Chapter 32

233 11 15
                                    


Just His Girl

Chapter 32-Enochlophobia



Chino's POV



Nakaupo ako sa hospital bench at hinihintay na lumabas yung doctor na nagcheck kay Twinkle. Di ko alam kung bakit di nya ako hinayaang makapasok sa loob ng room na pinagdalhan nila sa kanya eh di naman ganun ka emergency. What I mean is wala naman syang tama ng bala o saksak. Kanina pa ako di mapakali. Kanina pa rin ako tatayo tapos uupo ulit. Minsan naman pabalik-pabilik na naglalakad. Aish. 


For Pete's sake it's been 7 minutes already. Di ko alam kung OA lang ba ako pero ganun eh. Masyadong mahalaga ang bawat segundo lalo na kapag nasa hospital ka. Pwede kasing may mawala sa loob ng isang minuto kaya ayoko sa mga ganitong lugar. Napapikit ako. 


Ano ba kasing nangyari sa kanya? Okay naman sya kanina nung papunta pa kami sa mall ah. Pero nang makapasok na kami ng mall ay napansin ko ang pagbabago sa itsura nya. Nanginginig pa nga sya. Aish. Kasalanan ko na naman. Fck.


"Twinkle Kim's family member?"


Agad akong napatayo at lumapit sa doctor. 


"I'm her boyfriend. How's she?"


"She's still unconscious but she's fine now. Do you have any idea?",tanong nya sakin.


"Wala."


"Her parents might know. You should contact them."


Napayuko ako. Di ko alam pero parang nanliit ako bigla sa sarili ko. Narealize kong ang lakas ng loob kong tawagin ang sarili kong boyfriend nya pero sa ganitong pagkakataon wala akong magawa. Di ko man lang alam ang address o numbers ng parents nya. Di ko nga sila kilala kahit pangalan di ko alam. Sht. Wala pa ring nagbago kahit kelan I'm still useless.


"I don't have their contact numbers, doc.",nahihiyang sabi ko.


"If that's the case all we can do is to wait for her to wake up. I should be going, hijo.",sabi nya.


"Thank you,doc.",sabi ko at umalis na sya para asikasuhin yung iba pa nyang mga pasyente. Pumasok na ako sa loob ng private room na kinuha ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako maglakad papalapit sa kama nya.


Napatitig ako sa maamo nyang mukha habang sya ay natutulog. May mga hibla ng buhok ang nakacover sa mukha nya kaya hinawi ko ang mga ito.


"Tss. First date natin pero anong ginagawa mo? Tinulugan mo lang naman ako. Ibang klase."


Napangiti na lang ako. Kahit walang nangyaring maganda sa araw na to ayos lang basta maging okay lang siya. Umupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng kama.


"Dapat pala may slambook tayo tapos ilalagay mo dun lahat ng ayaw at gusto mo. Psh."


 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon