Chapter 22

258 13 8
                                        

Just His Girl
Chapter 22- Friends

Summer's POV

"ARGHHH!",sigaw ko. Napapakuyom ako sa inis.

Ang lakas naman talaga ng apog nyang Kim na yan at nagawa nya talaga akong ipahiya sa harap ng maraming tao. Grr.

"Nako. Nako. Wala na. Sasabog na yan any moment. Tara tomboy, tago na tayo.",si James na nakatingin kay Sandy.

"Anak ng sinabi kong di ako tomboy! Sapakin kita dyan eh.",si Sandy na umaaksyong susuntukin si bakla na nagcocover na ng mga kamay nya sa mukha.

"Tss. At anong sabi nya? Stupid? Ako? Stupid?? How dare him!",inis na inis na sigaw ko nagpapadyak pa ng mga paa.

"What?!",silang dalawa.

Napalingon ako sa kanilang dalawa.

"Anong what?",tanong ko rin.

"Sinabihan ka nyang stupid?",tanong ni bakla.

Tumango ako kasi labag na labag sa kalooban ko ang paulit-ulit na pagsabi ng salitang 'stupid'. Di naman ako nababadtrip sa salitang yan dati, ngayon lang talaga dahil nanggaling sa bastos na bibig nyang mayabang na Kim na yan.

"This Kim must be something. First, di sya takot sayo. Second, napapahiya ka nya sa maraming tao. And lastly, kauna-unahang naglakas loob na sabihan kang 'stupid'.",si Sandy habang parang lalaking nakaupo sa sofa ng office ko. May 20-minute break kasi kami tuwing hapon.

"Pero teka lang naman. Akala ko ba, oks na oks na kayo? May pa juice juice pa kayo kahapon. Diba,tomboy,diba?"

"Pag ako talaga di mo titigilan dyan sa tomboy na yan sa Ilog Pasig ka na ulit makikita.",pananakot ni Sandy at namutla naman agad si James saka nag peace sign.

Napapailing nalang ako sa eksena nila. Tss.

"Sige mag-away pa kayo baka kayo magkatuluyan nyan.",sabi ko at natigilan silang dalawa. Matatalim ang mga titig nila sakin at gusto kong matawa sa reaksyon nila pero di pwede baka bugbog sarado ang labas ko nyan.

"SUMMER!",sabay talaga nilang sabi. Bagay na bagay talaga. Hahaha.

"Ano?!",kunwaring irita kong sabi at umayos na sila ng upo. Tss. Mga abno talaga.

Teka oo nga akala ko rin okay na kami ni Madrigal kasi nga may pabigay pa sya ng juice kahapon. At biglang may sumagi sa utak ko. At habang di maiwasang mag-imagine ay nanlaki ang mga mata ko. Napalunok ng wala sa oras. Di kaya?!

"Oy, natahimik ka dyan?",si Sandy.

Napalingon ako sa kanila.

"Oks ka lang,bakla?",maarteng tanong ni James.

Napalunok muna ako bago magsalita.

"Di kaya.",pag-uumpisa ko.

Nakatitig silang dalawa sa akin. Seryoso kaming tatlo. Medyo malapit na yung mukha naming tatlo dahil lumapit talaga sila sakin.

"Di kaya, ano?",si Sandy.

"Bilisan mo bakla para tayong nasa horror movie nito eh.",si James.

"Di kaya.. Mangkukulam si Kim?",sabi ko at lumayo ang mga mukha nila. Literal na lumayo at bumalik sa mga dating pwesto nila kanina.

"Oo. Tama yung juice. May nilagay sya dun sa juice kaya naging mapurol utak ko kanina.",sabi ko habang naniningkit ang mga mata.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon