"I miss you too".
Hindi ko alam pero kusa na lamang namutawi sa aking mga labi ang mga katagang iyon.
Naramdaman kong pansamantalang tumigil sa paghalik si Zachary pero nanatili pa rin ang mga kamay nitong nakahawak sa aking pisngi.
Halos gusto ko na lamang magpalamon sa lupa sa uri ng pagtitig nito. Na para bang inaarok maging ang kaloob-loobang bahagi ng aking pagkatao. Na sa sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa ay halos maduling na ako!
"Anong sabi mo?" parang hindi pa rin makapaniwalang tanong nito sa akin.
Oh, good God! Kunin mo na ako, now na! Paano ko ba sasagutin ang tanong niya kung ganito kalapit ang mukha niya sa akin?
Kailangan ba kapag ganitong usapan, nakakandong ako sa kanya while may pahawak sa pisngi at ako ay nakapangunyapit sa kanyang leeg? Yung hindi ko alam kung sasagot ba ako o kung itutuloy ko 'yung naputol naming kissing scene!
Ibinaling ko sa kabilang direksyon ang aking paningin dahil hindi ko kayang makipagsukatan ng tingin sa kanya. Pero mas lalo lamang niya akong idinikit sa kanya gamit ang isang kamay nito habang ang isa ay nananatiling nakahawak pa rin sa aking pisngi.
"Langga.... hmmm?" ungot pa nito na tila naiinip na sa isasagot ko. "Ano nga ulit 'yung sinabi mo?"
Napayuko ako ng nagpupumilit pa rin siyang sagutin ko ang kanyang katanungan.
"I-I miss you too" nahihiya kong sagot habang nakayukong kinukutkot ang aking mga daliri.
"Oh, God!"
Tanging reaction nito at mabilis akong niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na tila ayaw na akong pakawalan. Kaya, hindi na rin ako nagdalawang isip na yakapin ito pabalik.
"Sobrang saya ko,langga. Sobra." wika pa nito at ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pagyugyug sa aking balikat.
Napatingala ako upang pigilan ang pamamalisbis ng aking luha. Hindi ko alam, wala akong maalala pero pakiramdam ko totoo ang lahat at ang mga eksenang ito ay tila pinanabikan kong mangyari. Hindi ko maintindihan, hindi ko maipaliwanag pero isinisigaw ng puso ko ang kakaibang emosyon. Emosyong hindi ko masasabing bago ko lamang naramdaman.
"I love you, langga." wika nito at hinarap ako. "I love you, sobra. Araw- araw kong ipagpapasalamat sa Diyos na nakilala kita. Ikaw ang babaeng bumuo sa akin. Ikaw ang nagpalasap ng sakit at pait kung paano magmahal pero sa'yo ko rin natagpuan at nalasap ang tamis at sarap ng ng umibig. Sobrang mahal na mahal kita na ikamamatay ko na marahil kung sa ikalawang pagkakataon ay mawalay ka. Please, langga. Huwag mo na akong iwan, hindi ko na kakayanin" pakiusap nito habang nakatunghay pa rin sa akin. Hawak pa rin ng kanyang mga kamay ang aking pisngi habang nakikipagtitigan, hindi alintana ang mga luhang namamalisbis sa kanyang mga pisngi.
Parang sinasaksak naman ng patalim ang aking puso habang nakikita ko kung paano umiyak si Zachary. Sobrang swerte ko at may isang Zachary Montreal na umiiyak at nakikiusap na huwag kong iwanan. Sobrang nakakataba ng puso bilang babae na may isang lalaking hindi mahihiyang ipakita ang kahinaan nito.
Sabi nila, kapag iniyakan ka ng lalaki, ibig sabihin sobrang seryoso niya sa'yo o sobrang special mo sa kanya.
Hindi ko na napigilang umiyak ng hinarap ko si Zachary. Tila may sariling utak ang aking mga kamay na dahan dahang umangat patungo sa nga pisngi nito at kusang tinuyo ang kanyang mga luha.
"Z-Zachary, hindi ko alam paano ko sasabihin o ipapaliwanag. Kahit walang naalala ang isipan ko, pero pakiramdam ko at dinidikta ng puso ko na mahalaga ka. Hindi ko alam kung ano ang kwento nating dalawa, kung paano tayo nagsimula at kung paano tayo humantong sa ganitong sitwasyon pero iisa lang ang alam ko, kilala ka ng puso ko". wika ko habang patuloy pa rin sa pag agos ang aking mga luha.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...