Chapter 17

479 22 3
                                    

Si Chino po ang nasa pic.

Just His Girl

Chapter 17-Late

Twinkle'a POV

"Twinkle!",sigaw sakin ni Stannley.

Aish. Bat ba ang tagal ko nagising? Nagmamadali na akong mag-ayos. I'll be late for sure. Hindi na ako nagsuklay pa. Lumabas na ako at nakitang naghihintay sa mismong labas ng kwarto ko.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. Baka nakakalimutan nya ng di kami bati.

"What?!", asar kong tanong.

Kinuha nya ang bag ko. At nauna nang maglakad.

"Hurry up.",sabi at naglakad na papalayo.

Tss. I just smiled. This guy will always treat me as a princess. Stannley is always the one who makes the first move kung may tampuhan kami.

Si Stannley ulit ang naghatid sa akin. Nasa may tapat na ako ng gate. Shit. Two minutes left.

"Let's talk later. Thanks. Love you.", sabi ko at lumabas na. Umalis na rin si Stannley kasi maka late na rin sya. Tumakbo na ako papasok ng gate. Pawis na pawis na ako. Di na talaga to mauulit. Swear!

Tumigil ako sa may main door ng building. Hingal na hingal na ako. Itinukod ko ang akong mga kamay sa tuhod ko naghahabol pa rin kasi ako ng hininga. May naglahad ng isang bottled water sa akin.

Napalunok ako ng wala sa oras dahil parang ang sarap sarap ng tubig na ang lamig lamig. Aabutin ko na sana nang bawiin ng taong nasa harap kaya napatayo ako ng tuwid.

Nakangiti sya sa akin. This guy knows how to tease me. Nakakainis. Bwesit.

"Wanna drink?", tanong nya habang nakangiti ng nakakaloko.

Inirapan ko sya. Makaalis na nga. Walang kwentang lalaking to. Aalis na sana ako nang hinawakan nya ang braso ko kaya napatigil ako.

"Ikaw naman di mabiro.",sabi nya at nakangiting hinila ako pabalik sa pwesto ko kanina.

Binuksan nya ang bottled water at inabot sa akin. Tatanggapin ko ba o hindi?

"Mas kukulitin kita pag di mo tinanggap. Our convo yesterday, remember?",sabi nya at mas lumawak ang ngiti.

It's useless to avoid him now. Tss. This brat!

"Ano gusto mong ako ang magpa-inom sayo?",tanong nya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi Nya kaya tinanggap ko na lang. Uhaw na rin naman talaga ako eh.

Tumawa sya ng malakas. Inirapan ko lang sya at uminom. Di pa rin sya natapos sa kakatawa.

"Why are you laughing?",asar kong tanong.

Umayos na sya.

"Sorry. Kasi akala ko di ka marunong magulat. I'm glad that you're still human.",sagot nya at ngumiti.

Bakit ba ngiti sya ng ngiti? Mas lalo tuloy akong naiinis. Yumuko sya bigla at lumuhod. Ano bang ginagawa nya?
Inayos nya ang shoelaces ko. Kinabahan ako bigla.

Tumayo na sya at inayos ang necktie ko. Papalag sana ako pero no use kasi walang makakapigil sa kanya.

"Ihahatid kita. You are not late.",sabi nya habang medyo inaayos din ang buhok ko.

Ang dami kong gustong sabihin pero walang lumabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos ang buhok ko.

Kinuha nya ang bag ko.

"Tara na?",aya nya at nauna nang lumakad. Habang ako di pa rin ako makagalaw.

"You don't have to this.",sabi ko kaya napahinto sya.

"I love to serve you Twinkle. I love to protect and take care of you. Kahit yan lang hayaan mo kong gawin yan para sayo.",sagot nya at umalis na sya.

Chino kahit kelan di kita kayang intindihin. Serve me? Protect and take care of me? But why?!

Stannley's POV

Patakbo kong pinasok ang gate. Pasaway kasi tong si Twinkle pero atleast bati na kami.

"Two minutes late.",sabi ni Summer na naka pwesto sa may harap ng gate.

Inabot nya sakin ang trashbag. Nakatitig ako sa kanya.

"Punishment. Magpulot ka.",sabi nya.

Umagang-umaga at nahahighblood na ako sa babaeng to. Punikit ko muna ang mga mata ko kasi nagpipigil ako.

"Alam kong ginagantihan mo lang ako.",sabi ko.

She smirked. Napakunot noo naman ako.

"Ginagantihan? Para saan? Look around you.",sabi nya.

Napalingon ako at nakitang may mga namumulot din ng mga basura.

"Tss. So childish. First offense. Page 11 of Student's handbook.",sabi nya.

This witch has the ability to make me angry in just 5 seconds.

"I am a new student.",sabi ko. Totoo namang di ko alam ang rule na yan.

Tinitigan nya lang ako na naaasar na rin.

"So this is freedom you are talking about huh? Tss. So lame.",sabi nya.

Aba't gumaganti talaga sya?! Aish. Nginitian nya lang ako. Naniningkit na ang mga mata ko sa inis.

Magmamatigas pa sana ako nang may dumating.

"Sorry I am late. Ito ba yung trash bag? Sige sisimulan ko na. Sorry talaga",sabi ni Happy.

"Stannley? Late ka rin?",sabi nya at napakamot sa ulo.

Tiningnan ko si Summer at kinuha ang trashbag.

"Okay. Kahit saan pwedeng mamulot diba? Tara na Happy.",sabi ko at kinaladkad papalayo si Happy.

Nasa may garden kami pumwesto. Binitawan ko na ang kamay nya.

"Sorry.",nahihiya kong sabi. Damn. Nakalimutan kong bitawan sya kanina.

Nginitian nya ako.

"Ayos lang. Let's start.",sabi nya at nagsimula na syang mamulot.

That genuine smile that makes her prettier. This feeling of comfort when I am with her. She makes things easier for me. This feeling is new for me.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon