I need your comments guys :)
Just His Girl
Chapter 6- Authority
"You aren't worthy of my attention.",sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya. Naiwan sya dun.
Am I being too harsh towards her? I don't know at all basta I am starting to dislike her. I hate people who are so hungry of attention. I don't understand why do they have to please everyone.
Napansin kong sumunod sya sakin at nauna ng naglalakad sa harap ko. Grabe ang pinapakita nyang perseverance.
"We are classmates. Just follow me.",pormal nyang sabi. Wala akong sinagot. Nakokonsensya tuloy ako ng konti kasi naman sya nakakainis yung attitude nya.
Nakabuntot lang ako sa kanya. Sa tuwing may nadadaanan kaming ibang students ay nagbobow sila sa babaeng kasama ko. I think they respect her so much. Pano nila nagagawang respetuhin ang gantong klaseng tao? Lagi syang nakasigaw at parang di naman sya ganun ka approachable.
Nasa classroom na kami at nauna syang pumasok. Maingay ang mga nasa loob. May nagkukulitan at nag aasaran. Mga normal na bagay lang naman. Pumunta sya sa pinakaharap. Yun ata yung desk ng teacher.
"Guys.",pagkasabi nya nun ay parang nawala ang lahat ng ingay. Lahat sila ay umupo sa mga seats nila. Seryoso silang nagpapakita ng sign na makikinig sila.
Seryoso kinatatakutan ba talaga sya? Pati kasi mga lalaki napapasunod nya. Napatingin ako sa kanya. Seryoso ang aura nya.
Sino at ano ka ba sa skwelahang to? I know she's the president of the student council but it seems to be that she acts as if she's the rule of this school.
"We have a new classmate. Stannley Kim. Be friend with him.",sabi nya at sinenyasan akong pumasok na.
"Myghad! He's so-",naputol ang sasabihin ng classmate kong babae na nasa harapan ng masama syang tiningnan ni Summer.
"Behave.",maikli nyang sabi. Napayuko naman ang classmate ko.
"Ikaw kasi. Yan tuloy napagalitan ka.",bulong ng katabi nya.
"There's a vacant seat at the back. You can go now.",sabi nya at nagsimula na syang pumunta sa seat nya which is just in front of my seat.
Nag settle down na rin ako. Tahimik pa rin ang classroom kahit wala namang teacher. Dahil ba andito si Summer?
"You can speak now. Do whatever you want.",kalmadong sabi ni Summer. Kahit di masyadong malakas alam ko namang rinig yun ng lahat.
Unti unting nagsimulang mag ingay ang mga classmates ko. Wow. Amazing. She must be really something.
Past 8 na pero wala pa ring teacher or adviser ang pumasok sa room namin. Exactly 15 minutes na syang late. Tsk. Akala ko ba dapat ang mga teachers ang role model sa school.
Habang nag iisip ako ay may biglang pumasok na lalaki sa room. Sya na ata ang adviser namin. Mukhang fresh graduate sya kasi ang bata pa nya. Narinig kong nagbulung bulungan ang mga classmates ko so I assume na new teacher sya.
"Good morning class.",sabi nya. Lahat ng mga mata ay nakatingin kay Summer. Di ko ma gets kung bakit sya ang tiningnan nila na di naman sya ang bumati. Weird.
Tumayo si Summer.
"Binasa nyo po ba ang school rules sir?",tanong ni Summer. Tahimik lang ang klase.
"I'm a newbie here Miss.",kalmadong sagot ng teacher.
Aishh. Nagsisimula na naman sya ng eksena. She really loves making scenes.
Lumapit sya at may hawak na booklet ata.
"It's not an acceptable excuse sir. Article 2,section 6 of the Eastern Excellence Academy School Rules says that teachers who are late must pass a reasonable excuse letter to the class president and the said letter must be read to the whole class.",sabi ni Summer.
Ngayon ko lang nalaman na may nag eexist palang rule na ganun. Kahit di ko gustuhing panoorin ang eksena ng feeling actress na si Summer ay wala akong magagawa.
Gusto ko ring makita kung pano sya ipapahiya ng teacher. Kahit naman may silbi naman ang rule pero para naman atang di magandang pakinggan. Tsk. Ewan. Di ko rin alam kasi first time kong mag aral sa school.
"Excuse me?",kalmado pero naiinis na tanong ng teacher.
"The school wants the teachers to be the role model of this institution. It's unfair for the students to give excuse letters when they are late when the teachers don't do the same. Feel free to read the whole school rules, sir.",sabi nya at binigay ang booklet sa teacher namin.
Nakatingin lang ang teacher sa kanya. Parang nagulat sya sa inasal ng student nya. Aishh.
"One more thing. You are not going to have a formal class neither conducting any lectures without the excuse letter sir. It's a protocol. Guys early recess.",sabi nya at lumabas na. Naiwang nakailing ang teacher namin.
Grabe talaga sya. Pano nya nagagawang pahiyain ang mga tao ng basta basta nalang? Di ko lang ma gets bakit ganun na lang ang confidence nya at sunud sunuran naman agad ang mga tao dito sa school sa kanya?
Nagsilabasan na ang mga classmates ko so lumabas na rin ako. Naglalakad ako patungo sa soccer field ng school. Yes,malaki talaga ang Eastern Excellence Academy. Kahit di naman ganun kadami ang students dito.
"Stann!",may sumigaw kaya napalingon ako. Si Happy pala at kumakaway sakin. Huminto ako para hintaying makalapit sya sakin.
"Ang loner mo. Tara samahan kita.",sabi nya at ngumiti.
Tumango lang ako at naglakad ulit kami. Tahimik lang. Ang awkward kasi di ko naman talaga sya kilala tapos kasama ko sya ngayon. Ano bang dapat kong i-topic?
Bigla kong naisip si Summer. Tama. Gusto kong malaman ang tungkol kay Summer. Kasi naiinis ako sa kanya.
"Ah Happy. Do you know Summer?",tanong ko. Ano ba yan syempre kilala nya.
"Summer Madrigal? Ang president ng student council. At mahahanay sa mga magaganda dito sa schol. Ang pinakamatalino dito sa Academy. Multi talented and sporty. Mukha syang rude pero alam nya ang ginagawa nya. She's perfect.",sabi nya at ngumiti. Tingin ko fan sya ni Summer.
"She's not.",sabi ko.
Napakunot noo sya sa sinabi ko.
"She's rude. She's an attention seeker. She acts as if she's the law of this school.",explain ko.
Ngumiti sya bago nagsalita ulit.
"Because she is."
~~
Si Summer po yung nasa side :)

BINABASA MO ANG
Just His Girl
Teen FictionNever underestimate a girl's love. Never measure her feelings. Never doubt her sincerity. You'll never know what she can do JUST to be HIS GIRL. Another teenage love that will make us remember our firsts.