TBB-30

3.3K 77 36
                                    


WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE AND MATURE CONTENTS THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READER/S. READER DISCRETION IS ADVICE.

Sadyang sa buhay natin, hindi lahat ng mga ninanais natin ay magiging totoo o ating makakamtan.

Sa patuloy na pakikibaka para sa araw- araw ay marami tayong makakasalubong- maaring makatulong o magiging pabigat at pasanin. Maraming pagkakataon na magugulat na lamang tayo sa nangyayari sa ating buhay. Mga pangyayari na minsan hindi natin inaasahan o ni sa bangungot ay hindi natin na- iimagine na maranasan.

Ang maayos kong buhay ay biglang nagulo pagkatapos ng birthday ni Neri. Pilit kong kinakalimutan pero sa bawat sandali ay hinahabol ako ng mga ala-ala ng bangungot na iyon. Pilit kong nililibang ang sarili ko sa pagbabakasaling matakasan ko ang sakit at ang pandidiri para sa sarili ko.

Iyon ang akala ko.

Dahil after a month, halos isumpa ko ng nabuhay pa ako sa mundo. Halos murahin ko na ang lahat ng puwede kong murahin dahil sa sobrang frustrations na nararamdaman ko. Who wouldn't be?

I am freaking pregnant with that Zachary the rap*st Montreal!!

Halos hindi ko alam ang gagawin ko ng mga sandaling iyon. Tila tumigil ang pag inog ng aking mundo. Tila pakiramdam ko ay isinumpa ako ng tadhanang maranasan ang lahat ng pait at sakit.

Ano bang mga naging kasalanan ko at tila lahat na yata ng kamalasan sa mundo ay sinalo ko na? Sobrang sama ko ba para maranasan ko ang lahat ng ito?

I opened up my problem sa mga besties ko, lalo na kay Neri at 'yung moment na narinig niya ang balita ko ay halos hindi ito makapaniwala!

"But why? How did it happened?"

Iyon halos ang narinig kong tanong sa kanila. Sino bang maniniwala na ang isang respetadong bilyonaryo ay isa palang rap*st? Lalaking halos sambahin ng lahat at halos taglay na ang lahat ng katangiang pinapantasya ng mga kababaihan.

"But, Kuya Zachary is getting married next month!" halos tumaas na ang boses ni Neri. Samantalang sila Gail, Che, Chris at Imee ay nasa tabi ko at patuloy akong inaalo. Naiintindhan ko ang mga litanya ni Neri, sino nga ba ako kumpara sa kuya niya, diba? Natural na mas papaniwalaan niya ang kapatid niya kesa sa akin na kaibigan niya lang.

"Maybe you seduced my brother because you like him! At sinadya mong magpabuntis para hindi matuloy ang kasal nila!" Malakas pa nitong sigaw at halos duruin na ako.

Halos hindi ko naisip na aabot kami sa ganitong sitwasyon. Gusto ko siyang intindihin dahil alam kong pangalan ng pamilya nila ang nakataya sakaling lumabas ang eskandalo.

Pero paano naman ako, papayag na lang ba akong apak apakan at mamaliitin? Bakit parang sa tono ng pananalita nito ay parang kasalanan ko pa?

I am getting married to next month! And my friends knew it, especially Neri. Tapos sasabihin niyang seniduced ko ang kuya niya!

Hindi ko napigilan ang sarili kong sampalin siya habang namamalisbis ang luha sa aking mga mata. Hindi ko gusto ang ginawa ko sa kaibigan ko pero ayokong ganun ganun na lamang nila akong pagsalitaan!

The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon