Chapter 13

509 23 5
                                        

Hi mga pips! May readers pa ba to?! Sorry sa super delayed na ud. Asahan nyong pagkatapos nitong next week ay babaha na ang UD ko. :)

Just His Girl

Chapter 13- Friendship 101

Twinkle's POV

"Oh bat parang di maipinta yang mukha mo?",si Stann.

Inirapan ko lang sya. Kami lang ulit ang kumakain ng breakfast kasi di pa umuuwi sila Dada at Nana na extend yung world tour nila.

"Kuya do we really have to have friends?", tanong ko sa kanya. Napatitig sya sakin. Nagulat ata sya kasi ako ang nag initiate ng usapan o topic.

"Honestly, I don't know but maybe we should atleast have one.",sagot nya sakin at nagpatuloy sa pagkain.

Napatitig ako sa kanya. Bat parang nalulungkot ako sa sinagot ng kakambal ko? I am afraid he might find a friend that will replace my position in his life.

"I don't want to.",sabi ko.

Napahinto sya at napatitig na naman ulit sya sakin. Nag aabot na naman ang mga kilay nya.

"You don't need friends. Am I not enough? Is Dada and Nana not enough for you?",mahinahong tanong ko.

I am just pissed off because I don't get him. Akala ko parehas kami ng stand about having friends.

"Twinkle.",wala sa oras nyang tawag sakin.

"You don't need strangers Kuya.",sabi ko.

I don't know why I am acting this way. I am being childish. This is being not me. He's still staring at me.

"I'm sorry.",sabi ko na lang. Hinawakan nya ang isang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Twinkle, no one will replace you in my life. Don't be afraid to open your doors to others. You don't have to have a lot of  friends. You just have to keep the real ones. I'm also learning to befriend with someone at school. And I also want you to do that.", sabi nya.

Lalo akong nalungkot sa sinabi ni Kuya. Sa loob ng halos dalawang linggo may kaibigan na sya. Kahit di nya yun sabihin alam kong nag eenjoy sya. While me , sa loob ng dalawang linggo ay iniiwasan pa rin ang mga weirdos na sina Cherry at Berry. Lagi silang nagtetext sakin di ako nagrereply.

Pati na rin pala yung unknown number ay patuloy pa rin sa pag send ng message sakin araw- araw.

On the way na kami sa school at si Stann ang naging driver ko. I am staring at him from the back seat. I supposed that he is able to adjust so fast. Nung nakaraang dalawang linggo lang ay parang manok sya kung putak ng putak kung bat kelangan pa naming mag enroll sa formal schools at hiwalay pa. Naging labasan pa nga nya ako kasi annoying yung mga tao sa school nya pero ngayon wow open na sya sa idea ng making friends. Napapailing nalang ako.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon