Chapter 19

627 25 4
                                    

Hi. Guys pa promote ako ah? Let's try reading When 2 Different Worlds Collide of xmaomaox_ . Thanks.

Just His Girl
Chapter 19- Rainy Day

Buti na lang talaga at natapos rin ang lunch break. Natapos na ang kalbaryo ko. I just can't believe people like Cherry and Berry do exist. Ipares ba naman ako kay Chino at Terrence na wala namang basehan? Unbelievable.

Ngayon nakatunganga ako kasi nga ang weird na nga ni Berry at Cherry dumagdag pa si Anime guy. Ganto ba talaga pag bago ka sa school, pagtitripan ka ng lahat? Napapikit ako.  Wala pa akong isang buwan sa West Supremcy High pero grabe na yung stress na nararanasan ko. Napasubsob ko ang mukha ko sa libro ko.

"Sabi ko layuan mo sila.",sabi nya at ramdam kong umupo sa harapan ng table ko.

Napaangat ako ng ulo. Bat ba lahat ng tao may paki sa akin? Nakakairita na.
Inirapan ko lang si Story Teller. Jacob nga pala ang pangalan nya.

"Alam mo bang nagsimula ka ng malaking gyera?",dagdag nya.

So ako pa ang may kasalanan?

"Tell them to leave me alone. Don't teach me what to do.",prangka kong sagot.

Ngumiti sya. Syempre naguluhan ako pero naalala kong may pagkabaliw din tong lalaking to.

"That freaking attitude makes them to want you more.",sabi nya at umalis na sa harapan ko.

At sa huli ako ang pinalalabas nyang may kasalanan ng lahat. Kung alam lang nya kung gaano ako kainis at kaayaw na pinapansin ako ng dalawang lalaking yun ay di nya kayang pagsalitaan ako ng ganun.

Ang daming gustong maging characters ng buhay ko. Di naman welcome.

Napatingin ako sa may bintana. Dumidilim na pala kaya napatingin ako sa oras. Quarter to 4 pa naman. Uulan yata. Di pa naman ako nakapagdala ng payong. Nagvibrate yung phone ko.

Si Stannley ang tumatawag. Di pa nga pala talaga kami nakakapag-usap tungkol sa alitan namin. Sinagot ko na.

"Yeah.",sagot ko.

"I'll fetch you at 5. Wait for me.Don't go anywhere. Okay?",utos nya.

"Okay.",sabi ko at binaba na ang tawag.

Isang oras pa ako maghihintay kay Stannley. Nag-uumpisa na ring magsilabasan ang mga kaklase ko. Nakatingin pa rin ako sa labas. Lalong dumidilim. At dahil ako nalang mag-isa sa room at ganto pa talaga ang panahon ay para tuloy akong nag-eemote.

"Twinkle!",si Berry. Sa matinis nyang boses ay alam na alam kong sya yun.

"Di ka pa uuwi?",tanong ni Cherry habang papasok sa room.

Kailangan ba talagang sabay kumain ng lunch at umuwi kapag magkaibigan? Maybe friends treat each other as family members. Napangiti ako.

"You smiled!",sigaw ni Berry.

"I saw it too.",si Cherry. Para silang sira. Eh ano ngayon kung ngumiti ako? Anong big deal dun?

"Whatever. My brother will fetch me.",sabi ko na lang.

"Di sya tumanggi. Wow. ~For the first time in forever~",pakantang sabi ni Berry. Ano bang vitamins nito at ang hyper hyper lagi.

"Oo na oo na Berry wag ka lang kumanta.",si Cherry na di maipinta ang mukha. Sobrang tinis nga naman ng boses ni Berry. Parang laging high notes.

"Sige una na kami Twinkle ah! May aasikasuhin pa kasi kami.",sabi ni Cherry at binigyan ako ng mapakahulugang ngiti. Umalis na agad sila.

Okay, ano na naman bang binabalak nila? May naaamoy akong di maganda eh?! Nakaalis na sila at ako nalang ulit mag-isa habang lalong dumidilim ang mga ulap. Bababa na lang siguro para dun na lang ako sa waiting area tatambay. Baka kasi umulan tapos mahirapan akong makatawid. Bumaba na ako ng building. Wala na atang mga tao kasi nagsiuwian na.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon