Just His Girl
Chapter 24- Bet
Twinkle's POV
"Stay out of this. Stay away from me."
Di pa rin mawala sa isip ko ang nabitawan kong mga salita. Alam na alam kong kapag nakisali pa sya sa gulo lalala lang lahat. At isa pa ayokong may madamay pang iba. Mamamatay din naman tong issue basta di nalang papansinin. Mapapagod at magsasawa rin sila.
Biglang nagvibrate yung phone ko kaya dali-dali kong tiningnan.
From: Berry
May isesend ako sayo. Wag mo kong deaaadddmaaahiin! Pleasssseeeeee.
Tss. Napapangiti nalang ako kasi kahit sa text ramdam na ramdam mo ang pagkahyper at pagkaabnormal nya.
At sunod-sunod na nga ang pag-atake ng mga messages na galing kay Berry. Ano na naman kaya to?!
Isa-isa kong binuksan. Mga MMS ang sinend nya sa akin.
1st message:
Picture namin ni Berry. Di ko nga alam na nakapagpicture kami kanina. Tss.
Caption: Ang cute ko diba? Ahihihi.
Pinipigilan ko ang sarili kong matawa sa kaabnormalan ng babaeng to.
2nd Message:
Picture ko mag-isa. Stolen pa nga ata.
Caption: Ang ganda mo Twinkle. Pero mas maganda ako. Peaceeee!
Tss. Walang magawa sa buhay tong isang to. Dapat dito pinapatulog nang maaga eh. Tsk.
Pero nang buksan ko ang huli nyang message ay nanlaki talaga ang mga mata ko at napatakip ko ang isa kong kamay sa bibig ko.
3rd Message:
Edited picture namin ni Chino. Yung mukha namin ay pinalit dun sa mukha ni Jack and Rose ang Titanic.
Caption: Bagay na bagay talaga kayo! Yiiiiiiiieeeeeeeeee! #ChaChiForever
Pfftt. Di ko alam kung magagalit ba ako o matatawa. Siguro mas pipiliin ko na lang matawa. Pigil na pigil ko ang sarili ko sa pagtawa kasi naman nag-effort sya kahit parang ewan dapat ko yung respetuhin. Ano naman ba kasing pumasok sa utak nya at nag-edit pa talaga.
Biglang nagring yung phone ko.Si Cherry tumatawag. Ano na naman kayang balita nito?! Inayos ko muna ang sarili ko bago sagutin.
"Hello? Twinkle?! Sinagot mo na yung tawag diba?! Hello?! Twinkllleee? Sumagot ka naman para akong tanga dito eh!"
Napakamot nalang ako ng ulo. Sumapi yata si Berry sa katawan nya. Tsk. Ang ingay.
"Yeah.",maikli kong sagot.
"Oy. Sorry."
For what?
"Why?",tanong ko.
Rinig ko ang malalim nyang paghinga.
"Uhmm. Kasi si Berry di ko napigilan. Sabi ko naman sa kanyang wag kang guguluhin pero nagsend pa ata sayo ng mga kababalaghan nya. Sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.
