WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE AND MATURE CONTENTS NOT SUITABLE FOR YOUNG READER. READERS DISCRETION IS ADVICE.
Tama nga sila. Lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng saya, sa dulo ay sakit, pighati at pait.
Ganoon na ba ako kasama para ipagkait ang maging masaya?
Pagod na akong kumanlong sa bangungot kong kahapon.
Inaayos ko na ang bawat gusot. Tinatama ko na ang bawat pagkakamali.Gaano ba kahirap maging masaya?
Ano pa ba ang mga dapat kong gawin para tuluyan ko ng mabuo ang aking pamilya?
Andami kong tanong sa sarili ko habang nakatingin sa babaeng nakatayo sa dahon ng pinto ng silid ni Zachary habang nakatutok ang hawak nitong baril sa aking sentido.
Isang maling galaw at katapusan ko na. At hindi ko hahayaang mangyari yun. Paano na ang anak ko? Paano na si Zachary? Kailangan kong ipakitang malakas ako at hindi natatakot.
" Ano bang kailangan mo, Cathyrine?" Lakas loob kong tanong kahit nakakaramdam na ako ng kaba dahil sa malamig na bagay na mas dumidiin pa sa ulo ko.
" Gusto kong layuan mo ang mag-ama ko, Avery!! Akin sila!" Gigil nitong sagot na mas diniinan pa ang pagkakatutok ng hawak nito sa ulo ko.
" Huwag kang mang angkin ng hindi sayo Cathyrine... wala ng kayo". Pauyam kong sagot na mas lalo nitong ikinagalit.
"Punyeta kang babae ka!! Ikaw ang sumira sa relasyon namin ni Z! Ako dapat ang asawa niya at ina ng anak at magiging anak pa, pero dahil sayo nawala lahat ng iyon! Ang mga pangako namin sa isat isa, ako ang pinangakuan niya ng kasal pero dahil sa kalandian mo, iniwan niya ako para sayo!!" Nanggagalaiti nitong sigaw at mabilis akong sinampal na halos ikatabingi ng aking ulo.
" Akin lang sila Avery! Akin lang! " At muli na naman akong sinampal.Hawak hawak ko ang nasasaktan kong pisngi na alam kong sa mga oras na ito ay namumula na.
Oo. Aminado akong ako ang dahilan kaya hindi siya ang pinakasalan. Ako ang dahilan kung bakit siya tinalikuran ni Zachary. Kung bakit ako ang pinili nito. Pero hindi ko lahat yun ginusto!
Natatandaan kong after ng insidente ng araw na iyon ay siya ring araw na tinapos ni Zachary ang relasyon nito sa long time girlfriend/ fiance nito, na si Cathyrine.
The next day ay ang araw na kinausap ko si Dylan tungkol sa nangyari sakin at nagbabakasaling tanggapin niya pa ako. Ngunit halos pandirihan niya ako pagkatapos kong maisalaysay sa kanya ang nangyari. At sa mismong araw na yun natapos ang halos pitong taon naming pinagsamahan.
Pero bakit sakin nakabunton lahat ng galit? Biktima lang din ako!
Akma na naman ako nitong sasampalin ngunit mabilis ko ng sinalag.
" Walang iyo, Cathyrine.." Nakangiti kong wika habang nakakuyom ang mga palad sa magkabila kong gilid.
"Oo. Minsan siyang naging iyo pero sa akin na siya ngayon! So move on! Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo!!" Malakas kong sigaw sa kanya.
Bakit ba may mga exes na hirap mag move on?
Tulog ba sila nung nagpaulan ng salitang " MOVE ON"?
Ang mga exes talaga ang madalas reason ng mga hiwalayan. Bakit hindi nalang kaya sila maging masaya sa bagong pag ibig ng mga exes nila?
Because of regrets?
Kasi nakikita nilang masaya na yung tao sa bago nilang pag ibig kaya gusto nilang siraan kahit nagmumukha na silang mga desperada?
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...