Kasalukuyang kumakain silang mag ama ng makatanggap siya ng text. Kinuha niya ang telepono at tiningnan ang mensahe.
One message from Liezel - wife's secretary:
" Sir, naideliver na po ang mga bulaklak ni Ma'am ".
Napangiti sa sarili si Zachary. It's been three years na walang mintis siyang nagpapadala ng bulaklak sa dalaga. Kahit sa ganoong paraan lamang maipadama niya kung gaano niya ito kamahal.
Sa loob ng apat na taon halos nawawalan na din siya nang pag asang mauuwi sa normal na pagsasama ang relasyon nila ng asawa. Minsan umaabot na din siya sa puntong gusto ng pakawalan ang dalaga at palayain sa kasal na kung tutuusin ay siya na lamang ang nagpapahalaga.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at napapailing na lamang ng sumagi sa isipan ko ang dahilan kung bakit nasa ganito kaming sitwasyon. Minsan naitanong ko din sa sarili ko, kung hindi ba ako nalasing noon,nagawa ko bang kontrolin ang sarili ko? Aminado naman akong unang kita ko palang kay Avery Anne nakuha na agad nito ang atensyon ko. But she's still young that time, siguro nasa disesyete anyos lang ito noon kasi halos magkasing edad lang sila ni Neri, ang kapatid ko.Tsk.tsk. Nangingiti habang naiiling na naman sa sarili si Zach. Seven years ko ding kinontrol yung nararamdaman ko kasi kung baka hindi lang si Alexius ang anak nila ngayon.
Mapait akong napangiti. Tiningnan ko ang anak kong nasa tabi ko na pinapakain ng kanyang yaya Tina.
Kung kailan nagkaroon na ako ng rason at lakas ng loob na mapasa akin siya, hindi pa umayon ang tadhana dahil nilagay niya pa sa paraang halos isumpa na siya ng dalaga. Kaya ko namang tanggapin lahat ng sakit, pisikal, verbal o kahit ano pang pananakit mula sa kanya. Kasi ganun naman talaga kasi, handa kang masaktan , handa kang magmukhang tanga mapatunayan lang kung gaano mo kamahal ang isang tao. If you really love that person, you're willing to take the risk, handa kang sumugal sa pagmamahal na walang kasiguraduhan. Walang assurance.
Noon yun eh. Kung ako lang, immune na ako sa rejections at masakit na salita ni Anne, ang hindi ko lang kaya, pati ang anak naming walang kamuwang muwang sa kung ano ang sitwasyon namin ng ina niya ay nadadamay. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang anak ko. Okay ng ako nalang. Pero andaming pagkakataon na halos saktan na physically ni Anne si Alexius.
Tumingala ako para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.
Huminga akong malalim at ibinalik ang paningin kay Alexius, ngunit na abutan kong diretsong nakatitig sa akin si Yaya Tina. Halos nanay na din ang turing ko sa kanya.
" Iho, mukhang napakalalim ng iniisip mo " wika ni Yaya Tina.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa malayo.
" Nahihirapan na po kasi ako Yaya Tina, kaya ko namang tiisin yung sakit, pero hindi ko kayang makitang nasasaktan si Alexius sa nangyayari samin ng mommy niya" nakayuko kong wika para ikubli ang mga namumula kong mata.
" Zach, iho. Apat na taon. Apat na taon mong sinubukang ayusin , kahit alam mong imposible. Sapat na iyon para magising ka sa katotohanan kahit hindi na para sa sarili mo kahit para nalang kay Alexius. Nasasaktan din ako sa tuwing sinasaktan ni Anne ang anak niyo. Magtiis ka nalang kahit kaunti.. kapag hindi mo na kaya walang masama sa pagbitaw iho, hindi ka nagkulang. Pahalagahan at mahalin mo naman ang sarili mo at ang anak mo". dire diretsong sagot ni Yaya Tina habang sinusubuan pa din ng agahan si Alexius.
" Sige po Yaya, pagbigyan ko muna si Anne baka magbago din ang lahat. Siguro nga masyado lang siyang nilamon ng galit at pagkamuhi niya kaya ganun niya kami itrato. Gayunpaman, sobrang mahal ko pa din siya. Kung sakali mang mapagod na ako, alam kong may isang taong handa ding suklian ang pagmamahal ko, at handang tanggapin si Alexius ng buong buo". garalgal kong wika. Nasasaktan ako sa kaisipang maari kaming humantong sa ganuon.
Alexius deserves to have a family. Yung totoong nagmamahalang pamilya.
At yun ang bagay na wala sa kanila.
" Why are you crying daddy? " tanong ng anak ko kaya napabaling ang tingin ko dito.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha. Fuck!! Ayaw kong nakikita ako ng anak ko sa ganitong sitwasyon. Ayokong magmukhang mahina sa paningin niya.
Dammit!! Sa tuwing napupunta sa ganitong usapan hindi niya mapigilan ang sarili.. Ang mag iina niya lang ang tanging kahinaan niya.
Pilit kong pasiglahin ang aking mukha at bumaling kay Alexius.
" No buddy, napuwing lang si Daddy." sagot ko sabay iwas ng tingin. Ayoko kong makita niya sa aking mga mata ang kasinungalingan at ang awa ko para sa sarili at sa kanya.
Naiiling din habang nagpupunas ng luha si Yaya Tina.
" Dad, love po ba tayo ni Mommy? Bakit ayaw po niyang tawagin ko siya ng ganuon? Ayaw niya po ba sa akin?" inosenteng tanong ng bata.
Parang pinipiga at sinasaksak ng napakaraming punyal ang aking dibdib.
Ang bata pa ng anak ko para magtanong ng ganoong bagay. Dahil sa isang gabing naging makasarili ako andami kong nasaktan.
" Mommy l- loves you son, always remember that okay.? Mommy and Daddy loves you always and forever." Sagot ko na halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses.
Ka lalaki kong tao pero sobra akong emosyonal sa mga bagay na ganito. Dahil ba ramdam na ramdam ko ang sakit? Who would thought that the mighty and ruthless Billionaire Zachary Montreal ay may ganitong kaek ekan sa buhay? Yung tipong sobra sobra ang yaman pero nagmamalimos ng atensyon at pagmamahal?
" Mommy always told me she don't like and she doesn't love me daddy, galit nga siya kasi buhay ako. Dad, if I will be gone, magiging happy na po ba si Mommy? Then, yan nalang po wish ko sa birthday ko Dad ayaw ko kasing galit si Mommy......."
" ALEXIUS!!!" Sabay na sigaw ni Zach at Yaya Tina. Mabilis akong lumapit at niyakap ng mahigpit ang aking anak..
Bakit pati anak ko nadadamay sa lahat ng gulo sa buhay ko?
"Lord, sa akin mo nalang ibigay lahat ng parusa huwag na sa anak ko" mahina kong usal kasabay ng hindi ko na mapigilang paghagulgol.
10-01-2020
11:23Am
Muscat,OmanMag ingat po kayong lahat na nasa Pilipinas lalong lalo na yaong mga nasa bahaging sobrang apektado ng Super Typhoon. Stay safe everyone!!
Thank you sa walang sawang pagsuporta guys. Votes and comments are highly appreciated.
-EhnnaBicodo-✍
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...