mag-ina'.
"U-uhmmm!"
Yumuko ito at binuhat ang makulit na batang babae.
" U-uhmmm...si Franchescka Alexie, anak ko" rinig kong pagpapakilala nito sa buhat-buhat nitong bata na marahil ay nasa tatlong taong gulang.
Halos lumuwa ang mata ko ng tuluyang humarap ang makulit na bata!
No!!
"She looks like me!!" halos panabay pa naming sambit ni Alexius na halos hindi rin makapaniwala sa nasaksihan!
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...