Happy Birthday sa nag iisang Nana ng kambal na si Panyang(Tiffany Hwang Kim). Stay happy as always ah?! #pinkday
Just His Girl
Chapter 8-Neglected
Summer's POV
"Di ka pa uuwi?",si Sandy. Napapikit ako kasi bad trip pa nga ako. Di ko lang talaga malabas kanina. Aishh. Nakakainis kasi yang Stannley Kim na yan! Nagawa nya pa akong sigawan kanina.
"Girl. Ilabas mo na. Tayo lang tatlo ang nandito. Gorabels na.",si James. Tumayo ako at huminga ng malalim. Kilalang kilala na talaga ako nila.
Tumingin muna ako sa kanilang nakaupo sa sofa ng school office ko bago simulan ang napakahaba kong speech.
"Aisshh. Nakakainis yang Stannley na yan! Bwesit na lalaki pano nya nasabi sakin yun? Grabe sya! Di nya ba alam na nirerespeto ako ng lahat dito tapos sya ano?! Kabago bago pa nga nya dito at sinigawan nya pa ako! Aisshh. Ang sarap nyang suntukin!",umuusok na siguro ako ngayon dahil sa galit. Tumigil muna ako kasi di na ako makahinga sa inis at sa walang hinto kong pagsasalita.
"Sige pa. Kwento ka pa!',si Sandy. Napalingon ako kasi nga nakatalikod ako sa kanila at tumambad sakin ang napakagandang eksena nila. Para silang nanonood ng palabas sa tv at may pa popcorn pa silang nalalaman. Mga may sira talaga tong dalawang to!
"San galing yang popcorn?",tanong ko.
Tinuro ni Sandy na punong puno ng popcorn ang bibig si James.
"Ah eh. I know kasi na may eksenang ganto kaya bumili me ng popcorn bago tayo nagpunta dito.",maarteng sabi nya at nag peace sign pa. Hayy tong baklang to talaga!
Umupo na lang ako nakakapagod din yung pagkwento ko sa kanila.
"Oh natahimik ka.",si Sandy.
Napatitig ako sa kanila. Buti na lang nandito sila sa tabi ko. Sila lang yung tanging nakakaintindi sakin. Alam kong maraming galit sakin dito sa campus. Maraming may ayaw sakin dahil sa ugali kong napakademanding,attention seeker at napaka upright. Mali ako. Di nila ako nirerespeto takot lang talaga sila sakin kaya sumusunod sila sa mga sinasabi ko.
"Alam mo girl wag mong masyadong dibdibin yan. Magiging maayos ang lahat. At makukuha mo rin ang atensyon nyan. Wag kang mag overthink.",si James.
"He will never ignore you. Trust me.",si Sandy.
Biglang sumagi sa utak ko ang sinabi nya kanina.
~You are not worthy of my attention.~
Sa sinabi nyang yun pinamukha nya sakin ang katotohanang lagi kong tinatakasan. Na wala akong karapatang kumuha ng atensyon nila. Na may mga taong kahit kelan ay di maaapreciate ang existence ko.
"Kaya wag ka munang magdrama okay?!",si James.
Nginitian ko lang sila. Alam kong nag aalala rin sila sakin. Sila lang naman ang nakakaalam ng buong kwento ko kaya nakakaya nilang initindihin ako.
"Tara na uwi na tayo?",si Sandy. Kaya nagsiuwian na rin kami. Pero di ako dumiretso sa bahay. Wala rin namang naghihintay sakin dun. Mas lalo lang akong madedepress kung uuwi ako ng maaga.
Kaya kahit saan saan na lang ako nagpunta sakay nitong motorbike ko. Huminto ako sa isang park kasi wala naman talaga akong patutunguhan. Gaya ng pagbyahe ko ngayon ganun din ako walang mapuntahan. Ayos pa nga yung naliligaw dahil may direksyon silang gustong balikan samantalang ako walang wala.
Mga ilang minuto pa ang lumipas ay nagpasya na rin akong umuwi. Matapang lang naman ako sa labas pero dito sa loob maraming nakatambak na takot. Maraming nakatagong pangit na alaala.
Pagkadating ko sa bahay binalot na naman ako ng lungkot. Akala ko sanay na ako sa buhay ko. Akala ko sanay na akong tumira sa bahay na to na sobrang tahimik. Pero bakit ngayon inaatake na naman ako ng lungkot?
Umupo ako sa sofa at napapikit. Kung may mga taong nahahanap ang peace sa katahimikan ako naman nalulungkot ako sa tuwing tahimik. Ibig sabihin lang kasi nun nag iisa na naman ako.
Hayy. Aishh. Ayokong mag senti kaya kinuha ko yung iPad ko para may magawa naman. Tama. Mag sta-stalk nalang ako sa bwesit na lalaking yun! Nag log in ako sa fb tapos nag search pero walang account yung Stannley na yun dito. Sa twitter kaya baka meron syang account dun kaya hinanap ko rin pero lumipas nalang ang isang oras ng kahahanap ko sa kanya sa iba't ibang sites pero wala talaga. Teka anti-social ba sya kaya di sya marunong makisalamuha?
May tao pa kayang walang fb man lang ngayon? Gawan ko na lang kaya sya. Kaya gumawa ako ng account nya sa fb,instagram at twitter. Ang ginawa kong password ay ang full name ko- Summer Madrigal. Sa ganun di na nya ako makakalimutan.
"Stannley Kim. Di ka masasali sa listahan ng mga taong nagdedeadma sakin. I'll make sure of that.",sabi ko at napangiti sa iniisip.
Dahil na rin siguro sa napakahabang araw na to ay nakaidlip ako agad na di naman normal para sakin dahil may insomnia ako.
Nagising ako ng maaga dahil dapat maaga ako palagi sa school. Ganun naman talaga pag president ka dapat maging role model sa lahat. Alam ko rin kasing may mga taong ayaw sakin at naghahanap lang ng butas para mapatalsik ako sa pwesto. Kaya pinapahalagahan ko ang trabaho ko sa school dahil yun lang naman ang meron ako. Dito lang umiikot ang mundo ko.
Nasa parking lot na ako ng papalabas na ng kotse si Stannley ang anti-social subject ko ngayon. As usual mag isa sya anti-social nga diba pero di matatapos ang buwan na to at magkakaroon ka ng mga kaibigan sa school na to. Tutulungan ko sya.
Lalapit na sana ako sa kanya para mabigay yung usernames at password ng mga ginawa kong accounts kagabi. Peace offering ko na rin sa nangyari kahapon medyo OA kasi ako pagdating sa pagiging presidente ng student council.
Pero napako ako sa kinatatayuan ko ng lumapit si Happy kay Stannley. Nag uusap sila. Magkakilala sila? Kelan pa? Akala ko anti-social sya.
Lalapit ba ako o hindi? Wag na lang kaya. Tatalikod na lang sana ako para umalis.
"Hi Summer!",sigaw ni Happy at nginitian nya ako. Tinitigan ko lang sya. Hindi man lang ako ngumiti. Gusto ko syang batiin at yakapin miss ko na rin kasi sya pero di pwede.
Lumapit ako sa kanila. No choice na kasi nakita na nila ako.
"Mr. Kim. Wala kang account sa kahit na anong social networking sites pano ka naman ma uupdate sa mga pangyayari sa school?",paunang sabi ko.
Napakunot noo sya parang naasar sya sakin. Wala pa nga akong ginagawang masama asar na agad sya sakin. Aishh.
"And so?",maikli nyang sabi. Nginitian ko sya at inabot sa kanya ang kapirasong papel. Di nya man lang tiningnan o kinuha kaya nilagay ko yun sa palad nya.
"As president kelangan kitang tulungan kaya ginawan kita ng mga accounts. Friends at nag follow na ako sa mga accounts na yan.",sabi ko.
Tinapon nya yung papel.
"I don't need that. You are being too much. You are just the president of the student council not my friend. You don't have the right to go beyond the line of the so called privacy.",sabi nya.
Napatameme ako sa sinabi nya. Mali ba yung ginawa ko? Akala ko kasi makakatulong yun. Pinulot ni Happy yung papel. Kinuha naman ni Stannley ang braso ni Happy at nagsimulang maglakad papalayo sakin.
Naiwan akong di pa rin makapaniwala sa nangyari kanina lang. Aishh. Bat di man lang ako nakapagsalita? Grabe na talaga sya! Ang yabang.

BINABASA MO ANG
Just His Girl
Fiksi RemajaNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.