Hi po sa lahat sorry sa late ud. Comment kayo ah?
Just His Girl
Chapter 20-Ms. Independent
"Kuya, are you alright?",tanong sakin ni Twinkle. Kanina pa kasi akong walang imik.
"Yes. I am very okay.",nasabi ko na lang. Nasa harap na kami ng gate namin nang tumigil na rin sa wakas ang ulan.
"Twinkle mauna ka na. Meron akong nakalimutan sa school.", sabi ko.
Lumabas na sya nang wala man lang imik. Alam kong may gusto syang itanong pero di nya matanong kasi nga seryoso ako.
"Take care Kuya.",sabi nya nalang at pumasok na sa loob. Sinigurado ko munang nakapasok na sya sa loob bg mansion bago ako umalis.
Di ako matahimik. I want to be sure na okay lang talaga sya.
Flashback.
Nang malaman kong si Summer ang walang malay ay dali-dali akong pumunta sa clinic na karga-karga sya. Di ko alam kung bakit ko to ginagawa siguro dahil ganto talaga pag may nakita kang taong kelangan ang tulong mo ay tutulungan mo naman diba? Kahit lagi ka nyang inaaway. Kahit di man kayo magkaibigan.
The only thing I don't understand is why does my heart pumping so fast with the feeling of fear all over my system?
Narating na rin namin ang school clinic. Gulat nga yung school nurse kasi basang basa akong pumasok sa room na karga-karga ang walang malay na babaeng to.
Mabilis nya akong tinuruan kung san pwede kong malapag si Summer.
Nasa tabi lang ako ng kama habang abalang chinicheck si Summer.
"Thanks God okay lang sya. Buti na lang at nadala mo agad sya dito.",savi nya habang inaayos si Summer.
Di ako umimik pero di pa rin ako umaalis. Gusto kong magtanong pero parang di naman tama diba?
"You are the new student, right?",tanong nya.
Tumango lang ako.
"Punasan mo muna sarili mo.",sabi nya habang inaabot sakin ang isang towel. Nakalimutan kong basang-basa rin pala ako ng ulan.
"Inatake na naman sya ng asthma nya. At sa tuwing umuulan ay mas grabe yung pag atake nya. Akala ko kasi nakauwi na sya kaya di na ako nag-alala pa.",sabi nya habang pinupunasan si Summer.
Napatingin ako sa walang malay na su Summer. Di mo aakalaing may asthma pala sya.
"Akala ng lahat wala syang kahinaan. They think she's as strong as a wall. But they don't know how fragile Summer is. She's too broken. Too broken that even the stickiest glue couldn't help on fixing her.",sabi nya.
Ano bang pinagsasabi nya? Asthma lang naman ang meron si Summer diba?
"You can go home now. I'll take care of her.",sabi nya at nginitian ako.
"Please wag mo nalang sabihing ako ang naghatid sa kanya dito.",sabi ko.
Tumango lang sya.
Umalis ako ng school at sinundo si Twinkle na nasa isip pa rin si Summer. Di ko alam kung bakit ayaw pa rin nyang mawala sa isip ko.
End of Flashback.
Saktong pagkapasok ko ng school building ay nakasalubong ko si Summer. Di pa nya ako nakikita kasi parang di sya nakatingin sa harapan. Parang di pa nga talaga sya maayos kasi panay pa ang hawak nya sa bandang dibdib. Kitang-kita pa nga na nahihirapan sya sa paghinga.
Nang tumingin na sya sa harap ay nakita nya akong mapapasalubong sa kanya kaya tumuwid sya sa pagtayo.
"Gabi na bakit andito ka pa?",suplada nyang tanong.
Talaga tong babaeng to kahit may sakit na nagagawa pa ring magtaray.
"May nakalimutan ako.",sabi ko na lang.
Nahihirapan sya. Kitang-kita ko.
"Ikaw bakit nandito ka pa?",tanong ko.
"Syempre president ako diba? Kaya dapat uuwi lang ako kung na sure ko ng maayos ang lahat.",sabi nya habang pilit na inaayos ang sarili.
"Okay.",sabi ko at naglakad na papalayo sa kanya para makahinga naman sya ng maayos.
Liningon ko sya. Mabagal syang naglalakad habang hawak-hawak ang dibdib nya. Bakit ba nya kelangan magkunwaring malakas sya?! Lalo akong naiinis sa kanya. Tss.
Tahimik ko syang sinusundan. Papunta syang parking lot. Aba! Magmomotor sya ng ganun ang sitwasyon nya?
Tinitingnan ko lang sya sa malayo para di nya ako makita. Nakasakay na sya sa big bike nya. Umiling-iling muna sya. Kaya nya ba?
Pinaandar nya na. Nang makalabas na sya ng parking lot ay dali-dali akong pumasok sa kotse at pinaandar ang makina. Di ko alam kung bakit ko to ginagawa sa ikalawang pagkakataon ngayong araw na to. This is shit.
Ang alam ko lang ay sinusundan ko sya ngayon. Mabagal lang ang pagpapatakbo nya. She is really incredible. With her condition, she can even drive.
Huminto sya sa isang gate. Wala bang magbubukas sa kanya? Bumaba sya at binuksan ang gate para makapasok ang big bike nya.
She is really independent and amazingly strong.
Summer's POV
Buti nalang talaga at nakasurvive ako kahapon. Medyo nahihilo pa rin ako ngayon pero nandito ako sa school kasi nga president ako at di pwedeng mag-absent.
Break time na pero ayokong umalis sa room kasi parang any moment matutumba ako kasi parang nagkasinat yata ako.
"Bilhan ka namin ng food at gamot ha. Wag kang tatayo,okay?",si Sandy.
"Dyan ka lang talaga ha? Wag kang malikot.", dagdag pa ni James/Jane.
Ngumiti ako. Salamat kasi andyan silang dalawa. Umalis na sila pati na rin ang mga classmates ko.
Sinubsob ko ang ulo ko sa desk nang may nagpatong ng kung ano sa desk ko. Napatingala ako.
Isang bote ng orange juice. Napalingon ako kung sino ang naglagay nito.
"Ayoko nito. Sayo na lang.",sabi ni Stannley at lumabas na.
Ano ba yan?! Di man lang ako nakapagsalita. Tss. Anong palagay nya sakin pulubi? Hoy! Kaya ko ring bumili nito noh?! Tss. At ano ako basurahan? Ano bang brand nito para ma check ko kung anong presyo?
Hala bakit walang brand? Tss. Bahala na nga uhaw na rin ako kaya ininom ko na lang. Masarap naman at parang fresh oranges talaga.
Pero bakit nya ako binigyan nito?
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.