ZACHARY P.O.V.
Pilit kong inaabala ang sarili ko sa pagbabasa ng mga dokumentong naka hilera sa aking mesa.
Mga reports mula sa iba't ibang head departments ng kompanya. Income reports, proposals and projects.
Tunog ng aking cellphone ang bumasag sa nakakabinging katahimikan sa loob ng opisina ko. Tanging ang tunog lamang ng aircon ang naririnig sa kabuuonan ng silid.
" Yes, Benjie" bungad ko ng makita kung sino ang caller.
" Sir, bukas po ng umaga ang schedule natin papuntang Upi para personal niyo ng mabisita ang AA mall" paalala nito.
" Okay. Private chopper nalang ang gagamitin natin para hindi masyadong mahirapan si Alexius " sagot ko.
" Sir, sigurado ba kayo na isasama niyo si Alexius?" gulat na tanong ng nasa kabilang linya.
" Masyadong malayo ang pupuntahan natin, sir" wika pa nito.
Normal lang na maging ganuon ang reaksyon ni Benjie dahil mulat sapul ay hindi ako dumadalo o pumupunta sa mga malalayong lugar lalo pa at isasama ang aking anak.
" Sigurado ako, Benjie. Alam mo namang ayaw kong mawalay ng matagal sa paningin ko ang aking anak" paninigurado ko pa.
" Okay po sir, at ipapahanda ko na ang chopper para bukas" aniya bago nagpaalam at pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga na lamang ako. Sa nakalipas na taon ay tila napaparanoid ako sa kaisipang baka pati anak ko ay mawala kaya ganuon na lamang ang higpit ko sa pagbabantay kay Alexius.
Bukod sa personal nitong Yaya na si Yaya Tina, ay may sarili itong bodyguard ngunit hindi pa rin ako kumbinsido hanggat hindi ko siya tanaw.
Tinitigan ko ang larawang nakaframe sa aking mesa.
Napakaganda niya talaga.
Sa lahat ng babaeng naging bahagi ng buhay ko, siya ang bukod tangi. Siya ang nagpabago sa lahat ng pananaw ko sa buhay.
Ang babaeng naging rason kung bakit nagawa kong magseryoso at maging responsable.
"Miss na miss na kita, langga. Paramdam ka naman oh. Apat na taon na akong nangungulila sa'yo. Alam ko, malaki ang mga pagkakamaling nagawa ko sa'yo. Sinaktan kita sa simula pa lang. Nilayo kita sa lalaking mahal mo. Pero, anong magagawa ko, sobrang mahal na mahal talaga kita eh" malungkot kong kausap sa larawan niya.
" Miss ka na rin ni Alexius, langga. Lagi ka niyang hinahanap. Lagi ka niyang kinukwento sa'kin. Ikaw na nga lang araw- araw bukambibig nun eh"
" Langga, bumalik ka na oh. Malapit na akong mabaliw. Si Alexius na lang 'yung pinagkukunan ko ng rason para magpatuloy. Langga, mahal na mahal na mahal kita. Sobra."
Hindi ko na napigil ang aking hikbi. Kusang kumawala ang emosyong pilit kong kinikimkim.
Madalas, masakit magbiro ang tadhana. Masakit na minsan susuko ka nalang kasi hindi mo na kaya. 'Yung susuko ka nalang kasi hindi mo deserve ang lahat ng mga pait at pahirap na ibinabato ng tadhana sa'yo.
Maraming relasyon ang nasisira dahil pagod ng lumaban pa minsan kinakailangang sumuko na lamang lalo na at wala ng patutunguhan. Kasi madalas, habang buong puso kang lumalaban, iba naman ang kanyang ipinaglalaban.
Then, marerealize natin na mahalaga sila, na sila ang rason kung ng kinagat kung ano ka sa ngayon, wala na sila. Hindi na natin sila abot. Hindi na natin sila tanaw.
Katulad ko, oo sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko, pero mas narealize ko kung gaano malalim 'yung pagmamahal na 'yun nuong wala na siya. Yung naglaho na lamang bigla. Walang pasabi at walang bakas ng paroroonan.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...