Natapos ang kainan na pinuno lamang ng nakakamatay na titigan sa pagitan ko at ni Cathyrine. Syempre hindi papahuli ang mga mahadera kong mga amiga na halos ilibing ng buhay ang snakey ex fiancee slash current girlfriend ng yummilicious kong ASAWA.
Ayan! Capital letters natin para dama.!
Pero hindi naman yata ramdam ni Cathyrine yun eh, kasi panay pa din ang lingkis nita kay Zachary.
Pagkatapos ng kainan ay inasikaso na ni Yaya Tina si Alexius. Nagpaalam na ding umuwe ang mga kaibigan ko dahil halos hindi na sila umalis sa tabi ko simula nang mawalan ako ng malay. Kaya hindi na ako umangal nang magpaalam ang mga ito.
Lumabas ako ng bahay at tumungo sa hardin. Tinalunton ko ang punong may naka sabit na swing. Umupo ako at iduyan ang sarili habang nakapikit ang mga mata.
Nanunuot sa aking pang amoy ang bango at halimuyak ng mga matataba at malalagong rosas at orkidyas na maayos na naitanim sa gilid na bahagi ng aking puwesto. At sa kanang gawi naman ay ibat ibang kulay ng dalia at daisies na hitik sa bulaklak na namumukadkad na siya lalong nagpapaganda as tanawin sa hardin.
Nakakarelaks ang hanging dumampi sa aking balat. Ang mga siyap ng mga ibon sa sangang bahagi ng punong kinakabitan ng swing na tila may mahikang uri ng musika sa aking pandinig.
Napangiti ako sa sarili.. ganito pala ang pakiramdam kapag nag iisa at nirerelaks ang isipan , naaapreciate maging ang kaliit liitang mga detalye ng mga bagay bagay sa paligid.
Patuloy ko lamang iniuugoy oang aking sarili habang dinadama ang kapayapaang dulot ng katahimikan. Naputol lamang ang aking pagmuni muni ng may tumikhim.
Kahit hindi ko pa man lingunin ay alam ko na kung sino ang nasa likuran ko base na din sa reaksyon ng katawan ko.
Oo. Ultimo hininga niya ay kakaiba ang dulot at hatid hatid nito sa akin.
Dahan dahan akong tumingin sa gawi niya. Matiim siyang naka titig sa akin habang ang dalawang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng suot nitong pantalon.
" H-hi" tila nag aalangan pang bati nito sa kanya.
" H-he- l-lo" gusto kong kutusan ang sarili dahil sa bulol bulol kong pag sagot.
Seriously Ave.? HELLO talaga ang sagot?
Wala akong maapuhap na salita ngayong nakatitig pa din siya sa akin. Tila ako nahihipnotize sa paraan ng pagtitig nito. Tila inaarok maging ang kadulu duluhang bahagi ng aking pagkatao maging ng aking kaluluwa.
"A-ahmmm.. can I seat Anne?" medyo nag aalangang tanong pa nito.
'Anne' .. namiss ko ang klase ng pagtawag niya sa akin sa ganoong pangalan. Halos lahat ng taong nakakakilala sa akin ay Ave or Avery ang nakasanayan.
Tanging si Zachary lang ang may kakaibang tawag sa akin. At shuta lang! Kakaibang kilig ang nararamdaman ko everytime na tinatawag niya ako.
" Can I?" untag nitong muli dahil lumilipad na naman ang aking diwa.
" O-oo naman" kahit mukhang dinadaga ang aking dibdib dahil sa presensya ng aking ASAWA ay nginitian ko pa din ito.
Halos higitin ko ang aking hininga ng walang pasakalye siyang umupo sa aking tabi.
Anak ng palakang walang ngipin! Hindi ko napaghandaan iyon!
Hindi ko alam kung uusog ba ako o hindi kasi ba naman po eh tumabi pa, sa lagay ay dikit na dikit kami at pilit pinagkakasya ang aming sarili sa swing. Kakaibang init ang hatid ng magkalapat naming mga balat. Pakiramdam ko ay sobrang init ng panahon dahil sa maalinsangan kong pakiramdam.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...