Zachary's P.o.v.Maraming araw, linggo at buwan na ang nakakalipas ngunit hindi pa rin nagigising si Avery. Halos hindi na ako mapalagay. Walang sandaling hindi ako nag aalala. Maraming mga agiw na pangyayari ang minsan pumapasok sa utak ko pero pilit kong inaalis.
Alam kong lalaban pa ang babaeng mahal. Lalaban pa siya para sa amin ng mga anak niya. Babawi pa ako sa kanya. Sasamahan niya pa akong tuparin ang mga pinapangarap ko sa aming dalawa.
Hindi ko maiwasang mapaluha habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa hospital bed habang may ibat-ibang mga makinang nakakabit sa kanyang katawan.
Kasalanan ko ang lahat ng ito. Ako ang naging dahilan kung bakit nasa ganitong sitwasyon siya ngayon. Pero tao lang ako, nagmamahal- kahit hindi kamahal mahal ng taong aking minamahal.
Mali bang magmahal?
Mali bang mahalin at angkinin ang taong minamahal ng iba?
Kung kasalanan man ang agawin siya, angkinin at itali sa pangalan ko, handa akong tanggapin kahit ako na ang magiging pinakamakasalanang tao sa mundo. Mahalaga akin na siya- akin na siya ngayon. Napahagulgol ako dahil sa kaisipang iyon. Wala na akong pakialam magmukha man akong siraulo habang tinitingnan ng personal nurse ni Avery.
Iniusog ko ang aking upuan malapit sa kama ng babaeng aking pinakamamahal. Sinigurado ko munang hindi ko siya masasagi sa mga bahaging alam kong delikado lalo na sa bandang puso nito.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na namumutla na. Pinisil-pisil ko para ipadamang nandito lang ako-palagi lang akong nandito. Tinitigan ko ang maamo nitong mukha na may bakas ng kapaguran. Hindi ko maiwasang hindi haplusin ang mukha ng babaeng unang sulyap ko palang ay alam kong siya na ang kasama kong tatanda.
Ang ganda niya talaga. I've been into a lot of women bago ko siya nakilala but among those, Avery is different- far, far different sa mga babaeng nakilala ko even Cathyrine. Masisi niyo ba ako kung naisipan kong idaan sa dahas ang lahat makuha lang ang babaeng ito- hindi lang ordinaryong babae para sa akin, dahil ang babaeng ito ang mundo ko, ang buhay at hininga ko.
Hindi ko maiwasang mahabag habang hawak ang palad nitong may makapal na kalyo- palatandaan ng mga hirap na pinagdaanan nito sa buhay. At the same time sobrang nakaka proud dahil sa kabila ng lahat ng mga unos na dumating sa buhay niya- hindi siya sumuko, hindi siya napagod makipaglaban sa mga hamon ng buhay.
"Palangga, miss ka na namin. Miss ka na ng mga babies natin. Miss na miss na kita palangga ko. Please, come back to us na" may pagmamakaawa sa aking boses habang sinasambit ang mga katagang iyon habang umaagos ng walang impit ang aking mga luha.
Kahit gaano ka pala katatag, gaano ka pa katapang kapag nasa ganitong sitwasyon ka ay mawawalan ka ng lakas ng loob. Nakakapanghina. Nakakapanlumo.
Ayon sa libro ni Ehnna Bicodo, isa sa paborito kong writer, na kapag ang lalaki ay umiiyak o nasasaktan- nangangahulugan lamang na busilak ang puso nito, totoo ang nararamdaman nito para sa taong kanyang minamahal. Isang katapangan at nakakahanga ang umiyak, dahil kadalasan sa mga lalaki pinipiling kimkimin ang lahat ng sakit na nararamdaman dahil takot silang mapagtawanan- dahil para sa karamihan kahinaan at kabawasan bilang lalaki ang umiyak dahil sa pag ibig. At ngayon, napatunayan kong tama nga si Ehnna, it takes a balls for us na ipakitang nasasaktan na tayo. Babae o lalaki man pareho lang tayong tao- may kahinaan, may damdamin na puwedeng masaktan kaya normal lang ang umiyak, normal lang maging mahina.
"Mahal na mahal kita, langga. Mali man ang naging simula natin. Inagaw man kita sa lalaking pinangarap mong makasama habang buhay, pero wala akong pagsisisi. Mahal kasi kita. Handa kong gawin lahat ng imposible na maging posible kung ikaw naman ang kapalit. Kaya please, langga. Tama na ang pahinga. Apat na buwan ka na diyan nakahiga. Hindi ka ba napapagod? Hindi ba nangangawit ang iyong likod? Miss ka na namin lalo na ng mga bata" madamdamin kong wika kasabay ng patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
Roman d'amourZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...