Chapter 14

531 21 2
                                        

Yowyow! I'm back. Sana magustuhan nyo ang ud :)

Just His Girl

Chapter 14- Trouble.

"Mag ingat ka nga. Dala-dala mo pa naman ang puso ko."

Umayos na ako ng tayo. This guy is really annoying. Bahagya akong lumingon sa paligid ko. Nasa amin pa rin ang mga mata nila. Aishh.

"Get lost.",mahinang sabi ko at binawi ko ang braso kong hinahawakan nya.

Pero hindi nya pinakawalan ang braso ko. Nginitian nya lang ako ng nakakaloko. Shit. Naririnig ko ang mga bulungan nila.

Pansin ko ring papalapit sa amin si Cherry at Berry pero sinenyasan nyang wag nang lumapit. Kung wala lang talaga kami sa canteen kung san napakaraming tao kanina ko pa to tinadyakan eh.

"Try to avoid me now.",sabi nya.

Pinikit ko ang mga mata ko kasi nagpipigil ako ng galit. May humawak sa kamay ko kaya napabuka ako ng mga mata. Nakatingin sya kay Chino.

"Twinkle, pinapatawag ka ng school principal.",si Terrence.

Ramdam ko ang tensyon kasi nga nakahawak silang dalawa sa braso at kamay ko. God. What should I do?

"Bitaw.",utos ni Terrence. Nagsmirk lang si Chino.

"Ako ang maghahatid sa kanya sa office.",si Chino.

Pwede bang ako na lang ang pumunta para wala ng gantong eksena?!

Hinila ako ni Terrence na sya namang nakapagbitaw sa pagkahawak ni Chino sa akin. Lumabas na kami nang tuluyan sa canteen at nagtuloy tuloy sa garden. Huminto kami at binitawan nya na ang kamay ko.

"Di ka hinahanap ng principal. It's just my excuse.",sabi nya.

Pero bakit nya yun ginawa? Ang complicated nila.

"Stay away from Chino. Di ka nya titigilan hangga't di nya nakukuha ang gusto nya.",sabi nya.

Kahit di mo pa sabihin ginagawa ko na. Kung makapagsalita kala mo kung sino para utusan ako. I just rolled my eyes. Nakatalikod naman sya kaya di nya ako nakikita.

Aalis na sana sya ng magsalita ako.

"Stay away from me. Lalong gumugulo ang mga bagay bagay kapag mas marami ang nakikisawsaw.",sabi ko at tumalikod na. Umalis na ako.

Bakit ba ang malas malas ko?!

Stannley's POV

"I'll be returning your first quiz class. Only two got the perfect score.",sabi ng teacher namin.

Akala ko lahat kami mapeperfect sa quiz kasi ang dali dali lang naman. Akala ko ba nasa pinakamatalinong klase ako.

"The first one who got the perfect score is Ms. Madrigal.",announce ng teacher. At nagsipalakpakan naman ang mga classmates ko. Sinong Madrigal dito?

Tumayo naman tong nakaupo sa unahan ko. Si Summer pala. Tiningnan ko lang syang halatang masaya at nakikipag high five pa sa dalawa nyang kaibigan.

"Keep up the good work Summer. You are running for being the valedictorian pa naman.",sabi ng teacher namin.

Di ko pa rin magets kung bakit ang halaga ng mga honor honor na yan diba ang importante naman ay may natututunan ka?!

Bumalik na rin si Summer sa seat nya.

"The second one is Mr. Kim.",tawag sa akin ng teacher. Napatingin sila sa akin.

Nagbubulung-bulungan sila.

"Wow. Gwapo na nga ang talino pa!",rinig kong sabi ng isa.

"May karibal na sa pwesto si Summer."

Lumingon sa akin si Summer.

"Ano pa bang hinihintay mo? Tawagin ulit ni Miss yung pangalan mo? Pasikat.",sabi nya at tinalikuran ako.

Tss. Ang sarap talagang batukan. Kaya tumayo na lang ako at kinuha yung paper ko.

Ano bang problema nitong babaeng to sakin at sinungitan ako kanina. Kabanas.

**

"Wow!", sigaw ni Happy pagkakita nya sa paper ko.

"Na perfect mo talaga! Ang galing! Ang talino talino mo talaga.",sigaw nya ulit.

"Shhh. Ang ingay mo, Happy. Pinagtitinginan na tayo.",sabi ko. Nag peace sign lang sya.

"Ang talino mo naman. Ako nga swerte na kung makapasa. Share ka naman ng utak dyan.",sabi nya habang nakangiti.

Ewan ko na lang talaga sa babaeng to parang ang alien kung magsalita. Pano ko naman isha-share utak ko?!

"Kelan ba tayo kakain ulit ng lunch kasama si Summer?",tanong nya.

Palagi nya yang tinatanong sakin magmula nung magkasabay kami ng pagkain ng lunch dahil na rin sa first wish ni Summer.

"May gusto ka ba kay Summer?",walang kwentang tanong ko para mapatahimik sya.

Ngumiti lang sya. So totoo? Bigla nya akong binatukan. Napakamot nalang ako sa ulo. Wow. Sya lang yung nakakabatok sakin.

"Para kang baliw syempre wala. Gusto ko lang sya kasabay kumain. Bawal ba yun?",sabi nya.

"Na perfect nga rin pala si Summer.",sabi ko.

"Expected na yun. Kelangan nyang maging valedictorian sa anumang paraan.",sagot nya sakin.

Magtatanong pa sana ako. Pero biglang may pumasok sa utak ko kung pano ako makakaganti sa kanya sa paraang madali lang para sakin.

Lagot ka Summer.

(Si Chino po ang nasa pic.)

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon