Chapter 9

601 21 6
                                    

Sorry po sa sabaw na update. Bawi po ako next time.

Just His Girl
Chapter 9- Accounts

Stannley's POV

Nakatingin sya sakin. Ano na naman kayang iniisip nitong babaeng to? Tsk.

"I have forms here. Please write your email address, fb accounts, twitter and what so ever. From now on I will post all the announcements via  social networking sites.",sabi nya at binigay sa pinaka front ang papel at nagsimula na sila sa paglilista.

Ano bang gusto nyang mangyari? Alam na alam nyang wala akong mga ganyan. Napapikit ako dahil sa inis. Pakiramdam ko kasi sinasadya nya ang lahat ng to. Aishh. Ginagantihan nya ba ako dahil sa nangyari kaninang umaga?

Bat ba kasi masyado syang papansin? Kung kapansinpansin ka naman diba kusa naman yun di binibigyan ng effort? Ewan ko sa kanya. Lalo tuloy akong naiinis kapag pinupush nyang magpapansin.

At bakit ba kelangan lahat ng attention dapat makuha nya? Eh kasi nga attention seeker sya. Trying hard.

May lumapag ng papel sa desk ko kaya minulat ko ang mata ko. At tumambad ang pinakapapansin na tao sa balat ng lupa sa harapan ko. May pangiti ngiti pa syang nalalaman. Nakatitig sya sakin.

At dahil nagtitigan lang kami ay nakuha namin ang mga mata ng classmates ko. Aishh. Eksena na naman ba to? Ito pa naman ang pinaka ayaw ko.

"Mr. Kim bilisan mo. May magsusulat pa oh.",utos nya sakin at saka ako napatingin sa side ko. Meron pa nga palang di pa nakakasulat.

Inabot nya sakin ang ballpen. Mabigat man sa loob pero kinuha ko nalang para matapos na. Ang problema ko na lang ngayon ay ang isusulat ko. All my life di pa talaga ako sumasali sa kung anumang mga online sites na yan. Di kasi kami mahilig ni Twinkle sa mga ganyan. Masyadong madrama at magulo. Waste of time. Mas mabuti pang mag aral ng bagong musical instruments.

Yumuko na ako para magsulat pero wala talaga akong masulat. Kung gumagawa gawa na lang kaya ako? Ayos lang naman talaga kung di nag research tong babaeng nasa harap ko at nalamang wala ako ni isa sa mga sinasabi nyang sites. Aishh.

May pakiramdam din akong may mangyayaring di maganda kung mag-iimbento ako.

"Mr. Kim don't tell me wala kang kahit ni isang accounts? Oh! Sang bundok ka ba galing? May tao pa bang walang fb account?",sabi nya bigla. Nagbulong bulungan naman agad mga classmates ko.

Ito nga ang iniisip ko ipapahiya nya talaga ako. Pathetic. Tumayo ako.

"So tama ako?",sabi nya at ngumiti. Ang sarap nyang sakalin. Kaya hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili kong makapatay ng taong papansin ay inabot ko sa kanya ang ballpen.

"Write those accounts you made for me.",mahinahon kong sabi kaya napangiti sya. Yung nakakainis na ngiti. Pagkatapos kong sabihin yun ay timing namang nag bell.

Dire-diretso akong lumabas ng classroom baka kasi atakihin ako dahil sa inis. Lunch break na kaya lang wala akong gana dahil sa Summer na yan. Iniisip ko pa lang sya parang gusto ko na syang sakalin hanggang di na sya makahinga. Ewan ko ba kung bakit galit na galit ako sa kanya. Basta ang alam ko na tama lang ang mainis ako sa kanya.

"Hoy Kim!",may sumigaw mula sa likod ko. No need na ang palingon kasi kilalanh kilala ko ang matinis na boses na yan. Laging nakasigaw.

Ano bang kelangan nya? Next thing I know nasa tabi ko na syang naglalakad. Humihingal dahil siguro tumakbo pa sya para maabutan ako.

"Di ka man lang ba magpapasalamat sakin?",tanong nya. Napakunot noo ako. Para san? Sa pagpapahiya nya sakin? Hell no.

"For what?",tanong ko.

"Sa pag save ko sayo.",masiglang sabi nya. Woah! Sinave nya ako sa lagay na yun? Eh sya pa nga ang pahamak eh.

"Okay lang na di ka magpasalamat kasi di naman yun sapat eh.",dagdag nya.

Napahinto ako sa sinabi nya kaya huminto rin sya sa paglalakad.

"What do you want?",diretso kong tanong. Ngumiti na naman sya. Yung ngiting parang may iniisip na di maganda. Yung nakakaasar. Ibang iba sa ngiti ni Happy. Kay Summer kasi parang pilit.

"Your heart.",sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Is she crazy? Gusto kong magsalita pero parang walang gustong lumabas na salita kasi upset na upset ako sa sinabi nya. Nadagdagan na naman ang inis ko sa kanya. Kahapon lang kami nagkakilala tapos ganun agad? Such a bitch.

"Joke!",sabi nya at nag peace sign. Tumatawa sya na parang ewan. Nakahinga na ako ng maluwang.

She's so unbelievable! How could she play some jokes like that?

"Grabe epic ng mukha mo Kim! Naniwala ka naman agad?! Baka crush mo ko ah!",sabi nya pa.

Sumeryoso ako.

"Are you crazy? Seriously, what do you want?",tanong ko para matapos na tong walang kwentang conversation na to.

"Grant me three wishes. Ang first wish ko ay i-treat mo ko at sabay tayong mag lunch.",sabi nya at nauna ng naglakad papuntang canteen.

Sinadya nyang maunang maglakad para di na ako makapagsalita. Aishh. Three wishes. Bat ko ba kasi sya pinansin eh. Bat nagtanong pa ako kung ano bang gusto nya. Yan tuloy mas gugulo pa ata ang buhay ko.

Do I need to take medicines for hypertension? I think yes. Baka ako pa ang mamatay sa inis dyan sa Summer na yan.

Lasonin ko kaya sya. Tsk.

"Uy Stannley ang lalim ng iniisip natin ah!",si Happy na nakangiti.

She's such an angel. She's always there when I need help.

"Lagi ka talagang sumusulpot pag kelangan kita.",sabi ko at nginitian sya.

Nagtataka sya.

"Di ka pa kumakain diba?Tara sabay tayo.",sabi ko. Tumango naman agad sya.

So kahit kasama ko si Summer kumain pwede ko pa rin syang di pansinin kasi andito naman si Happy.

You cannot please everyone Summer especially me.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon