WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS VIOLENCE, VULGAR WORDS AND THEMES NOT SUITABLE FOR YOUNG READER/S. READERS DECRECTION IS ADVISED. 🔞
"Almera, huwag ka masyadong magpapagod" boses ni Nana Krizzel mula sa hardin ang umagaw sa aking atensyon habang nakatanaw sa malawak na karagatan malapit sa bahay.
"Opo, Nana. Nagpapahangin lang po ako" sagot ko habang nakatanaw pa rin sa napaka perpektong tanawing abot ng aking paningin.
Ganyan na sila Nana magmula noong atakihin ako ng sakit ng aking ulo at isinugod sa hospital. Sabi pa ng doctor ay senyales ito na unti- unting bumabalik ang mga nawawala kong memorya sa mga nakalipas na taon.
Kung ako lang, ayaw ko ng bumalik sa kung ano ako sa nakaraan. Masaya na ako. Masaya na kami ng anak ko sa bago naming pamilya.
Nakapagsimula na akong tanggapin ang kapalaran ko kasama si Franchescka. Tanggap ko na ang mga ibinatong hamon sa akin, ito na ako. Masayang namumuhay kasama ang mga taong kahit hindi ko kadugo ay hindi kami itinuring na iba. Pamilyang salat man sa karangyaan pero mayaman at siksik naman sa kadalisayan ng puso at kawang-gawa.
Gusto ko ring ibigay sa anak ko ang isang kompletong pamilya pero hindi ko alam kung paano, dahil ultimo pagkatao ko wala akong ideya. Alam kong karapatan ng anak kong malaman ang bubuo sa kanyang pagkatao- ang kanyang ama, pero wala akong alam kung sino, hindi ko alam saan ko hahagilapin.
Nitong mga nakaraang linggo ay napapadalas ang paglitaw ng mga imahe sa aking isipan pero malabo. May pagkakataong isang lalaking may malabong mukha na may matangos na ilong, mapupulang labi at may matipunong pangangatawan na nakasuot ng tuxedo, na sa tindig at pustura nito ay tila isa itong lalaking makapangyarihan at may maalwang buhay habang may katabing isang lalaking bata na marahil ay nasa edad apat na taon. Malabo ang imahe pero hindi ko maunawaan kung bakit ganuon na lang ang lakas ng pintig ng aking puso sa tuwing naiisip ko ang mga imaheng iyon.
Natatakot akong bumalik ang aking alaala. Natatakot akong balikan ang kung anuman ang aking nakaraan. Wala akong pinanghahawakang ideya sa aking pagkatao.
What if masama akong tao kaya nangyari sa akin ang lahat ng ito?
What if may gustong ipapatay ako dahil may nagawa ako sa kanilang masama?
Andami kong what if's at mga pag aalinlangang balikan ang aking kahapon.
Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa hardin. Magpapaalam lang ako kay Nana na maglakad lakad, siguro naman ay papayagan na ako nuon dahil hindi naman malayo sa bahay ang destinasyon ko. Gusto ko lang magrelaks mula sa napakaraming bagay na umuukupa sa aking kaisipan dahil nakakapagod na ring mag isip ng kung ano- anong bagay.
" Nana, punta lang po ako sa dako roon" sabay turo sa bughaw na karagatan na may mga limampung metrong layo mula sa kinatitirikan ng bahay namin.
" Sige anak, pero huwag kang lumayo at baka mapano ka, nasa mga kuya mo naman si Franchescka kaya libangin mo na muna ang sarili mo..basta huwag kang lumayo" sagot nito habang patuloy pa ring nag aayos ng kanyang mga halamang may iba't ibang kulay ng rosas, may bougainvilla, daisies, chrysanthemum, dhalias at mga matitingkad na mga sunflowers na lalo pang nagpapadagdag sa ganda ng aming munting tahanan.
Sumuong na lamang ako papunta sa dalampasigan.
Napapikit pa ako habang sinalubong at sinasamyo ang mabining ihip ng hangin na naghahatid ng kapayapaan sa paligid. Ang sarap sa pakiramdam.
Sa bawat hampas ng malalaking alon sa dalampasigan na tila bagang sa bawat paghampas nito ay maraming bitbit na suliranin kaya pagalit na bumabagsak sa mabatong bahagi ng karagatan.
BINABASA MO ANG
The Beggar Billionaire (Zachary Montreal)🔞
RomanceZachary Montreal- gwapo, wellknown multi billionaire, halimaw sa mundo ng negosyo, tagapagmana at pinapantasya ng napakaraming kababaihan. He can have everything he wants in just a snap of his fingers- that what he thought; until he meet Avery...